FOURTEEN

499 7 1
                                    

Peace Offering

Hindi parin ako nagsasalita kahit kanina pa ko kinakausap ni Tresh wala ako mood dahil kanina niya pa sinagad.

"Manong sa bahay muna tayo." Napalingon ako sa kanya

Talagang gumagawa ang siya ng paraan para mag usap kami.

"Kung hindi mo ko ihahatid sa bahay baba nalang ako. Tutal malapit naman na yung bahay namin kaya ko naman na sigurong maglakad

Malakas pa ang ulan pero kaya kong maglakad.

"Manong sa bahay parin tayo." Binalingan niya kong kunot noo

Naguguluhan na si Manong kung sino ang papakinggan niya malapit na kami sa tapat ng bahay namin kaya binuksan ko na ang pintuan ng Wrangler nila kahit umaandar pa ito.

Huminto ito at biglang lumabas si Tresh. "Ano bang problema mo Margareth?"

Wala akong problema ikaw ata ang may problema. Kaya umayos ka

"Bitawan mo na ko." Saad ko

Basang basa na yung damit ko kaya ramdam ko na ang lamig sa katawan ko giniginaw na ko at gusto ko nang makapasok sa loob pero nagmamatigas talaga si Tresh at mukhang ayaw niya pa kong papasukin.

"Sabihin mo muna kung bakit ka nagagalit sakin. Bakit kaba palaging umiiwas?" Ani ni Tresh

Tangina. Bitawan mo na muna ako.

"Pwede ba Tresh bitawan mo na muna ako. Pagod ako mag-usap nalang tayo bukas o pag hindi mo ko binitawan wag na wag mo na akong kakausapin o lalapitan manlang." Pagbabanta ko sa kanya

Nanghina ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ramdam ko na rin  na nanginginig narin siya.

"Umuwi kana." Saad ko at binalingan siya

Tinignan niya lang ako habang humahakbang palayo sakin. Masunurin ka pala kahit papano. Saka palang ako gumalaw nung nakaalis na ang kanilang Wrangler.

"Hi! Hinayupak kang babae ka. San ka ba nanggaling at bakit basang basa ka?" Galit na galit si Katelyn

Para na siyang nanay ko kung magalit pero wala ako sa pagtataray para makipag away sa kanya.

"May pinuntahan lang ako pero nadatnan ako ng ulan. Magbibihis lang ako." Saad ko sa kanya at umakyat na sa taas

Nagbihis na ko at bumabang muli. Nadatnan ko siyang naghahanda na ng makakain ng binalingan niya ako ay tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Alam kong kasama mo siya kanina. Kaya ka nabasa kasi nag away kayo." Nagtataka ako na alam niya ring magkasama kami

Tumango lang ako bilang pag sangayon. Baka kasi nadatnan niya kami o tinext siya ni Tyron. Whatever!

"Yes."Tipid kong saad

"Umiiwas ka dahil nagagalit ka o umiiwas ka dahil nagseselos ka?"

Wala akong masabi dahil wala akong naiintindihan sa sinasabi niya. Para saan yung selos? Wala akong pake kung may kasama siya o kaharutang iba. Buhay niya yun kung gusto nuya edi gawin niya wala akong karapatang pigilan siya. Wala namang kami para itali siya sa tabi ko!

Wala akong sinabi at tinignan lang siya kaya nagsalita nanaman siya. "Kumain nalang tayo. Bukas na ang foundation kaya na eexcite na ko."

Bukas na pala ang foundation at marami nanamang dadayo sa paaralan namin. Syempre dahil sa mga booths na may mga ibat ibang paninda. Pagkatapos naming kumain ay dumaretso na kami sa kwarto ko dahil dito matutulog si Katelyn at kinuwento ko narin sa kanya ang nangyari kanina.

Nagising ako sa tunog ng alam clock ko wala na si Katelyn dahil President siya ng Campus namin tiyak madami nanaman siyang gagawin. Nag tricycle narin ako patungong Paaralan dahil busy si Manong.

Madami nang tao nung pagkarating ko. May mga nakikita narin akong mga taong pumapasok sa mga booth dumaretso nalang muna ako sa room namin dahil kailangan ko pang magpalit para wala nang makaabala mamaya pag nasa booth na ko. Baka kasi maraming bibili at pagpawisan ako.

Nang pagkarating ko sa room ay walang tao pero may isang bulang box sa arm chair ko. Lumingon lingon pa ko pero wala talagang tao. Nagtataka ako dahil bakit naman nila ako bibigyan ng regalo eh hindi naman special na araw to. It's just a normal day for me.

May naa lagay na papel sa taas nito kaya binuksan ko narin para malaman kung sino ang nagbigay.

"Wag ka nang magalit peace offering koyan." Walang nakalagay na pangalan pero kilala ko na kung sino ang nagbigay nito. Si tresh lang naman ang may kasalanan sakin kaya tiyak siya ang nagbigay nito.

"Pinapatawad ko na ba ako?"Nilingon ko ang nakapamulsang si Tresh. Ngjningitian oa ako ng mokong na to kahit galit ako ay magawa ko paring titigan siya.

"Hindi na kita mapapatawad."

Tumikhim siya at nilapitan ako. Nang makalapit na siya ay bumulong siya sa tainga ko. "Talaga? Galit kapa ba kahit pulang pula na yung pisngi mo o baka naman kinikilig kana?" Aangal na sana ako pero yinakap na niya ako

Gusto kong spaakin at sabihin sa kanyang ang daya daya niya pero pakiramdam ko natutunaw nanaman ang puso ko sa kanya. Ang daya talaga ng puso ko sobrang rupok pag dating sa kanya.


Love without regrets [Petisme Series #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora