Panibagong araw na naman ang sumapit,
hinihiling na ika'y mahagkan, ika'y nasa malapit.
Palaging nasa isip, gustong makasama.
Pero alam kong hindi magagawang araw-araw kang makita.Kaya sa bawat pagtipa ng mga salita,
Pagpapadala ng mensahe't talata,
Pagtatanaw ng mga larawan natin,
at pagbabasa ng mga bigay mong liham na nasa ilalim
ay aking tinatamasa ang iyong boses, amoy, yakap, titig at init
na nasa isip, tuwing ako'y nakapikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/185482294-288-k3168.jpg)
YOU ARE READING
To My Four-eyed Knight
Poetryyou deserve not only one poem, but you deserve a book full of poems. ---- this is for you, my knight.