11- Thanks Teacher

5.6K 242 3
                                    

[Yin's POV]

Hindi ako mapakali sa loob nang cafeteria

"Ano na kayang nangyari kanila Carly? Bakit parang ang tagal na nila, baka may masama nang nangyari sa kanila" Sabi ko at agad akong kinausap nang kakambal ko

"Tumigil ka nga diyan sa kaiikot mo, mas lalo mo kaming pinapakabang lahat dito eh" Sagot naman ni Yang

"So sampu nalang pala tayong natitira dito, kakamatay lang ni Nico kanina" Sagot naman ni Erika

"Diko talaga tanggap ang mga nangyari, wala pa tayong isang linggo dito, pero bakit ganun, 10 nalang tayong natitira, patay na ang 12" Sabi naman ni Yang

Agad nalang akong umupo at huminga nang malalim, speechless ako ngayon sabi ko sa sarili ko

At agad na may inabot si Daylin sa amin na envelope, at pinapabasa nito sa amin

"Ano to? Saan mo nakuha?" Sabi ni Erika habang hawak ang envelope

"Nakita ko lang yan sa bodega, parang importante ang laman kaya kinuha ko" Sagot naman ni Daylin at binuksan ni Erika ang envelope

Nang binuksan niya ito, nakita naming lahat na may papel na nakatupi at binuklat naman ni Erika ang papel at binasa ito

"SIX GIRLS MORE" Yan lang ang nakalagay sabi ni Erika

Nagtaka kaming lahat kung anong ibig sabihin ng nakasulat sa papel

Nang bigla akong kinabahan at nagsalita

"Hindi kaya, anim na babae pa ang mamamatay?" Sabi ko naman at nanlaki ang mga mata nilang lahat

"Ha? Anong ibig sabihin nito?" Sabi naman ni Katrina

"Hindi ko alam" Sabi naman ni Erika

At sinimulang bilangin ni Erika ang mga babae pang natitira

"One, ako, two si Eonne, three, si Katrina, four, si Daylin, five, si Bea, at six si Carly, pero pangpito na si Jane" Sabi ni Erika

"Teka ang gulo ah" Sabi naman ni Bea

"Wag niyo na nga lang pakinggan si Yin, at ikaw naman Yin, gusto mo namang mamatay ang mga kasama natin?" Sabi ni Yang at agad siniko nang konti

"Pasensya naman" Sagot ko nalang at biglang may kumatok sa pintuan

Nang narinig naming may kumatok ay agad kaming kinabahang lahat at biglang napatahimik

"Guys! Si Carly ito" Nang marinig namin ang boses ni Carly ay agad binuksan ni Bea ang pinto

Pero nang pagkabukas ni Bea nang pinto ay nagulat kami sa nakita, kasama ni Carly si ma'am Linda at duguan si Carly

"Carly, di-ba sa-a-bi m-mo" Nauutal na sabi ni Erika

"Wag kayong maniwala doon, mabait si ma'am" Sabi naman ni Carly

"Eh kung ganon sino ang killer?" Sabi naman ni Erika

"Si Chris ang killer na isa, mahirap mang tanggapin, pero wala na siya, pinatay siya kanina kasi dinukot kami nila Jane" Sabi naman ni Carly

"Oo nga pala, nasaan na si Jane?" Tanong ko habang hinahanap si Jane

Pero nang tinanong ko yun ay bigla nalang natahimik si Carly, nakita ko na unti unting pumapatak ang luha niya kaya alam na naming lahat ang ibig sabihin nun, patay na rin si Jane

"Wala na si Jane, nagsakripisiyo siya para lang mabuhay ako" Sabi ulit ni Carly habang umiiyak at tinakpan ang mukha

Halos naging malungkot lahat nang tao sa loob nang cafeteria na wala na rin si Jane, agad agad na nilapitan ni Katrina si Carly sabay sabing

School 26 UniversityWhere stories live. Discover now