Kabanata 7

1K 50 7
                                    

Kabanata 7

I gritted my teeth as I fished out my phone on my pocket. I dialed his number and after a several ring he accepted it.

Cal.”

“Rif.” Agad akong lumakad patungong banyo at inilock iyon.“May alam ka ba kung sino-sino sila?” I asked, mariin kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Tears began cascading down to my cheeks. Puno ng sakit at hinagpis ang mababasa mula sa mata ko. Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang hikbi habang inaantay ang sagot ni Riffle.

“No, but I have an idea. May mga suspect ako but I don't have proofs na magpapatunay sila talaga 'yon.” anito.

“Sino-sino ang mga suspect mo? Tell me, ako na ang bahalang mag-imbestiga.”

Napahawak ako sa lababo at mariing napapikit habang hinihintay ang sagot ni Rif.

“I'll just email it to you later and Cal you have to be careful because this one's too dangerous and risky I suggest you'll come back to us. We can help you with this matter, Kaya—”I cutted him off. Kung magpupumilit lamang siyang ipilit na bumalik ako sa kanila'y baka ako nalamang ang hahanap at lulutas nito, tutal ako naman talaga ang may kakayahan.

“You know I can't do that, Rif.” Ani ko, rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.

“Sige, I'll send my list right away.” Anito. Ako na ang nagpatay ng tawag.

Napahilamos ako sa mukha at mariing napatitig sa'king repleksyon sa salamin. Kung sino man ang mga 'yon tiyak akong paglalamayan sila ng buhay. Iba ang paraan ng pag-ganti ko, iba.

“San ka galing?! Aba't natapilok lang ako sandali nawala ka na!” Agad na bungad sakin ni Cheena. Nagkibit balikat ako at pinagkrus ang aking braso.

“Kinausap ko si, Owen.” Agad namang nanlaki ang mata nito at napangisi.

“B-Bumalik ka na?!” Bakas ang saya sa mukha nito at ngising ngisi. Pagak akong napatawa at umiling-iling.

“I already told you that I'm nit going back.” Seryoso kong untag. Agad naglaho ang ngisi nito at naging pantay na linya ang labi.

“We can help you, kung alam mo lang Sax! A-Andito kami para sa'yo! Gustong-gusto ka naming tulungan but you're too hard headed! Gusto mo laging sinasarili 'yang problema mo! Andito naman kami ah? Ano pa't naging magkakaibigan tayo? Sax! Alam kong iniingatan mo k-kami pero pano ka? Pano ka naman, you're too selfless!”

“I'm willing to be selfless than to loose all of you. May dalawa ng nawala sakin tama na 'yon at hindi ko na balak dagdagan pa.” Mariin kong ani.

Napahilamos ito ng mukha at umiling iling. “Minamaliit mo ba kami? Ano bang tingin mo sa sarili mo? Bato? Diyos? Sax! Kung hindi mo kayang mawala kami lalo naman kami kapag nawala ka ng wala kaming ginagawa!”

Mariin akong napapikit. “Stop, j-just shut up.”

Malungkot lamang na ngumiti si Cheena at nilagok ang coke sa mesa. Marahan kong hinilot ang aking sentido. Gusto ko lang naman ng normal na buhay ngayong college pero alam kong hindi magiging normal ang pamumuhay ko—never again.

Loving that Pretty Man Where stories live. Discover now