Kabanata 16

247 10 0
                                    

Kabanata 16

Accused


Saktong tumawag si Enzo sa akin nang mag-sorry si Yuan kaya nag-excuse muna ako at lumabas muna para sagutin ang tawag. Nakalimutan ko kasing e-text ito na medyo ma-le-late ako nang dating.

Pagkatapos ng tawag ay lumabas din si Yuan at tumabi sa akin nang upo. Napansin siguro nitong nagtagal ako kaya sumunod na lang.

Nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga kaya napabaling ako rito.

I can see the loneliness in Yuan's eyes.

"Naalala mo pa ba no'ng first time kitang inayang sumakay sa ferris wheel sa El Salvador?" Tanong nito kalaunan, pero nakatingin lang sa harap.

I nodded at him even if he don't see it.

"That's the time we became official... I was so happy back then," Yuan paused and sighed again.

"Iyong first time na ipinagluto kita ng breakfast dahil tinatamad ka, tapos pinagtatawanan mo lang ako kasi sunog 'yong niluto ko..." Bahagya rin akong natawa dahil naalala ko ang araw na 'yon.

"Iyong pilit mo akong inuutusan na awayin 'yong babaeng umaway sa 'yo." He smile. "Pero ikaw naman mismo ang umaway."

Sumisikip ang dibdib ko kahit na masaya naman 'yong kini-kwento ni Yuan sa akin.

"Those memories mark a special place in my heart. I was very happy being with you. You were my all. But I chose to leave without a word."

Yuan's words were like a knife, slowly cutting my heart into pieces, making me suffer from its sharp blade.

"Hindi mo ba ako tatanongin kong bakit kita iniwan ng walang paalam, Vhanne?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Yuan habang nakatanaw ito sa malayo.

Marami akong tanong, at sa sobrang dami no'n, 'di ko na alam kung alin do'n ang uunahin. Ang sakit. I admit. Galit ako no'ng umalis siya nang walang sabi. Pero bakit ngayon, at this point, wala akong galit na makapa sa dibdib ko, tanging sakit at pangungulila lang ang nararamdaman ko? Is this because I finally saw him?

"W-Why, Yuan?" Tanging 'yan pa lang ang natanong ko kay Yuan pero dahilan na agad iyon nang unti-unting pagbagsak ng mga luha ko. Ang sakit pala ng tanong na 'yon. Ngayon ko lang kasi lubusang natanong 'yon sa kanya.

Ang tagal nang panahong hinintay ko para lang maitanong sa kanya 'to. Para matanong siya sa mga dahilan niya—para malinawan ako.

"B-Bakit mo ako hinayaang mag-overthink kung ano ang pagkukulang ko sa 'yo? Bakit mo ako iniwan ng walang kahit na anong pahiwatig? Bakit mo ako hinayaang mag-isip na wala akong kakwenta-kwenta dahil hindi mo man lang ako sinabihan kung saan ka pupunta? B-Bakit, Yuan? Wala lang ba akong halaga sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ko.

Tumango si Yuan habang puno nang pagsisisi ang mga mata.

"I feel like I am not enough that is why you just left me all of the sudden!" I flinched. "I mean—I can't offer you anything like other women do—"

Agad hinawakan ni Yuan ang mga kamay ko, pinapakalma ako.

"Sshh. You're enough, Vhanne. You are more than enough," puno ng damdamin na usal ni Yuan habang nakahawak sa kamay ko.

"You are enough even when others make you feel forever 'less'. Worthiness comes from within, so do not build a home for inside someone else." I cried.

Mabuti na lang talaga at walang ibang tao rito sa labas kung hindi nakakahiya ako ngayon.

"You are more than their perceptions. You are more than their words... you are enough—even when you make mistakes."

I looked away.

"Then why did you left me!?" nasasaktang tanong ko.

Kailangan ko ng mga sagot sa tanong ko not because I want him back, but because I want to let myself free from the past.

"Because I was accused of a crime that I did not commit, Vhanne. Believe me, I don't want to do it. I don't want us to separate... but I have to." He sniff. "Mahal na mahal kita. Alam kong alam mo iyon."

Sa sinabi ni Yuan, alam kung nahihirapan rin ito. Nasasaktan rin ito at hindi lang ako 'yong nasaktan at nahirapan. Kaso nga lang, ang kaibahan namin, siya alam niya ang dahilan, ako naiwan sa mga bakit na katanungan. Mas nahirapan ako. Mas nasaktan ako dahil hindi ko man lang masagot ang mga tanong na bakit sa isip ko. Sobrang hirap.

"Pinilit ako ni Mommy at Daddy na umalis at magpuntang America. Ayaw ko... kasi masakit. Ayaw kitang iwan kasi alam kong masasaktan ka. But then I realized that staying away from you was the best decision I could make at the time. So I did. I'm so sorry, Vhanne." Yuan's tears gave me a storm of pain.

Sobrang sakit. Sobra-sobra. Like a rain, my tears keep on falling like no one can stop it.

"I'm sorry if I let you mourn alone... I'm so sorry, baby. I did not mean to do it... but I don't have a choice. I'm really sorry. I really do."

Patuloy ako sa pagluha ng walang ingay at naramdaman kong mas masakit iyong ganito. Na nagpipigil ka ng nararamdaman mo.

Panay rin ang agos ng luha ni Yuan dahilan kaya hindi ko kayang tumingin sa mga mata nito. Sobrang nasasaktan ako.

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Para akong sinasakal ng mga luhang patuloy na bumabagsak pababa sa mukha ko.

"A-Anong krimen ang ibinintang s-sa 'yo?" mahinang tanong ko kalaunan. Pero kahit gano'n pa man, alam kong narinig pa rin ako nito. Tinitigan ako ni Yuan gamit ang mga matang puno ng sakit.

"They accused me about... your parents' death."

Nabigla ako sa sinabi ni Yuan kaya parang biglang tumigil ang pag-agos ng luha ko. Para akong nabingi.

"W-What?" Nagtatakang tanong ko. Tumango si Yuan at malungkot na ngumiti.

"Yes. They accused me. Sinabi nilang ako ang dahilan ng pagkaka-sangkot sa aksidente ng mga magulang mo dahil kotse ko ang hiniram ni Ruin noong gabing iyon." Seryoso ang mukha nito at kita ko ang galit na dumaan sa mga mata ni Yuan bago ang sakit.

I may not accused before, but I know how it feels. 'Yong ikaw 'yong sinisisi kahit wala kang alam, kahit wala kang ginawa.

My heart ached remembering my parents. I miss them even more. Ang tagal na nang nangyari pero sariwa pa rin sa isipan ko ang mga alaala nila.

Panay pa rin ang singhot ko habang yakap-yakap ako ni Yuan. Hinahaplos din nito ang likod ko habang umiiyak pa rin ako. Akala ko 'di na ako masasaktan kapag narinig ko ang tungkol sa mga magulang ko. Pero heto ako, panay ang iyak at 'di maampat-ampat ang luha.

Panay rin ang hingi ni Yuan ng tawad kaya inilingan ko ito. Wala naman itong kasalanan kaya 'di dapat ito humingi ng tawad sa akin. Ang tanging pagkakamali lang ni Yuan sa akin ay ang pag-alis nito nang walang paalam. Ang pag-iwan lang nito sa akin ang tangi nitong kasalanan.

Sa katunayan, ako dapat ang humingi ng tawad dito dahil napagbintangan pa ito sa bagay na hindi nito ginawa.

I Was Once Like You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon