Chapter 1.

9.4K 168 15
                                    

Nagising si Ara nang maramdaman nya na gumalaw ang kamay ni Enrique na hawak nya. Agad nya'ng tiningnan ang lalaki. He looked so pale and weak yet it doesn't hide the fact that he's too damn good looking for a sick man. Gulo gulo rin ang buhok nito.

"H-honey.." Anas nya. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay nito and she saw Enrique smiled.

"You look terrible, Ara. I told you to go home and rest." His voice is raspy.

"I told you, nagpadala na ako kay Manang ng bihisan." Lumapit sya dito. Tinulungan nya ito'ng umupo pasandal sa head board ng kama. "Are you hungry yet? Magpapabili na ako ng dinner. What do you want?"

Umiling lang ito sa kanya. "No, I'm fine."

Binitawan nya ang kamay nito at kumuha ng isang baso ng tubig. Nang iabot nya ito dito ay agad naman ito'ng uminom.

"What do you want to eat? Malilipasan ka na naman ng gutom." She insisted.

The doctors already told her to be persistent. Isa ang pagkawala ng gana kumain ni Enrique ang bunga ng sakit nito. Sa isang lingo nila sa hospital ay umiiyak sya kapag tulog ito. She doesn't want him to see na umiiyak sya. He wouldn't want to, too. Malulungkot lang lalo ang asawa nya, and that's the last thing she want to happen.

"Honey, relax. Come, sit." Iminuwestra nito ang upuan na kanina ay kinauupuan nya. May suwero ang kamay ni Enrique, at mas lalo syang naiiyak kapag nakikita nya iyon.

She sat then looked at him. Ikinulong nya sa mga palad nya ang kamay nito.

"You have to eat, Honey. Please." Puno ng pagsusumamo na sabi nya rito.

His smile faded, and then he sighed. "A-allright. Ikaw na ang bahala."

"Honey.."

"Ara, I told you before. Huwag mo na pahirapan ang sarili mo. We already know the end game. Bago pa tayo ikasal ay alam mo na-" Hirap sya magsalita but he still managed to talked fast. She cut him off dahil ayaw nya marinig dito ang katotohanan na bagamat alam nila ay napakasakit pa rin.

"Enrique." Sya naman ang bumuntong hininga. "I'll buy your dinner." Mahinang sabi nya na lang.

Dahan dahan nya'ng binitawan ang kamay nito. Biglang bumukas ang pinto ng private room na iyon. Kapwa sila napalingon ni Enrique. Iniluwa ng pinto ang pamangkin ni Enrique na si Ross and his usual distaste for her was evident all over his face.

"Tito.." Agad din naman na bumalik sa masigla ang boses ni Ross nang makalapit na it okay Enrique.

"Ross.. You don't have to come too often." Ngumiti si Enrique at yinakap ang pamangkin.

Kahit sino na makakakita sa dalawa ay aakalain lang na magkapatid ang mga ito. Enrique is only thirty five years old, while Ross is only twenty seven. Bunsong kapatid ng papa ni Ross si Enrique. Mula ng mamatay ang parents ni Ross dahil sa isa'ng aksidente sa site ng isa sa mga noon ay itinatayo pa lang na Valderama Towers ay si Enrique na ang nakasama ni Ross lumaki.

Their bond was no joke. Lumaki si Ross na idolo si Enrique sa lahat ng aspeto. Enrique was like the brother, father and bestfriend that Ross never had. Kaya naiintindihan ni Ara kung bakit ganoon na lang ang disgusto sa kanya ni Ross nang malaman nito na ikakasal sila ni Enrique two years ago.

Pakiramdam nito ay inagaw nya si Enrique sa kanya. Maaari rin na gold digger ang tingin nito sa kanya. Lahat ng masasama at mapang uri na tingin ni Ross sa kanya ay tiniis nya, wala syang sinabi kay Enrique dahil ayaw nyang siraan si Ross.

Panaka naka rin ang pagpaparinig nito hanggang sa nasanay na sya. Bago pa lang sila magpakasal ni Enrique ay alam nya na ang consequences noon. Maraming mata ang manghuhusga sa kanya, biglaan din kasi ang nangyari. It happened so fast they just told them it's a whirlwind romance.

Twice A Valderama (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon