Chapter 24

9.7K 228 9
                                    

Claire's Pov

"Bakit mo ba ito ginagawa!?" Tanong ko sa kanya ng mag labas siya ng baril.

Tumawa siya ng nakakaloko, nababaliw na ata ang babaeng ito. Nilaro laro niya ang baril niya, maling kibo lang at puputok iyon saamin.

"Hmm. Sa totoo lang hindi lang naman kayo ang may kasalanan ng lahat e. Pati na din si gavin." Sabi niya kaya mas lalo akong napakunot ng noo.

"Ano namang kasalanan ni gavin dito?" Tanong ko.

"Akala ko ba mahal mo siya kaya mo ito ginagawa?" Tanong naman ni hazel.

"Oo, noong una mahal ko siya. Ang balak ko naman talaga ay paibigin siya at iwan. Pero tatanga tanga yang si gavin ni hindi man lang ako nagustuhan!" Iritado niyang sabi tapos inayos niya ang kanyang buhok. Umupo siya sa harapan namin at binaling saamin ang baril na animoy ipuputok na niya.

"Ang totoo niyan, si gavin lang naman talaga ang target ko e. Pero nakilala ka niya at nakisali ka sa laro ko kaya nadamay ka." Baling niya saakin.

"Kasalanan ko bang ako ang nagustuhan niya at hindi ikaw!?" Tumayo siya at isinampal niya saakin ang hawakan ng baril kaya naman nag dugo ang bibig ko. Napadura naman ako ng malasahan ko ang dugo. "Saktan mo man ako hindi mo mababagong ako ang minahal niya." Dagdag ko ba, aambahan niya uli ako ng sumingit saamin si hazel.

"Eh ako bakit... bakit ganito? Akala ko may usapan tayo? Lalayo naman na kami ni mama eh. Hindi na kami mang gugulo pa." Sabi nito.

"Ewan ko ba diyan sa ina mo kung anong puke ang pinakain sa tatay ko at humaling na humaling sa kanya." Sabi nito.

"Ano bang kasalanan ni gavin sayo?" Tanong ko.

"Yung walang hiyang ama niya talaga ang may kasalanan. Pero dahil siya ang anak sa kanya ko balak mag higanti. Dahil sabi nga nila walang mas sasakit pa sa magulang kapag nakita niya ang anak niyang nasasaktan. Kaya naman anak niya ang ginawa kong target. Yung tatay niya ang may dahilan kung bakit nag kanda letse letse na ang buhay namin! Kung hindi lang binili ng ama niya ang kaisa isang kumpanyang pag mamay ari ng tatay ko edi sana hindi siya nag hanap ng kabit!" Sabi nito.

Gulat ako sa mga sinabi niya hindi ko naman alam na may ganito palang kalalim na rason si nathalie.

"Nathalie nalulong sa sugal si papa kaya naisangla niya ang kumpanya. Saktong ama ni gavin ang nakabili." Sabi naman ni hazel.

"Tumigil ka dyan! Kaya ka nandito dahil sa ama ni gavin. Nawalan ng trabaho si papa kaya naman naghanap siya ng kakalinga. Araw araw nag aaway sina mama yun pala may ibang nag papainit na! Lahat kayo ay nakasali sa larong sinimulan ng ama ni gavin! Kay kung my dapat  kayong kamuhian ang tatay niya yun!" Sabi nito.

"Tumigil kana!" Sigaw ko.

"Oh bakit? Hindi mo matanggap na ganong tao ang ama ng mahal mo!?"

"Kahit anong paninira pa ang gawin mo hinding hindi ako maniniwala sayo!"

"Edi mag pakatanga ka! Lahat kayo ay mamamatay sa kamay ko!" Sabi nito.

"Mauun ka!" Sabi ko at inagaw ang baril sa kanya.

Tinulungan din ako ni hazel. "Mga walang hiya kayo!" Sabi niya naitulak niya ako at si hazel dahil na din sa hindi pa kami nakain ay kulang ang enerhiya namin sa katawan kaya mas malakas siya saamin.

"Last words to say?" Sabi niya, kakalabitin na niya sana ang baril ng may pumukpok sa kanyang ulo. Agad nawalan ng malay si nathalie.

"G-gavin? Papaano ka—"

"Wala ng oras, tara na. Kailangan na nating umalis." Sabi niya, hinila niya ako. Malapit na kami sa pinto ng mapansin kong hindi sumunod saamin si hazel.


"Hazel, tara na" Sabi ko sa kanya, tumingin ito saakin at ngumiti sabay marahang umiling kaya naman napakunot ang noo ko. "Dito lang ako, pasensya na sa mga nagawa ng ate ko. Nilamon lang siya ng galit niya. Mag iingat kayo." Sabi niya mag sasalita pa sana ako ng iharap ako ni gavin sa kanya.


"Inaantay na tayo ni cavin! Tara na." Sabi nito agad akong nag alala sa anak ko.

"Nasan siya?" Sabi ko habang marahan kaming nababa sa hagdan.


"Kasama ni jasmin." Sabi nito, malapit na kami sa labaa ng pinto ng biglang may sumgaw.


"HOY! SAAN KAYO PUPUNTA!" sai niya at saka nag paputok ng baril. Kaya naman napayuko kami.


"Takbo na claire!" Sabi niya at saka nilabanan yung bantay.

"Hindi kita iiwanan dito!" Sabi ko.



"Umalis kana! Susunod ako pangako!" Sabi niya. "Inaantay ka ng anak natin." Dagdag pa nito. Kahit labag sa loob ko, ay umalis na ako. Kailangan ako ni cavin.


Sabi ni gavin ay nasa likod sila jasmin sa may kotse. Kaya agad akong nag punta. Nasaan na sila? Tiningnan ko ang loob ng kotse wala sila. Tiningnan ko ang likod at nakita ko ang naka bulagtang si jasmin. May dugo ito sa ulo.

Si cavin.....

"Siya ba ang hinahanap mo?" Napatingin ako sa likod ko.

Nakita ko si nathalie na hawak si cavin na ngayon ay naiyak.


"M-mommy" Sabi ni cavin.


"Shh.. Stop crying baby." Sabi ko sa kanya. "Patayin mo na ako, eto  ako oh! Huwag mo lang sasaktan ang anak ko."



Mag sasalita pa sana ako ng biglang nandilim ang paningin ko. Tanging iyak lang ni cavin ang naririnig ko hanggang sa unti unti itong nawawala. Naglalaho. Cavin.



---

Vote




Comment

Follow me.



Hi, mas active po ako ngayon sa Twitter: @maranankimmy , keep safe guys, just now nalaman kong may 1 case na sa bayan namin. :( and may 3 na pong namatay 'coz of covid19.

A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Where stories live. Discover now