Chapter 1

33 0 0
                                    


Hi, ako si Skylar. Grade six student at section one. Isa akong chubby at kinahihiligan  nila na kurutin ang aking pisngi. Malambot daw kasi. Sakit nga ng mga kurot nila, e. Tapos hindi ako palangiting bata, slight lang 'pag nakakatawa ang pinag-uusapan. Mahilig ako sa pagkain, sobra. Gusto ko nga pumayat kaso ang landi landi landi ng pagkain. Na-miss ko tuloy yung katawan ko na hindi payat at hindi rin mataba. Dati pa nga, sumasali ako sa Flores de Mayo, yung magsusuot ng gown tapos may make-up. Kaso mahirap maglakad tapos naka-heels pa na 2 inches. Sakit lang sa paa no'n. Kaya nakasimangot ako no'n kasi si Mommy lang po yung nagpasali sa akin do'n.

"Skylar, baka naman p'wede mong ibigay 'to kay Adriana. Sige na please" nagulat naman ako sa nagsalita at nakita ko si Kenzie na may iniabot sa aking love letter ata 'yon?

Crush ko si Kenzie. Simula grade 1 palang ako. Close kami n'yan at kaibigan ko din s'ya. Kaso hindi ako ang crush ni Kenzie kundi si Adriana, kaibigan ko. Pero tanggap ko naman, cupid nga nila ako, e. Alam kong masakit magpakatanga. Ang tanga ko 'no? Pero d'yan sila masaya, e. Pareho ko silang kaibigan. Pareho ko silang mahal, s'yempre as a friend. Support ko sila sa kung saan man sila masaya.

"Sky? Ayos lang ba?" Tanong pa n'ya ulit. At natauhan ako sa pagmumuni-muni ko.

Ngumuti ako. S'yempre yung ngiti na may halong sakit. Pero hindi ko pinahalata sa kanya. Tatanungin na naman ako nang tatanungin n'yan.

"O-oo naman. Kaibigan mo ako, e." Sagot ko na lang.

"Salamat talaga Skylar, hayaan mo 'pag kinasal kami no'n, gagawin kitang maid of honor" sabi n'ya habang nakangiti. Halatang kinikilig s'ya.

Ang landi ni Kenzie. Kasal agad iniisip. Ang bata bata pa, e. Baka nga hindi pa tuli 'to.

Tapos, awtsu naman. Gagawin daw nila akong maid of honor. Sa mismong kasal ng bestfriend ko at ng crush ko. Sakit no'n? Feel n'yo ba? Pero alam ko naman na hindi kami bagay ni crush.

Si Kenzie, matalino, mabait at g'wapo. Ako ba? Isang matabang babae na pangit pa. Talino lang ata ang mayroon ako. May magkakagusto pa kaya sa akin? Sa pangit kong mukha? Baka wala na 'noko.

Si Adriana naman. Maganda, matalino, mabait at talented pa. Madaming nagkakagusto d'yan pero yung crush n'ya ay si Kenzie. Hindi ko sinabi sa kanya na crush ko si Kenzie kaya naman sinusulat ko nalang sa diary ko lahat ng kilig moments ko kay Kenzie.

Kinuha ko ang love letter na nakasobre pa at ang bango pa ng sobre. Para tuloy nasa 1892 ako, may love letter love letter pa silang alam. "Salamat ulit Skylar. Baka dumating na si teacher. Balik na ako sa upuan ko ah. Ibigay mo 'yan sa kanya" sabi pa n'ya uli at bumalik na sa upuan.

Yumuko ako sa arm chair ko. Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mata ko. Umiiyak ba ako? Ang arte ko talaga. P'wede na akong bigyan ng award ng kaartehan award.

Pinunasan ko ang luha ko.

Ikaw ba naman kasi na sa'yo pa ipaabot ng crush mo yung sulat para sa crush n'ya. Hindi naman din kasi alam ni Kenzie na crush ko s'ya. Ang manhid kasi n'ya, e. Tapos ako pa yung tulay nila. Imagine, crush mo tapos crush ng bestfriend mo yung crush mo. Sakit di'ba? Wala naman akong magagawa. Mas bagay sila.

"Bes? Umiiyak ka ba?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Alam kong si Adriana 'yon.

"W-wala 'to Yana" sabi ko sa kanya.

"Halatang umiiyak ka, e" Hala. Nahalata na. Tatanungin na ako nito nang tatanungin.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko s'yang nakatingin sa akin na parang nag-aalala.

"Ito daw, pinapaabot ni Kenzie 'yan sa akin." Sabi ko at pinunasan ang luha sa mata ko.

Namula ang pisngi n'ya. Kinikilig s'ya, e. Tumingin uli s'ya sa akin ng may pag-aalala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What If I Fall?Where stories live. Discover now