XV

1.5K 41 4
                                    

Weeks have passed at ganoon pa rin naman ang takbo ng buhay ko. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko—everyday's a cycle. 'Yung bumabago lang ay ang pagka-busy naming mga estudyante. Mas lalo na talagang humihirap ang sitwasyon ngayon. Mas lalong dumadami ang mga deadlines na kailangang i-meet. Takot pa naman akong magkaroon ng grade na below 85 kaya todo-effort ako ngayon.

Ang dami talagang school works, as in. Sem-break na nga lang ang kinakapitan ko. Ginawa ko nang mindset ang sem-break bilang parang 'yung rainbow after the rain—na after all this stress, I will have some time to rest.

Pero nakakabaliw lang talaga dahil sa week before the break pa tumambak lahat ng gawain. May pa-extra na roleplay sa Monday at dalawang summative exams; ilang paperworks at projects na ipapasa sa Tuesday; tatlong summative sa Wednesday; at Finals namin sa Thursday at Friday. Sobrang loaded. Nakaka-stress.

"Anak, kumain ka muna. Hindi mabuti 'yang pag-aaral nang walang laman ang tiyan," sabi ni Mama 'nung pumasok siya sa kwarto ko sa kalagitnaan ng gabi. Hindi pa kasi ako kumakain magmula 'nung lunch time at mag-aalas diyes na ng gabi ngayon.

Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit ko pinapahirapan ang sarili ko. Linggo na kasi at may mga summative na kami bukas. Calculus pa naman 'yung isa na sobrang lakas kung makabasag ng ulo. Hindi rin kasi ako nakapag-review kahapon dahil buong araw kaming nag-practice ng mga kagrupo ko para sa roleplay.

"Ayos lang ako, Ma. Hindi pa naman po ako ginugutom," sagot ko habang nag-iinput pa rin ng kung ano-ano sa calculator.

Akala ko aalis na siya pero nanatili lang siya sa loob. Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang calculator ko. Sinara niya rin ang nakabukas kong aklat at niligpit ang kalat sa study-table.

"Astrid, matulog ka muna. 'Wag kang masyadong magpaka-stress diyan sa inaaral mo. Matulog ka at mag-alarm ng maaga. Mas makaka-focus ka niyan 'pag nakatulog ka na," aniya. Tapos may nilapag siyang isang baso ng fresh milk sa mesa. "Inumin mo 'yan."

Nginitian ko siya. I do really appreciate this. Sobrang swerte ko sa nanay ko.

"Thank you, Ma."

She smiled back at me bago siya lumabas sa kwarto. 'Nung naubos ko naman ang gatas, natulog na 'ko gaya ng sabi niya.

Nagising ulit ako ng alas tres ng umaga para ipagpatuloy na ang pag-rereview ko. Tama nga si Mama. Effective 'yung ganito. First time ko kasing gawin 'to. Dati hindi ako natutulog kapag hindi ko pa natatapos 'yung inaaral ko. Mas mabuti pala 'yung ganito dahil pumapasok na talaga sa utak ko 'yung mga binabasa ko.

I did the same thing hanggang sa natapos na rin sa wakas ang binansagan kong Hell Week. Katatapos lang kasi ng final exams for this sem.

"Celebrate kaya muna tayo? KTV, ganoon," suhestiyon ni Kyra habang sabay kaming naglalakad pauwi kasama ang mga Lunch Buddies.

Napasinghap ako. Oo naman, gusto ko namang mag-celebrate. But this instant? Ayoko. Gusto ko munang magpahinga. Sa buong limang araw na kakapuyat ko, siguro mga eighteen hours or less lang 'yung total number of hours ng tulog ko. Kape lang bumubuhay sa 'kin. Kaya ngayon, gusto ko lang munang matulog ng mahimbing.

"Pass ako," sabi ko. "Sana kayo rin. Mag-recharge muna tayo ng energy."

It's a good thing that Mitchie was with me. Pagod din kasi 'yun. If I worked hard, alam kong mas sobra 'yung sa kaniya. Aiming for the top 'yun, eh.

Dalawang araw ang lumipas at sa wakas ay nakapag-bonding na rin kami sa isang KTV Bar. Girls' Day daw, ika ni Ria. Literal na ang aga pa naming nagkita para makagala na agad. Ang bibilis nga nila, eh. Kapag related sa academics 'yung meet-up, ang daming late. Pero kapag gala na ang pinag-uusapan, ang aaga.

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now