Chapter 2

9.1K 143 1
                                    

"Hoy! Ikaw! Fatima Mae! Kailan ka ulit mag bobiyfriend? Kailan ba ang last relationahip mo? Aba! Aamagan na yang pepe mo." Matabil na bulalas ni Terry. Babae lahat kami sa barkada. Kami ni Jasmine, si Hannah na graduate na, si Yan na ka year level ko at kapareho ng kursong Biology at si Terry na ka year nila Jasmine at katulad din ng kursong Business Ad.

Sanay na kami kay Terry. May pagka bastos talagaang bibig. Ganun pa man, masarap syang kasama dahil tunay sya, sasabihin nya pag may ayaw sya sayo para ma fix nyong pareho.

"Kung makapagsalita ka naman kala mo di na ko virgin." Mahina kong sagot sa kanya. Baka kasi marinig ng ibang mga estudyante dito sa canteen.

Tuwing luch break, sabay sabay kaming kumakain dahil yun lang yung time na pareho kami ng break.

"Come to think of it, bakit ayaw mo pang makipag relasyon ulit? You're 20 na. It's about time. Kailan ba yung last kang nag boyfie?" Tanong ni Yan. Sa aming lahat sya ng conio dahil galing sya sa exclusive school. Medyo nawawala na nga ng konti dahil sa pagpuna ni Terry.

"Wala pa sa isip ko yan." Sabi ko nalang para maalis na ko sa hot seat.

"Di mo ba namimiss na may kayakap? Kahalikan? Ka jug jug? You know?" Hirit pa ni Terry.

Bigla nalang akong napatingin kay Jsmine. Sila lang kasing dalawa ni Hannah ang may alam kung gaano ako ka close kay Jacob. Although wala namang nangyayari sa amin, medyo pinamulahan pa rin ako.

Napayuko tuloy ako ng makitang tinaasan lang ako ng kilay ni Jasmine. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong naguilty kahit wala namang rason. Siguro one of these days kakausapin ko sya.

"Hanap nyo ko kung gusto nyo?" Lakas loob kong sabi sa kanila. Sa gilid ng mga mata ko nakita ko na lalong tumaas ang kilay ni Jasmine at tinitigan akong mabuti.

Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagkain ko at hinayaan silang pag usapan kung sinong lalaki ang irereto sa akin.

"Bakit di nalang si Jacob?" Napaunat ako ng upo sabay tingin kay Jasmine. Hindi ko ineexpect na sya mismo ang magsasabi nun.

"W-what?" Nauutal kong sabi at ninenerbyos na tumawa.

"Why no nga ba?" Segunda pa ni Yan.

"Yah friend para naman hindiabulok ang pepe mo." Panggagatong pa ni Terry.

Sobrang pinamulahan ako, hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi nila o dahil naiisip kong kaming dalawa ni Jacob na ginagawa yun.

"Oh my gerd! You like him, don't you?!" Bulalas pa ni Yan.

"Kilabutan nga kayo sa mga sinasabi nyo!" Nanghihilalbot kong sabi.

Nakita ko lang na ngumisi si Jasmine sabay latak na sa pagkain nya. Ikinibit balikat nalang ng dalawa bago inilihis sa ibang topic ang usapan hanggang na pumasok na kami aa kanya kanyang subjects.

Yung mga sinabi nila ang laman ng isip ko buong hapon hanggang mag uwian na. Sobrang nawiwindang na nga ako sa mga naiisip kong mga senaryo na gagawin namin ni Jacob. Masyado ata nilang na corrupt ang isip ko kaya para itong na virus. At ang pangalan ng virus? Jacob!

Some Like It HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon