Chapter 4

1.7K 37 10
                                    

CLYDE'S POV

So yun na nga nandito pa rin sya at hindi pa rin gumigising almost a month na syang comatose at simula nung magising ako hindi kona sya pinabayaan pa,araw araw ko syang dinadalaw at minsan ako ang nagaalaga kahit na medyo dipa ako ok pero wala akong pakealam dun basta ang mahalaga maalagaan ko yung taong mahal ko

"Abnooy kailan kaba gigising namimiss na kita ei" malungkot na sabi ko,na lalo pang nagpalungkot dahil sa sinabi nang doctor nya kanina lang

ipinaalam nito sa amin na maaari daw magkaroon nang amnesia si avery dala na din nang pagkakatama at pagbuo nang dugo sa ulo nya,pero hindi naman daw ganun katagal na aabutin nang taon dahil baka daw months or week lang pero kahit na ganun masakit pa rin yun sa akin dahil hindi nya ako maaalala

"clyde kumain kana kaya muna hindi kapa nag breakfast ei baka magkasakit kapa ulit" sabi ni tita
trisha sa akin

"ok lang po ako tita mas gusto ko po yung makikita ko agad sya pag nagising sya" tumango naman si tita

"pero kakain ka ah"

"opo" at umalis na nga si tita

pinagmasdan ko lang ang mukha ni avery habang naluluha na pero pilit ko yung pinipigilan dahil ayaw ko ipakita sa kanya na weak ako dahil alam kong isa ako sa nagpapalakas sa kanya ngayon

"kahit gaano katagal mawala ang memorya mo hinding hindi parin kita bibitawan at iiwan tandaan mo yan ah" sabi ko sa kanya sabay halik sa noo nya

may ilan pa ring gas gas ang makikita mo sa mga braso at mukha nya pero di parin mawawala ang kagandahan nya

ang bigat isipin na ako ito malakas at may malay nya habang sya nakahiga at nahihirapan

sana ako na lang yung nakahiga dyan at hindi sya para hindi sya mahirapan,habang pinagmamasdan ko sya hindi ko namalayang nakatulog na ako

napamulat ako dahil naramdaman kong gumalaw ang kamay ni avery na hawak hawak ko simula pa kanina,kaya naman agad akong napatingin sa kanya at nginitian sya tinawag ko din naman sila tita at tinawag na din nila ang doctor para tignan sya

"OMY,gising kana anak!" naiiyak na sabi ni tita at niyakap ito nagpalinga linga lang naman si avery sa amin nang biglang magsalita yung doctor nya

"well i think na magkakaroon nga sya nang amnesia pero weeks lang siguro ito dahil naka survive sya sa mga test na ginawa namin,napakalakas ng batang ito kayat hanggat maaari ay wag nyo muna syang pipilitin na makaalala dahil baka ma pressure sya"

"ok po doc thank you po"

"avery nakikilala mo ba kami??" tanong ni tita

tinignan lang naman sya ni avery sabay tango dahilan para maiyak si tita trisha dahil naalala sya nito

"eh ako nakikilala moba ako?" si tito naman at tumango din ito,ayaw kong itanong kung naaalala nya ako dahil parang alam kona ang sagot dun

"eh sya naaalala mo ba sya"turo sa akin ni tita kaya napatingin sa akin nang wala sa oras si avery at umiling din

"sino po ba sya?" parang nagtatakang tanong pa nito kaya naman napatalikod ako at nag pahid nang luha sa mata ang hirap huminga eh diko matanggap

"ah tita labas po muna ako,balik na lang po ako mamaya" sabi ko at tumango naman sila tita sa akin

"don't worry clyde makaka balik din sya,konting hintay pa" si tito at nag bow na lang ako sa kanya saka dali daling pumunta sa labas at umupo ako dun sa medyo likod nang hospital at dun ako umiyak

