Chapter 21 [EDITED]

16.3K 211 41
                                    

LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA

"WALA kang pagsasabihan ng nakita mo, Yna." narinig kong sabi ni Kuya kay Boss Yna. Nakita kong napa-facepalm na lang ito at humawak sa sentido ng ulo niya. "You're fucking your sister, Sebastian!" Giit niya kay Seb.

"Mahal ko si Liana. At alam kong mali pa ang lahat dahil legally, magkapatid kami. Alam mo naman na hindi kami magkadugo diba?" tanong niya rito. "Seb it's not about being legal or blood related. It's about your moral. At saka mas bata si Liana sa'yo, alam mo na prone siyang gumawa ng maling desisyon kaya bakit ka nakisakay. Sana pinigilan mo ang sarili mo.' Sermon niya kay Sebastian.

"Sinubukan ko, Yna. God knows I tried, but I love her. I really do."

"So magiging makasarili ka. Liana has a boyfriend, at ikaw you are engaged to Nicole. Pumapasok ka sa sitwasyon na marami kayong masasaktan."

"Naiintindihan ko na concern ka lang, Yna. I promise. I will work on this." Giit ni Seb at tumingin siya sa akin. "Gagawin ko ang lahat maging tama lang ang relasyon namin." Sabi niya rito.

Napainom ng tubig si Boss Yna, nanginginig pa ang mga daliri nito dahil tensed na tensed siya. "Sebastian umiinit ang ulo ko sa inyo."

"Yna, I'm begging you. Huwag mong ipagsabi sa kahit na kanino ang mga nakita mo. Please..." Napapikit si Boss Yna.

"Fine I won't! Pero pakiusap, huwag niyong dudumihan ang kumpanya ko. Sa labas kayo ng opsina maglandian at huwag dito!" Giit ni Boss at iniwan niya si Sebastian sa loob ng office niya. Paglabas niya ay tumingin siya sa akin at saka niya iniripan. Ang kaninang magandang mood niya at pumangit.

Nakagat ko ang labi ko, "Boss..."

"Huwag mo akong kausapin mas lalong umiinit ang ulo ko!" Singhal niya at lumabas na siya nang tuluyan. Naiwan si Sebastian sa opsina na napaupo na lamang sa sofa.

Ring... Ring...

Nakapukaw ng attensyon ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko naman ito at tiningnan. Bumungad sa akin ang numero ni Terrence. Pinindot ko ang answer button at tinapat sa tainga ko. Nanginginig ako dahil 'di ko alam kung anong gagawin ko. Paano kung malaman nang lahat ang tungkol sa amin ni Seb? Ngayon pa lang kami nagiging masaya.

'Liana..."Tawag niya sa pangalan ko.

"Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya, napakalungkot nang boses niya at hindi ako sanay sa ganoong tono niya. 'Liana, patawarin mo ako." sabi nya sa akin.

"Huh? bakit ka nagsosorry?" tanong ko sa kanya. Diba dapat ako ang gumagawa no'n dahil nasasaktan ko siya nang 'di niya alam? "Liana... maari mo ba akong puntahan?" tanong niya sa akin. Napapikit ako, Terrence, patawad pero mas may kailangan akong intindihin. Napalunok na lamang ako.

"Terrence, busy kasi ako. Napakarami kong papeles na ginagawa." Sagot ko sa kanya, hindi ako pwedeng umalis. Ngayon pa pinoproblema namin ni Seb si boss Yna na nahuling mayroon kaming ginagawa. "Ngayon lang kita iistorbohin, Liana. Please magkita tayo. Kailangan na kailangan kita." sabi nya sa akin.

Huminga ako ng malalim dahil sa tono ni Terrence. Pakiramdam ko ay mayroon siyang dinadamdam. Masyado akong pocus kay Sebastian at nakalimutan ko siya. Siguro dapat kunin ko na rin ang pagkakataon na ito para makipag-hiwalay ako sa kanya.

'Sige, saan kita pupuntahan?" I asked him.

"Nasa bahay ako." sabi nya sa akin.

"Sige, pupuntahan kita agad ha. Hintayin mo ako." sabi ko sa kanya. Tumawa sya ng mahina na tila ba nabunutan siya ng tinik."Maraming salamat, Liana. Huwag kang mag-alala dahil 'di na kita papahirapan." Parang may kung ano ang kumurot sa puso ko. Di mo ako pinapahirapan Terrence, ako pa nga ang nagpapahirap sayo ng palihim. Ako ang may ginagawang mali at kailangan ko nang kumalawa doon.

My Twisted Love Affair [Completed]Where stories live. Discover now