4

0 0 0
                                    


(Dean pentler's pov)

Ng marating ko ang kagubatan kung nasaan ang eksaktong lugar ng pinaghukayan kahapon ay napahinto ako. Marahil ay dinala na nila sa kung saan iyon. Wala ng bakas ng time capsule dito. Wala na ang hukay at perpektong flat na lupa na lamang ang natira.

Tinapak-tapakan ko ito at nakaramdam ako ng saya, totoo nga ang narinig ko kahapon!

*Flashback*

Ng mawala na ang mga tao ay bumalik ako sa kagubatan, hindi ko sinabi kay shey upang hindi na siya maki-alam pa.

Nakita ko ang dalawang makapangyarihang mga tao dahil sa kanilang tindig at pananamit. "Mayor kailangan nating kunin ito upang suriin, malaki ang iaambag nito sa ating lugar! Let us not waste anymore time!" Pangungumbinsi nito sa kausap, nagtago lamang ako sa malagong puno at nakinig sa usapan.

"You know thst we cant, this is a threat that should not be kept, so burry it back six feet under the ground, i dont want rumors spreading about this again" pinal nitong sabi.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng huli, narinig ko ang mga yabag nila paalis, pupunta na sana ako doon ng makitang may mga tao pa at ibinabalik nila ito sa lupa.

*end of flashback*

Paano ko naman kaya huhukayin ito?. Sa nakita ko kahapon ay mukhang nasa six feet ang kailangan kong hukayin. I cant do this alone, hindi nga ako marunong maghugas ng pinggan ito pa kaya?, arghh. What can i do? I was born with a golden spoon in my mouth.

Napangiwi ako at tinawagan ang taong hinding-hindi ko sana tatawagan.

Naka ilang ring muna bago ito sumagot.

"Who are you?*hik* why are you calling?" Napa iling ako ng marinig ang katawagan, mukhang lasing na naman ito,

"Kaio its me, Dean, did you delete my number?" Ilang segundong natahimik ang kabilang linya.

"D-dean? Fuck! Im so sorry!, im so so sorry i did not see your name, but i promise i didnt delete your number, Dean----" napapikit ako ng mariin ng marinig na naghehesterikal ito.

"Shhhh kaio baby, its okay, calm down" ayaw ko sana siyang tawagan, alam kong nasasaktan siya dahil sakin pero wala na akong mahingian ng tulong.

"D-did you just call me... b-baby?" Napangiti ako ng wala parin itong pinagbago. Tawagin ko lng siya ng baby ay kumakalma siya.

"Yes, and... i need your help,can you help me with something?" Kakapalan ko na ang mukha ko, "anything my baby, anything" i chuckled, "can you tell your goons to come here at the forest? I need them to dig this thing up"

"Right away--" itinigil ko na ang kung ano pang sasabihin niya. "And kaio.. can you do me a favor?" Tumahimik lng siya kaya itinuloy ko na ang sasabihin, "please just your goons, not you, just your goons, and im sorry, i cant stand looking at you, because i know your breaking because of me, and i am too, so please..." napapikit siya ng hindi ito umimik, at ng bigla nalang itong in end ang call.

Im sorry Kaio, hindi ko kayang makita ang winasak ko, you deserve better, and that better is not me. And yes he is my ex boyfriend. And its been 1 year since we last talked, i know ang kapal ng mukha ko pero kailangan ko lng talaga siya, may tiya sabel is so over protective so i cant ask for her help.

Ilang minuto akong naghintay bago sila nakarating dito. "Ms. Pentler, ano po ang ipapagawa ninyo?" Tinignan ko ang sampung naglalakihang goons ni Kaio, "dig this area, dont stop until you find the time capsule" tumango silang lahat at kinuha sa kotse ang kagamitan, nagsimula na silang maghukay at walang kahirap-hirap nilang hinukay ang lupa.

Umupo lamang ako sa putol na punong nasa gilid at naghintay hanggang sa pinagtulungan nilang itaas ang time capsule.

Dagli-dagli akong lumapit doon at dahan-dahan itong hinawakan, ng magtagpo ang mga daliri ko at ng ibabaw ng time capsule ay bigla akong nahilo, napapikit ako at sa hindi inaasahan ay bigla akong may naalala, ibat-ibang alaala na natitiyak kong hindi sa akin, napahawak ako sa sintido dahil sa sakit ng ulo, kaninong alaala iyon? Mga pangyayaring hindi ko naalalang nangyari sa akin.

"Ms.pentler ayos lng ho ba kayo?" Natauhan ako ng tawagin ako ng tauhan ni Kaio, "agad akong tumayo at tumango, "a-ayos lng ako" sa hindi ko malamang dahilan ay naglakad ako palayo. "Ms pentler! Hindi niyo po ba bubuksan ito?" Huminto ako at lumingon.

"Ibalik niyo yan sa pinaghukayan niyo, siguraduhin nyong wala ng huhukay pa dyan maliban sa akin" nagtataka nila akong tinignan ngunit sinunod din nila ito.

*********

To be continued....

Time capsuleWhere stories live. Discover now