"Bakit ako lang ang hindi nya nakilala at natandaan??" kausap kopa sa sarili ko

"Bakit hindi nya ako natatandaan!!" iyak ko pa

alam ko namang babalik din yun pero hindi ko alam kung gaano pa katagal ang pagbalik nang memory nya

pinahid kona ulit ang luha ko at saka ako pumunta sa restaurant para maka kain at makabalik na ako kay avery

pagbalik ko dun nadatnan kong nandun din yung mga kaibigan namin at kinakausap sya agad naman akong tumabi kay tom at tinanong sya

"natatandaan nya ba kayo??" tanong ko pa umiling lang naman sya

"hindi nya din kami matandaan,at alam kong ganun ka din dahil sinabi nya sa amin na may dumalaw din ditong lalaking gwapo at maputi" natatawang bulong pa ni tom sa akin

"pero sinabi naman namin na boyfriend ka nya at talagang nanlaki ang mga mata nya at parang di makapaniwala kaya natawa talaga kaming lahat" kwento pa nito

bahagya pa akong napangiti sa sinabi nya,so kahit papaano gwapo pala ako sa paningin nya

"Avery ito na yung boyfriend mo oh" sabi ni freya sabay hila sa akin,kaya naman napapunta ako sa kanya at tinitigan sya

"Hi avery!" bati ko pa sa kanya

napatingin naman sya sa akin

"Boyfriend ba talaga kita?" tanong nya at tumango naman ako

"Bakit dika ba naniniwala??" natatawang sabi kopa

"Masyado ka kasing gwapo " nakatungong sabi pa nya kaya naman lumapit ako sa kanya at iniangat ang tingin nya sa akin gamit ang mga kamay ko

"alam mo bang ngayon mo lang yan sinabi sa akin simula nang maging tayo?" nanlaki naman ang mata nya

"Ga-ganun ba?? hehe"

"Don't worry hihintayin kong makabalik ang alaala mo para dika naiilang sa akin,naiilang ka kasi ei" sabi ko pa kaya napa tungo sya hahaha ang cute talaga nya ang sarap din pala sa feeling na ganito sya

"sige na magpahinga kana,para magkaroon kanaman nang lakas dahil mag dadate tayo pagkalabas na pagkalabas mo" bulong ko pa kaya lalong nanlaki ang mga mata nya pero diko yun pinansin at hinalikan ko sya sa noo

"Ahh luke kayo muna ang bahala sa kanya ah kailangan ko din kasing magpahinga ei you know kagagaling ko lang din"

"no worries palma sige ingat ah"

"wag kang magalala palma walang makakapasok na mas gwapo pa sayo dito" si noah naman

"gago!"sabi ko naman sa kanya

"tom thank you,freya una na ako"

" sige palma,ingat ka ah" tinanguan ko naman sya saka ako muling tumingin kay avery

"magpagaling ka dyan abnoy,dahil oras na makalabas ka dito diko hahayaang lumayo ka sakin"  sabay kindat ko at lumabas na na ako nang ICU bukas naman ay ililipat na sya sa room para mas comfortable daw sa kanya

nakasalubong ko naman sila tita at tito kasama na nila si allen at ash  sa labas kaya nagpaalam na din ako sa kanila

"Ah ganun ba sige magpahinga ka clyde ah at masyado kang napuyat nitong mga nakaraang araw" sabi ni tita

"opo"

"thank you clyde sa pag aalaga kay avery ah" si tito naman

"wala po yun tito"

"ingat ka palma ah,salamat" si ash naman,ngumiti lang ako sa kanila saka ako pumunta sa parking at umuwi na,agad ko ding ibinalita kanila mommy na gising na si avery at sobrang natuwa naman sila kaya dadalawin na din daw nila tomorrow ako naman ay agad nang nagpahinga dahil medyo pagod na din ako

"Pag may problema harapin mo wag mong takasan"
-clyde

[The cutest author]

Our Last Word (From enemy to lover book 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang