8

1.7K 58 22
                                    

Kurt's POV:

Kanina pa ko inuusisa nila Isaac at Lukas tungkol dun sa paglike ko sa lumang picture namin ni Chester habang si Pamela e pangiti-ngiti lang sa gilid.

"Tigil tigilan niyo nga ako." inis na sabi ko kela Isaac.

"Ang sa akin lang kasi e dapat yung pinost ni Chester na picture e dapat kami dalawa pero bakit ikaw? baba naman ng taste ni Doc kung ganun." problemadong sabi ni Lucas

"Ulol!" sabay imba ko ng sipa sa kanya na siya namang ikinatakbo niya.

"Bagay kayo." pasimpleng sabi ni Pamela sa kin.

"Di kayo bagay ni Isaac." malakas na sigaw ko na siyang ikinainis ni Isaac habang si Pamela e patawa tawa lang.

--

Nakarating na kami sa karenderia na madalas namin kainan malapit sa school tuwing lunchtime.
Inis na inis padin sakin si Isaac habang si Lukas at Pamela ay may pinag-uusapan.

"Yoooooo!" sabay kami napalingon sa pinto ng karenderia.

"Oh, himala at lumabas kayong campus!" gulat na tanong ni Lukas kela Kit, Chester at Jackson.

"Nakakasawa pagkain dun. Pati sa panaginip ko e pagkain sa campus kinakain ko." halos kilabutan na sabi ni Kit, habang kakaupo lang nila Kurt at Jackson na kakatapos lang umorder.

"Late na lunchtime niyo ah." puna ni Chester tsaka mabilis na umupo sa tabi ko.

"Last sub." si Isaac na sumagot dahil dedma lang ako kasabay ng pagtawa ni Pamela na mabilis ko pinandilatan ng mata.

"SANA ALL!" reklamo ni Jackson na tinapik tapik nalang siya ni Kit.

"Pakisabi nga bat tayo nag Med?" tanong ni Jackson kela Kit at Chester.

"I don't know about you." simpleng sagot ni Chester kasabay ng pagkibit balikat ni Kit.

"Kain ka nalang atleast may purpose ka para mabuhay." pabirong sabi ni Lukas kay Jackson.

"Potangina mo!" malutong na mura ni Jackson na siyang ikinatawa namin lahat.

---

Chester's POV:

Ako lang ba ang nakapansin na parang iniiwasan ako ni Kurt kasi tahimik siya pag ako na nagsasalita.

Napatingin kami sa kanya ng sunod sunod na tumunog phone niya kaya mabilis niyang tinignan kung sino yung nagtext or tumawag sa kanya.

"Sino yan?" curious na tanong ni Isaac at pinakita ni Kurt yung phone niya dito.

"Una na ko." mabilis na nagligpit si Kurt at lumabas sa karenderia.

"Sino yon?" tanong ni Pamela sa boyfriend niya.

"Jess." sagot ni Isaac.

"Jess who?" tanong ulit ni Pamela.

"Jessica." sagot ni Isaac pagkatapos tignan niya ako ng makahulugan.

Tahimik ako simula matapos yung lunch at bumalik sa campus hanggang sa last subject namin.

"Okay ka lang?" concern na tanong ni Kit sa akin.

"Yup." ngumiti ako sa kanya at nakinig sa prof namin.

--

"Tara na, hatid na kita." aya sakin ni Kit pagkadismiss samin.

"Di na, may dadaanan pa ko." palusot ko.

"Gusto mo samahan na kita?" tanong ni Kit.

"Hindi na, baka matagalan ako." pagtanggi ko.

"Sure ka?" tanong ni Kit.

ONE NIGHTWhere stories live. Discover now