Naghihintay
Pagpasok sa eskwela agad kang inaabangan
Tingin sa kaliwa’t kanan baka sakaling ika’y masilayan
Nang makita ka tibok ng puso’y biglang bumilis
Tumingin ka, ningitian kita ng ubod ng tamis
Bigla kong hinulog mga dala kong libro
Agad kang yumuko’t pinulot ang mga ito
Iyong inabot, sinabing sa susunod magingat ako
Lahat yata ng parte ng katawan ko’y kinilig dahil sa’yo
Araw-araw ganito lagi ang aking ginagawa
Hindi ako mapapagod o magsasawa
Umaasa akong balang araw ako’y iyong mapansin
Nagbabakasaling ako’y iyong mahalin
Nandito ako at nandiyan ka
Ngunit bakit kayhirap para sa’yo na ako’y makita
Lahat ginawa ko na, kulang pa ba?
O sapat na para ako’y tumigil na?
Pag-asang mamahalin mo ay biglang naglaho
Dahil hanggang nagyon ako’y wala lang sa’yo
Titigil na ako, pangako
Kahit labag sa kalooban ko, lalayo ako
Noong una, akala ko ganon kadali
Na limutin ka kahit sandali
Ngunit makita lang kita
Puso ko’y bigla biglang nagwawala
Ayoko na sana kang mahalin, lalo pa't ito'y palihim
Ngunit ayoko namang saktan ang aking damdamin
Nandito lang ako
Hanggang sa ako’y tuluyang mapansin mo
![](https://img.wattpad.com/cover/23877131-288-k608326.jpg)