Chapter 5.

3.2K 132 7
                                    

That foreign feeling of having Ross sleep at her side lingered until Ara was awaken by Dea.

"Ara, gising na. Mauuna na daw kayo ni Ross umalis." Yinuyugyog sya ni Dea sa balikat.

She automatically opened her eyes when she heard Ross' name. Agad na umukilkil sa kanya na magkatabi nga pala silang natulog. Bumalikwas sya ng bangon at agad na luminga sa paligid. But he wasn't there anymore.

"Hey.." Untag ni Dea sa kanya.

"W-what was it?" Tanong nya sa kaibigan. Pangalan lang kasi ni Ross ang naintindihan nya. Tiningnan nya ang wall clock at nakita nya na pasado alas siete pa lang.

"Sabi ni Ross, mauuna na daw kayo umalis. Sumabay ka na sa kanya at kami naman, dito muna." I can see Dea's naughty smile.

"Tigilan mo nga yan. Bakit ka ganyan ngumiti?" Kunot ang noo na tanong nya.

"Wala naman. Di ko akalain na magkasama kayo natulog. Did something.. you know?" Then she giggled.

She rolled her eyeballs at bumangon na. "Of course not."

"You know that he's so damn hot, right? Suplado nga lang. At ayaw nya sayo." Ngumiwi si Dea.

"I am perfectly aware of it." She said in an uninterested voice.

"Alright. Mukhang wala ka sa mood makipag gossip. Mag ready ka na. Hindi ko alam bakit maaga kayo aalis but pinagising ka nya sa akin."

She nod, then went straight to the comfort room when Dea left. Naghilamos sya at nag ayos ng buhok bago lumabas. Naabutan nya ang tatlo na kumakain sa mesa, samantalang si Ross ay nasa veranda holding a coffee mug.

Nakatanaw lang sya sa malayo. He was still in his attire last night when he slept.

"Ate, kain ka na muna bago kayo umalis ni Kuya Ross." Alice was the one to call her.

Liningon sya ni Ross at nagtama ang mata nila. Agad syang umiwas. Ayaw nyang isipin nito that she's checking him out. Although nagpakasal sila, it was just a wedding for convenience at naka tatak sa isip ng mga tao na technically ay pamangkin nya pa rin si Ross kahit na patay na si Enrique.

Dumiretso na sya sa table at sumalo.

"Si Ross? Kumain na ba?" Mahinang tanong nya kay Dea nang maka alis na sila Ariel at Alice.

"Nope. Ayaw daw nya. Coffee lang daw." Kibit balikat na sagot ni Dea.

Tumango lang sya. 

Si Dea na ang nagtaboy sa kanya upang ayusin na ang mga gamit nya. Pumasok sya sa kwarto at nandoon si Ross, naka upo sa gilid ng kama.

"Hurry up. Let's go." Tumayo ito at hinarap sya.

"B-bakit nga pala tayo mauuna?" Tanong nya at agad na lumapit sa bag nya. Ayos naman na ang gamit nya, isasalansan nya na lang ang ilang toiletries at tapos na.

"Mamaya na ang flight natin sa Hawaii." Casual na sagot nito. His hands on his jogging pant's pockets.

"Sige. Ayos na rin ba gamit mo?" She felt like she needed to ask.

"Yeah. Nasa kotse na. I don't like waiting." Sabi nya na lang tapos nauna na umalis.

Mabilis nyang inayos ang gamit nya. Pinalitan nya ang suot nyang pajama ng maong na shorts at lumabas na. She saw him smoking habang naka sandal sa kotse nito. He immideatly threw the stick when he saw her coming then went in to the car.

Kumaway pa sila Dea bago sya pumasok sa kotse.

His cigarette's smell lingered, pero humalo iyon sa amoy nya at sa pabango ng kotse. Weird, but it doesn't smell bad at all.

Twice A Valderama (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon