Part 1

17 2 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious matter. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

---
TRIGGERED WARNING:

This story contains language and scenes which may cause trigger reactions. Some chapters are graphic in nature and might be disturbing to some readers. Please read at your own risk. This story is open for your opinions, somehow. Let there be no hate but understanding and compassion.

You are being warned.

---

Alas onse na nang gabi at kalat na ang katahimikan at kadiliman sa paligid.
Mga huni at iilang kalaskas ng mga kuliglig, mga ingay lamang ng mga iilang taong gising pa't nag-uusap at may mga pinagkakabalahan sa labas.

Sa madaling sabi, malalim na talaga ang gabi.

Ngunit sa kwarto ng dise-syete anyos na dalagang si Mina ay parang alas-syete pa lamang.

Napagpasyahan kasi nilang magsleep over sa bahay nila kasama ng kanyang mga kaibigan na kapwa niya kaedad.

"Huwag na tayong matulog ah? Gawin natin lahat upang maging worth it 'tong sleepover natin kila Mina, 'lam mo na..minsan lang tayo payagan ng mga over strict parents natin eh," pahayag ni Celly sa kanyang mga kaibigan na may iba't-ibang pinagkakaabalahan.

Sabi kasi ng mga magulang nila na matulog sila ng maaga pero matigas ang ulo ng mga ito. Masyado daw kasing strikto ang mga magulang nila.

Nakakasakal.

Si Mina na busy kaka-strum ng kanyang gitara, si Jade naman ay busy sa kakasolve sa isang jigsaw puzzle na napulot lang niya sa ilalim ng kama ni Mina. At si Celly na todo kain sa binigay na pagkain ng mommy ni Mina.

Napahinto ang lahat at umayon sa sinabi ni Celly kaya nag-isip na sila ng iba't-ibang pagkakaabalahan upang hindi makatulog. Iba't- iba na ang kanilang nagawa like taking pictures together, kwentuhan at marami pang iba't-ibang laro at kabaliwan ang kanilang nagawa.

Masaya silang ginagawa ito ng may mga ngiti sa labi. Minsan lang sila kumilos ng walang pumipigil sa kanila kaya naman sinusulit nila ang panahon ngayon na sila'y pansamantalang malaya.

"Guys, 'di niyo ba na-check niyo yung sinend ko sa GC natin na link no'ng isang araw?," biglang sabi ni Jade na nagpapukaw-pansin sa mga kaibigan niya.

"Ahh yung bagong scandal?," agad naming tanong ni Celly at saka humagikgik. Nakatikim tuloy siya ng malupit na batok sa mga kaibigan.

"Gaga hindi, yung isang game sa Japan. Puro ka diyan scandal hahaha. Pero guys, bakit 'di natin itry? It'll be exciting!," kumikinang ang mata ni Jade na tila ba'y sabik na sabik itong laruin.

"Ahh yung thumb game ba?," tanong ni Mina kay Jade saka lumapit sa kaibigan na hirap paring buuin ang puzzle na pinagkakaabalahan nito.

"Mukhang delikado eh," dagdag na komento pa nito.

"Pero pa'no 'pag hindi?," agad na sabat ni Jade sa kaibigan.

"Ehh ano naming makukuha natin doon sa larong iyon aber?," tanong naman ni Celly kay Jade. Itinigil muna niya ang kanilang pinagkakaabalahan at lumapit kay Jade. Hindi man nila aminin, the game sounds exciting and makacu-curious ka talaga.

"Ehh maghahanap lang naman tayo ng hinlalaki no'ng babae," naparolled eyes pa na saad ni Mina.

"What if maggrant ng wish yung babae 'pag nahanap natin yung thumb niya?"

Natahimik ang magkakaibigan.

Marami silang mga kahilingan na gusto nilang tuparin. Makalaya, maging sikat, walang hanggang ganito.. ganyan at marami pang iba.

"That's impossible," ayaw patalo na saad ni Mina .

"That's possible. Period" wika ni Jade sa kanyang mga kaibigan. "If you read the link carefully, nakasulat doon na magga-grant ng wish yung babae 'pag nakita talaga yung thumb niya".

Ilan oras pang nagtalo si Jade at si Mina.

"Why don't we try it? Wala namang mawawala sa'tin?," suggestion ni Celly na nagpahinto sa dalawa.

"What if may mangyaring masama sa'tin," bakas ang takot sa boses ni Mina.

"Ang duwag talaga neto hahaha. Kaya iniwan ka ni Kyle ehh," asar ni Jade sa kanya pero 'di lang niya pinatulan ang kaibigan dahil alam naman niyang matagal na ito.

"Che. Nga pala Celly, I have something to tell you... ano kasi--- ano—"

"Nahh, too many satsat. Let's start now" naiinip ng saad ni Celly.

"Nabasa niyo naman yung mga rules doon at mga tips 'di ba?," Tanong ni Jade sa kanyang mga kaibigan pero tanging tango lang ang natanggap niya mula sa mga ito.

"I don't know kung tama bang laruin natin ito" nasabi niya sa sarili.

"Okay let's start"

The Thumb GameWhere stories live. Discover now