1: THE AWAKENING

57 6 5
                                    

Kriinngg! Kriinngg! Kriinngg!

Nagising siya sa nakabibinging tunog ng alarm clock. Ayaw pa niyang bumangon dahil masakit pa ang ulo niya. Pinilit niyang abutin ang aparato ng hindi iminumulat ang mga mata niya pero natabig lang niya at bumagsak sa sahig at patuloy pa rin sa pagtunog.

Napabuntong hininga siya ng marahas at nagmulat ng mga mata. Magulo ang higaan niya at hindi  pa siya nakakapagpalit ng suot niya mula pa kagabi. Bumangon na siya at naupo sa gilid ng kama at mataman na tinitigan ang alarm clock. Pilit niyang inalala ang mga nangyari kagabi.

Nasa bar sila ng mga kaibigan niya at nagsasaya sa pag-inom ng alak at pagsayaw. Naalala niya na napasobra ang inom niya at nalasing. Kahapon kasi ang 18th birthday niya at isa na siyang ganap na dalaga.

Sinimulan niyang alalahanin kung paano siya nakauwi ng bahay pero kahit paanong pilit niya ay wala siyang maalala. Nasapo niya ang noo ng may mapansin siyang kakaiba sa sarili.

Malinaw ang paningin niya kahit wala siyang suot na de gradong salamin. Bata pa lang siya ay mataas na ang grado niya sa mata kaya musmos pa lang ay kinailangan na niyang magsuot ng salamin.

Hinanap niya ang salamin at ng makita sa may unan ay kaagad niyang isinuot para makasiguro. Ilang beses niyang isinuot at tinanggal at nanglaki ang mga mata niya. Totoo ngang luminaw na ang mga mata niya!

Nakarinig siya ng kung anong nabasag sa bandang salas nila. Sa pag-aakala na baka may nangyari sa mama niya ay kaagad na lumabas siya ng silid at dali-daling tinungo ang salas. Tumambad sa kaniya ang magulong tanawin. Wasak lahat ng gamit nila sa salas. Punit ang sofa at basag ang mga vase at table glass. Nakarig na naman siya ng tunog na nabasag sa parteng kusina nila kaya nagmamadali niyang tinungo.

May tao sa kusina! Nakatalikod ito at na nakakapa ng brown at may hood. May malaki at mahabang espada na nakasukbit sa likuran nito. Sa tindig nito ay alam niyang isa itong lalake.

"Sino ka!" May kataasang boses na tanong niya.

Marahang humarap sa kaniya ang lalake pero tumagos ang paningin nito sa likuran niya. "May nakita ka bang mga bakas, Zelene?" Kampante ang baritonong boses nito.

"Nagkaroon ng labanan pero walang bakas kung nasaan na sila." Sagot ng babae sa likuran niya kaya kaagad siyang humarap dito para makita.

"S-sino kayo?" Nag-aalala na niyang tanong sa babaeng nakahood ng kulay pula.

"Naparito kami para sunduin ka at protektahan." Nakangiting tugon ng babae. May hawak itong silver na tungkod na may kulay pulang malait na sphere sa dulo.

Tama ba ang narinig niya? Sunduin at protektahan?

"Aalis na tayo, Zelene. Ihanda mo na ang lagusan." Utos ng lalake at saka nilagpasan siya. Huminto ito malapit sa pader. "Zelene!" Tawag nito na para bang nagmamadali.

"Nandiyan na!" Tugon ni Zelene na mataman pa rin nakatitig sa kaniya. "Aalis na tayo. Dadalhin ka na namin sa ligtas na lugar."

"Teka lang! Sandali!" Tatalikod na sana ito pero pinigilan niya. "Saan tayo pupunta? Ayokong umalis! Dito lang ako! Hahanapin ko si Mama!"

"Hindi ka na ligtas sa mundong ito. Patuloy silang darating para kunin ka. Isa pa, wala na dito ang ina mo at kung hindi ako nagkakamali ay nasa Zerphiria na siya. Sa mundong pupuntahan natin." Mahaba nitong paliwanag at saka tumalikod na. Humarap ito sa pader at sabay na itinapat ang kaliwang palad at dulo ng tungkod sa pader. Ilang saglit pa ay may nabuong maliit na bilog na umiikot hanggang sa lumaki ito ng lumaki.

Unang pumasok ang lalake sa lagusan at tumagos.

"Pumasok ka na." Utos sa kanya ni Zelene.

Sa totoo lang ay ayaw niyang gawin ang kasasabi lang nito pero kailangan niyang mahanap ang mama niya. Iniikot niya ang paningin sa paligid. Sapat para paniwalaan niya ang mga sinabi ng nasa harapan niya. Marahan siyang tumango at nagsimulang lumapit sa pader. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang pumasok. Tumagos siya sa lagusan at napunta sa isang malawak na kagubatan.

Nang lumabas sa lagusan si Zelene ay kasunod nito ang paglaho ng lagusan.

Iginala niya ang paningin.  Wala siyang makita kundi mga nagtataasang mga puno pero may kakaiba sa mga nakikita niya. "Ganito ba sa mundo ninyo?  Kulay red ang sikat ng araw. " Nagtatakang tanong niya.

Binalingan ni Zelene ang lalake na nasa unahan nila na pagala-gala. "It's already starting. "

"Umalis na tayo. Hindi maganda ang kutob ko sa paligid." Saka nauna ng lumakad.

Binalingan niya ang babae sa likuran niya at ngumuso ito na lumakad na kaya napilitan siyang sumunod. "Wait! Saan tayo pupunta?" Usisa niya ng sumunod na din si Zelene.

"Sa lugar na kung saan ay ligtas ka." Tugon sa kanya ng babae.

"Saan yong lugar na yon?" Tanong pa niya.

"Malalaman mo din kapag nakarating na tayo." Tugon nito sa tanong niya. Napansin niya na madaldal si Zelene kumpara sa lalake na nasa unahan nila.

Minabuti na lamang niya na manahimik at huwag ng mag-usisa pa. Mukha namang ayaw magsalita ng dalawa niyang kasama kaya magsasayang lang siya ng laway. Iyon pa naman ang pinakaayaw niya. Ang magmukhang tanga. Hindi nga niya maipaliwanag kung bakit kulay pula ang paligid niya.

Makalipas ang kalahating oras na paglalakad ay narating nila ang isang medyo maluwang na daanan. Napansin din niya na may isang karwahe ang naka-park sa daanan na animo may hinihintay. May kutsero at may dalawang maliwanag na lampara sa unahan ng karwahe.

Kaagad na lumapit sa karwahe ang lalakeng may mahaba at malapad na espada sa likuran. Sumenyas ito sa kutsero bago binuksan ang pinto ng karwahe at pumsasok.

Kaagad namang hinila siya ni Zelene palapit sa karwahe at pumasok. May dalawang upuan na mahaba na magkatapat sa loob. Naupo silang dalawa ni Zelene at katapat nila ang lalake na siya rin mismong nagsara ng pinto. Ilang sandali pa ay umaandar na sila ng mabilis. May maliwanag na lampara sa loob ng karwahe at ipinagtataka niya na naging normal ang paningin niya ng mailawan ang paligid. Pero nananatiling kulay pula ang liwanag sa nagtataasang mga puno ng kahoy sa labas.

"Kaunting paghihintay pa at makakarating na tayo." Sabi ni Zelene na tinanggal ang hood sa ulo. Maganda ito at mukhang matalino. Hawak pa rin nito ang tungkod na may kakaibang disenyo. Gawa sa silver ang tungkod at may kulay pulang pabilog sa pinakataas nito. "Kilala mo na ko di ba? Ako si Zelene at isa akong sorceress." Pakilala nito.

Hindi na siya nagulat sa sinabi nito dahil nasaksihan mismo ng kaniyang mga mata ang kakayahan nito. Nabaling ang paningin niya sa lalaking nasa harapan. Katulad ni Zelene ay tinanggal din nito ang hood at namangha siya sa nakita. Blue eyes with a proud nose at isama pa ang pagiging kissable lips nito. Natigil lang ang pananalasa ng mga mata niya ng tumikhim ito. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa gwapo at maamo nitong mukha.

Natawa ang katabi niya. "Siya naman si Raven at isa siyang master swordsman." Pakilala pa ni Zelene. "Ikaw? Ano pangalan mo?" Tanong nito sa friendly tone.

"Uhm.. Aki Vondrake." Medyo nahihiya niyang pakilala.

"Good! Friends na tayo, Aki." Magiliw nitong sabi.

Ngumiti siya at tumango. Friendly si Zelene at ramdam niya na magiging close frieds silang dalawa. Kabaliktaran naman ni Raven. Gwapo ito pero mukhang man-of-few-words at masungit.

Lumipas and dalawang oras at tumambad sa kanila ang isang mahaba at maluwang na tulay. Sa dulo nito ay isang isla na medyo may kalakihan at may mataas na gusali na parang palasyo. Limang minuto lang ay natawid na nila ang tulay at bumungad ang isang mataas na gate na kulay ginto.

"Nandito na tayo, Aki. Welcome to Ashford!" Tuwang-tuwa na sabi ni Zelene ng bumukas ang malaking gate.

Pinagmasdan niya ang malaking palasyo sa pinakagitna ng isla. Sa istraktura pa lang ay batid na niyang hindi ito basta-basta. At ramdam niya na ito na ang simula ng pagbabago ng buhay niya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last Vampire PrincessWhere stories live. Discover now