22: Offer

3.9K 190 9
                                    

"Sisiguraduhin kong makukuha namin ang karapatan namin,"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 22: Alok

Pagkatapos kumain, ay naglakbay na papunta sa meeting venue sina Edelyn at anv kanyang kawal. Nagmadali na sila dahil alam nilang kanina pa ito nagsisimula. Pagkalapag pa lang sa gate, lahat ng kawal ng iba't-ibang kaharian ay pinatulog nila.

Lahat ng humarang o nakaharang ay kung hindi nawawalan ng malay, tumatalsik ito sa kung saan. Walang makakapigil sa pagpasok nila. Parang mga langgam lang kung talunin ng mga kalalakihan. Pagkarating nila sa meeting place ay mabilis na binuksan ni Edelyn ang pintuan.

"Masyado talagang mababa ang tingin niyo sa amin. Gusto niyo bang patunayan namin ang lakas ng bawat kababaihan? Isa kaming late bloomer matagal bago namin ma-develope ang bawat kapangyarihan namin. Kahit ganoon man, masasabi kong worth it ang lahat dahil lahat ng nakukuha naming kapangyarihan ay mas malakas pa kaysa sa ordinaryo niyong nakukuha," pagsalubong ni Edelyn sa sampung hari na nasa meeting room.

Nakangisi lang si Haring Kevin habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Edelyn. Proud siyang ginawa ni Edelyn ang tama kahit mahirap. "Kaya namin kayong tulungan, sa aspeto man ng pagka-ubos ng inyong populasyon, walang hanggang kagutuman, at higit sa lahat, ang mga insidenteng pagkawala ng mga kapangyarihan ng mga lalaki ay kaya namin sulusyunan. Yun ay kung sinseryo niyong ibababa ang mga pride niyo, hihingi ng tawad sa amin, at pirmahan ang Life Contract na wala ng lalaki ang mananakit sa babae ng walang dahilan. Sa madaling salita, kailangan niyo kaming respetuhin," pang-iinganyo ni Edelyn sa kanila.

"Ganon pa man, kung labagin niyo ang kasunduan, ang buhay niyo ang kapalit, mawawala na sa sistema ang pagbebenta ng mga babaihan para gawing alipin. Kayo lang ang pipirma pero bibisa ito sa lahat ng inyong nasasakupan," dagdag ng Imperial Secretary.

"Isipin niyo ang bumababa niyong ekonomiya, ang mga nagugutom niyong mamamayan, at humihina niyong pwersa," sabat ng Minister Of Affairs.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni King Kevin na dahilan kung bakit siya pinagtinginan ng iba pang Hari. "Queen Edelyn, alam nating pareho na walang nagugutom sa aking kaharian, mas lumalakas ang pwersa ng aming hukbo at hindi bumaba ang aming ekonomiya. Sa katunayan, sa akin nanggaling ang mga pagkaing kinakain ngayon ng ibang kaharian," ngising sabi ni King Kevin.

Na-realize nga ng lahat ang tungkol dito. Tanging ang Jorfa lang anghindi humingi ng tulong sa kanila, ito pa ang nagsusupply ng bawat pagkain ng mga kaharian nila. Mataas man ang halaga ng binabayad nila kay King Kevin, nagiging worth it ito dahil wala talaga silang makain.

"At alam din naman nating dalawa kung paano iyon nangyari Haring Kevin," malamig na sagot ni Edelyn. Na-realize ni Haring Vito ang tungkol sa pag-uusap ng dalawa.

"Traydor ka Haring Kevin!" Galit na sabi ni Haring Vito. "Nakipagkasundo ka sa babaeng iyan? Sa mga salot ng ating lipunan?" Kumpronta nito.

"Mali ka Haring Vito. Wala aking trinaydor sa umpisa pa lang, ang kaharian namin ay mag respeto sa mga kababaihan. Bawat babae sa kahariang Jorfa ay tahimik na namumuhay ng normal. Gaya nga ng sabi ko kanina, kailangan niyo lang ibaba ang pride niyo. Aanhin niyo ang mga Pride niyo kung lahat ng nasasakulan niyo ay nagugutom. Pasensya na ha! Hindi ako katulad niyo. I maybe consider as stupid and ridiculous, but it will be worth it because I can see that my people can live freely," ngiting sabi ni King Kevin.

"Kung hindi magbabago ang isip niyo, hindi kayo kawalan. Tapusin niyo na lang ang walang kwenta niyong meeting dahil wala kayong magagawang sulusyon sa problema niyo," disapointed na sabi ni Edelyn.

Tumalikod na si Edelyn kaya sinundan siya ng mga kasama niya. "Kung magbago ang isip niyo, pwede niyo akong ma-reach out sa pamamagitan ni Haring Kevin. Nga pala, i-train niyo pa ang mga kawal niyo, ang hihina," pang-aasar ni Edelyn. Mabilis na silang umalis at lumipad par gumamit ng portal.

--*--

Pagbalik niya pa lang ng kaharian ay nagbihis kaagad siya at tumakbo sa labas ng kaharian. Gaya ng una niya itong ginawa, marami ang sumabay sa pagtakbo niya. Seryoso niyang ginagawa para pumayat. Pakiramdam niya kasi na may mas malaki pang hamon ang kanyang haharapin maliban sa sistema ng ibang kaharian sa gender.

Malakas ang pakiramdam niya sa mga bagay na ito kaya naghahanda na siya para mga posibleng mangyari.
Kinagabihan ay nasa trono siya at pinatawag ang lahat ng opisyales niya. Kasama na dito si Geoffrey na nasa gilid din. "Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag. Gusto ko na magkaroon tayo ulit ng isang matinding training. Lahat ay kailangang sumali. May masama akong nararamdaman at hindi ko gusto kung ano ito. Mas mabuti ng handa tayo sa lahat ng maaaring mangyari," pagsisimula ni Edelyn.

"Minister Of Household, ikaw na ang bahala para sa lahat ng announcement sa buong kaharian. Ang iba, ihanda na ang pagdadausan ng training. Hindi tayo dapat magpakampante na tago ang kaharian natin," saad ni Edelyn.

"Mahal na Reyna, paano naman po ang ibang Hari? Tutulungan ba talaga natin sila?" Tanong ng isa sa mga eunuch. Ngiti ang sinukli ni Edelyn sa kanya.

"Alam kong mahirap ang pabor na ito, na tulungan natin ang mga kalalakihan. Pero kung hindi tayo tutulong, maaaring magwakas na nga talaga ang mundong ito. Kailangang may isang magpakumbaba at isang magkusa. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pananaigin nating ang pride at pagkaganid. Ito rin ang naging dahilan kung bakit tayo nawalan ng kapangyarihan ilang daang taon na ang nakakaraan. Kailangan nating sumubok para sa mas magandang kinabukasan. Yung hindi na tayo nagtatago," paliwanag ni Edelyn. Lahat naman ay sumangayon sa kanilang Reyna.

"Kailangan nating maging matatag at matapang dahil marami pa tayong dapat gawin para lang makuha ang matagal na dapat nating natatamasa, ang karapatan nating mga kababaihan," malakas na saad ni Edelyn.

"Mabuhay ang Mahal na Reyna!" Sigaw ni Geoffrey. "Mabuhay!" Paulit-ulit itong sinasabi ng lahat. Ngumiti si Edelyn habang nagsisigawan ang lahat.

"Sisiguraduhin kong makukuha namin ang karapatan namin," saad sa isip ni Edelyn. Patuloy ang pagsigaw ng lahat para sa Reyna kaya mas napangiti na lang si Geoffrey habang tinitingnan si Edelyn.

--*--

Ako lang ba? O talagang nagiging intense na ang scene? Postpone daw yung ibang update since my emergency dito try naming ipublish bukas yung iba pa. Puro mga kalahati lang ang nagawa eh.

-Sage

Metamorphosis PrincessWhere stories live. Discover now