Chapter 1- Flashback

14 0 0
                                    

Gavin POV.

"Gav!"
Nagising ako nung marinig ko na may tumawag sa pangalan ko, ngunit hindi ko iminulat ang mga mata ko. Wala akong naramdamang kahit isang dahilan para imuklat ko ang mga mata ko.

"Gav, gising kana nandito lang ako sa tabi mo." Mahinang sabi noong babae na sa pakiramdam ko ay nasatabi ko lang.

"Mahal na mahal kita." Naramdaman ko na hinawakan niya ang aking kanang kamay.

Hindi ko alam pero bakit ganon, wala akong naramdaman na kahit anong emosyon, manhind na ba ako ngayon. Speaking of manhid ang sakit ng dibdib ko. Gusto ko na talagang idilat ang mata ko pero parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Iminulat ko ang mata ko ng narinig ko na ang pag sara ng pinto. Napatingin ako sa bawat sulok ng kuwarto kung saan ako naka higa. Puti... nasaan ba ako? Malamang nasa hospital ka gav! Napasapo nalang ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit.

"Bakit nga ba ako nandito?"

*Flashback...

"Sinabi ko na diba, wala na tayo!"

Napahigpit ang pagkahawak ko sa mineral water na ibibigay ko sana sa kanya.

"I'm breaking up with you gav." Tumulo ang luha nito, na agad ko namang pinunasan.

"Tell me what is wrong? Wala naman tayong problema diba."

"Oo gav wala."

"Then why, why clarisse? Please tell me you're joking right?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ayoko sa naririnig ko. My love is breaking up with me? Oh gosh it means my life is also breaking up with me.

"Hindi kita mahal." Simpleng sagot nya pero hindi iyon sapat na dahilan.

"Gavin, don't tell me hindi ka na inform na wala talaga akong nararamdaman para sayo?" Ngumisi ito pero ayaw ko sa ngising yon, pakiramdam mo mawawalan na ng lakas ang tuhod ko nanghina ako ng maalala kung bakit kami nag sama.

"It's a favor gav! Hindi kita mahal at kahit ilang buwan tayong nagsama wala akong naramdaman sayo. Alam mo naman yan hindi ba? It's all my dad fault!"

Wala akong naisagot dahil pakiramdam ko kapag bumuka ang bibig ko ay tutulo ang mga luha na kanina pa nag babadya.

"Siguro naman malinaw na sayo. Ayoko ng makasama ka kaya please lang gav, lubayan mo na ako. Kahit bumagasak pa ang kumpanya namin hindi kita mahal at hinding hindi kita magugustuhan!"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Naiwan akong naka tulala sa kinatatayuan ko. Nakikita ko ang paglayo sa akin ng babaeng pinapangarap ko at mahal na mahal ko. Ang sakit!

Hindi ko alam kung bakit at paano ako naka pasok sa kotse ko. Napakurap-kurap nalang ako.

"Fuck!" Hinampas ko ang manubila ng sasakyan ko.

"Why are you doing this to me clarisse, why!" Tumulo ang luha ko pero agad ko namang pinunasan!

"Mahal na mahal kita..." Sabi ko bago pina andar ang kotse ko.

Pagpasok ko sa loob ng isang exclusive bar ay agad akong nabuhayan ng loob. Sa lakas ba naman ng sound sa loob, maaamoy mo ang iba't ibang klase ng pabango, alak at sigarilyo.

"Bro, what's bring you here huh?" Salubong sa akin ni Mark na may hawak na alak. At napatingin ako sa gilid nya, kahit kilan talaga babaero din talaga to. Napangiwi nalang ako ng hinalikan nya sa bibig ang kasama nyang babae. Hindi ba sya natatakot na magkaroon ng HIV?

"I just want to relax." Sabi ko at nilagpasan sila, narining ko itong tumawa.

Dumeretso ako sa may bartending at kinuha ang isang baso ng red wine. Exclusive ang lugar na ito kaya naman puro mayayaman ang nandito. Ginala ko ang paningin ko, napako ang mata ko sa isang babaeng nakatayo sa harap ng pinto at halatang kapapasok nya lang at parang may hinahanap. Napatingin sya sakin kaya nag iwas ako ng tingin at kumuha pa ng isang baso ng wine.

Mag iilang oras na din pala ako at halos nakailang baso na rin ako wine at parang umiikot na ang paningin ko.

Aalis na sana ako ng may umupo sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakita ko yung babae kanina nakikita ko ang mukha nya pero parang malabo na. At kahit malabo na ang paningin ko nakikita ko ang pag agos ng kanyang luha. Umiiyak sya. Tatanungin ko na sana sya pero bigla syang nagsalita.

"If you want to insult me because im crying, hell don't talk to me!" Nagulat ako sa lamig ng boses nya. Hindi ko nalang sya pinansin at naglakad na palabas. Pa zigzag na ako na naglalakad papunta sa kotse ko, napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit nito. Huminga ako ng malalim.

"Not now please." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pinaandar ko kaagad ang kotse ko, napa igtag ako ng mag ring ang cellphone ko. Nakita ko na nasa likod pala ito ng upuan ko. Hininto ko pa ang kotse ko para sagutin kung sino man ang tumatawag. Napakurap kurap ako ng makita kung sino.

"Clarisse..." Agad ko itong sinagot.

"Hello ga---" Napasigaw ako sa inis ng biglang namatay ang cellphone ko. Tinapon ko ito ulit sa bakanteng upuan ng kotse ko.

Badtrip bakit ngayon pa ako na lobat! Ano kaya ang sasabihin ni Clarisse, alam ko tatawag lang sya para ipamukha sa akin na hindi nya ako mahal.

Nasakalagitnaan ang ng pagmamaneho at naka full engine pa ng biglang sumikip ang dibdib ko. Nakita ko rin may isang kotse akong makakasalubong. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit at hindi ako makakilos.

"Clarisse Del Fuente, you make my heart attack..."

*End of flashback

Heart know'sWhere stories live. Discover now