Chapter 21: Decision of Mine

1K 11 1
                                    

 ***Chapter 21: Decision of Mine

Anong gagawin ko darating si Luke dito sa condo? Hello? Baka mamaya mag suntukan sila dito sa condo ni Jad. Nakakhiya hindi ko pa naman to condo.

"Sinong tumawag?" tanong sakin ni Jad habang palabas siya ng kwarto. Nakabihis siya na casual. Kakaligo lang ata nito. Ang bango kaya niya.

"Si Luke" sabi ko na may nanginginig na boses. Hindi ko talaga alam anung gagawin ko.

Linapitan ako ni Jad at hinawakan ang pisngi ko. First time niya to ginawa sakin. Bat parang may ibang feeling ako nararamdaman. NO! Hindi ito pwede lalo ng faithful ako kay Luke.

"Trust me. Akong bahala" sabay kuha niya ng car keys niya at hinila ako palabas ng condo niya. 

Umuulan tapos lalabas kami? Chaka baka makita kami ni Luke mamaya sa carpark lagot na talaga yan. Hila-hila parin ako ni Jad habang pababa na kami. Ang bilis niya tumakbo. Nakatingin samin ang mga receptionist. Kakahiya tong ginawa niya ah. 

Nasa carpark na kami habang hawak-hawak parin niya kamay ko. Ang higpit ng hawak niya kaya medyo nasasaktan ako. Papasok sana kami ng kotse ng biglang mayroong humigit sakin.

Patay na. Sabi ko na nga ba namaabutan kami eh. 

"Stay there" sabi niya habang pinasok niya ko sa kotse niya.

Hindi ko narinig sinasabi nila dahil nga diba nasa kotse ako ni Luke? Kinakabahan ako sa mangyayari ah.

***Luke's POV

Fvck! Why sa lahat pa ng babae na gusto nyang tirahin ay ang girlfriend ko pa? Binilisan ko ang pag drive ko para maabutan ko sila. Malay mo tinakas ng hayop na yun si Louise. 

Pumunta ako sa car park at nakita ko si Jad na hawak-hawak niya kamay ni Louise. This is a big sh*t. Pumara ako ng mabilis at bumaba. Sasakay sana si Louise sa kotse kayalang hinigit ko agad ang kamay niya. Nagulat yata siya sa ginawa ko. Pinasok ko siya sa kotse.

"Stay there" sabi ko sakanya at sinarado agad ang pinto.

"What the fvck are you doing Jad?!" sabi ko sakanya. Hindi siya nag salita. Walang hiya pala tong gag* na to eh.

Linapitan ko siya at kinuwelyuhan. Dito makikita niya na galit na talaga ako sakanya.

"I said, What the fvck are you doing?!" ulit kong tanong sakanya.

"Anong ginagawa ko?! Edi tinatakas sayo ang girlfriend mo." sabi niya. Walang hiya din tong lalaki na to.

Sinuntok ko siya ng malakas at bumagsak siya sa floor. Nakita ko na dumugo yung bibig niya. Wala akong pakialam sakanya kahit masugatan siya. He deserved it. Tumalikod ako para pumunta sa kotse. Pero bigla siyang nag salita. 

"You will see Luke. Mapapasakin din siya."

Hindi ko pinansin sinabi niya dahil alam kong hindi mapapasakanya si Louise. Dahil akin lang siya at kaya ko siyang paglaban.

***Trish's POV

Hindi ko talaga matanggap sa nakita ko. SInuntok ni Luke si Jad? Ano naman kasalanan niya para gawin niya iyon? Kanina ko pa tinatanong si Luke kung bakit niya sinuntok ngunit hindi ito sumasagot. 

Patuloy parin siya sa pag drive hanggang nakarating kami ng bahay. Alam kong malakas ang ulan ngunit wala akong pakialam. Lalabas sana ako ng kotse niya ng bigla niya ko hinawakan sa kamay. Hindi ko alam kung anong gagawin ako dahil sa ginawa niya kay Jad.

"Bitawan mo ko." ang tangi kong sagot. Alam ko masakit ngunit kaylan ko muna mag pahinga. Mabuti nalang at sinundan na niya ko at bumitiw siya. Kaya naman lumabas ako ng kotse niya at dumiretsyo sa bahay. Wala akong payong kaya ito ako ngayun basang-basa sa ulan.

Hindi ko alam talaga ang gagawin ko. Dahil sa nangyari ngayun nasasaktan ako. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Naglakad lang ako papasok ng bahay hanggang pagtalikod ko wala na pala si Luke. Nag lakad ako ng tahimik dahil baka mamaya magising si Anna. 

Pumasok ako ng kwarto ko at humiga agad. Bakit ganito? Sana naman mayroong akong magandang buhay man lang. Puro nalang away at masasakit na bagay ang nangyayari sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Kaylangan ko mag bago." sabi ko sa sarili ko. 

***Author's Note: Tadah! Heto ako ulit nag u-update :) Patawarin niyo ko kung matagal dahil madami akong ginawa at ngayun ay masakit ang right leg ko. Ajuju. Pero okay lang ako. Medyo hindi lang ako nakakalakad ng maayos.

CONGRATS KELA DANIELLE AND JOMEL na nakapasok sa city meet. Galing nila msyado nuh? Well ako isa lang panalo ko. Okay lang :D NEXT YEAR! 

Oh nga pala take note. Hindi pa po to tapos ha? Baka sabihin niyo tapos na to. Hindi pa po. Madami pa tayong tatahaking mga storya tungkol kela Trish at Luke. Pag sinabi ko nang tapos yun na po yung tapos. Okay? xD Babush!

Loving You was my Favorite Mistake [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon