Chapter One💃My Bitchy Girlfriend is Mad

67 1 2
                                    


"Eh kasalanan ko bang bobo ka ha?! Akala ko ba matalino ka? Bat parang ang bobo mo na ngayon?!" Sherane shouted to the girl na nasa harapan niya. Napuno naman ang babaeng kanyang pinagsalitaan,

"You! Dahan-dahan ka sa mga duming lumalabas sa bibig mo! Mas matalino ako sayo!" Shine said. Namumula na ito dahil sa inis.

"Stop that Sherane! Let's go!" someone shouted and drag her to the parking area.

"What the hell Ashid? Pwede bang pabayaan mo muna ako?" Sherane said at inilayo ang sarili niya. Mabilis ang hininga nito habang nakatingin sa mga mata ng boyfriend niya.

"Hindi pwede. Boyfriend mo ako. Baka masaktan ka." Ashid said in a serious tone.

"Boyfriend lang kita." Untag ni Sherane at umalis.

"Sherane!!!" sigaw ni Ashid pero hindi siya pinakinggan nito. Umiling na lamang siya at sumakay sa kotse saka nag maneho pauwi.

--

Kinaumagahan ay ipinatawag si Sherane at Shine sa guidance office. Ashid is holding Sherane's hand, hindi niya maiwan-iwan ito.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Miss Tokarski.

"Group work lang naman po iyon Miss. Sherane wants to be the leader pero ako ang pinili ng groupmates namin kaya nung mali ang sagot at tama ang naisip ni Sherane nagalit siya." Shine explain. Umirap nalamang si Sherane, pinisil naman ni Ashid ang kamay niya.

"Calm down Sher. Nasa guidance tayo. Baka mapahiya ka." Ashid whisper.

"Hindi ka pa ba nahihiya sa set-up natin Ash? Sumama ka pa dito. Hindi naman ikaw ang Mommy ko." bulong ni Sherane pabalik.

"Okay Sherane and Shine yun lang naman pala e. Sherane accept Shine's misktake kasi hindi rin naman siguro niya ginusto yun. Next time huwag na kayong mag-away and choose the best one." sabi ng Guidance kaya tumayo na silang tatlo at umalis na si Shine. Naiwan naman ang dalawa na nakatayo sa labas ng guidance.

"Hayop talaga yung babaeng yun. Akala niya kung sino siya, nakakagigil." Sherane murmured.

"Shhh. Tama na. Tapos na." Sabi ni Ashid at inakbayan siya. Naglakad naman sila pabalik sa classroom nila para kunin ang mga gamit nila. Break time na rin kasi at nasa cafeteria na ang iba pati mga kaibigan nila.

"Ang sweet niyo talaga." Mistika said. Classmate nila. Umirap nalang si Sherane at tinanggal ang pagkaka-akbay ni Ash tsaka dumiretso sa bag niya para kunin ito, tumawa na lamang si Ash at Mistika sa reaksyon ng babae.

"Ang maldita talaga ng girlfriend ko." Ashid said sa harap Mistika.

"Mahal mo naman." sagot ni Mistika at tumawa sa paparating na si Sherane na nakasimangot.

"Oh ano? Makikipag landian ka na naman? Tsk." sambit nito at nilagpasan ang dalawa, napakamot sa ulo si Ash at napailing si Mistika sa inasta ni Sherane. Dali-daling kinuha naman ni Ash ang bag niya at sinundan ito sa cafeteria.

--

"Oh amoy Guidance ang baby natin ah?" Kiro said habang tinitignan ang papaupo na si Sherane. Umupo na lamang ito at kinain ang order niya.

"Problema mo?" Jiriana ask her.

"Oi?" kalabit naman sakanya ni Selma.

"Pwede ba?! Gutom ako." sagot ni Sherane at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Asan si Ashid?" tanong ni Kier, ang pinaka tahimik sa kanila.

"Nandon! Nakipag landian sa Mistika na yun! E d sila na! Leche." sabi ni Sherane. Agad namang naintindihan ng mga kaibigan niya kung bakit ganon ang inasta niya.

"She's jealous." Bulong ni Jiriana kay Selma.

"Hey Sher. Sorry na. Nag-usap lang naman kami ni Mis----"

"Usap? Tapos ano susunod? Landi? Tapos magiging kayo? God Ash. Alam ko na iyan. Dun ka na nga." sabi ni Sherane at ininom ang juice. Napapikit na lamang si Ash dahil sa sinasabi ni Sherane.

"Sorry na."Ash said at niyakap sa gilid si Sherane.

"Patawarin mo na Sher." Jiriana said.

"Oo nga." Selma agreed.

"Di naman yan tatagal." Puna ni Kiere kaya nag tawanan sila.

"Oo na. Okay na." sabi ni Sherane habang pilit pinigilan ang ngiti. Humiwalay naman si Ash at tinignan siya.

"Manonood ka ng game namin?" tanong niya kay Sherane.

"Ayuko. Wala naman akong naiintindihan sa Basketball." sabi ni Sherane.

"Support mo ako." sabi Ash.

"Excuse me? Diba Cheerleader si Mistika kaya don ka na lang. Tsaka you don't need a supporter like me. And may tatapusin pa akong assignment kaya maaga akong uuwi." Sherane explain kaya tumango na lang si Ash.

Nag bell na kaya naiwan si Jiriana, Selma at Sherane pabalik sa classroom, dumiretso naman sa gym sina Kier, Kiro at Ashid.

"Cutting tayo?" Selma suggest.

"Nababaliw ka na ba?" hindi makapaniwalang sabi ni Jiriana.

"Kayo na lang. Natatakot ako." sabi ni Sherane.

"Ang k-kj niyo talaga!" pagdadabog ni Selma.

"Two subjects nalang. Kaya mag antay ka Selm." sabi ni Sherane. Pumasok naman sila sa classroom nila.

Pagkatapos ng dalawang oras na pakikinig nila sa guro ay nagsi labasan na sila.

"Yey! Sa wakas makaka alis na tayo!" pagdidiwang ni Selma.

"So san tayo?" Jiriana asked.

"Sa bayan. Mamamasyal tayo." sabi ni Selma.

"Okay. Tara na?" yaya ni Sherane.

"Wait? Di ka ba mag papaalam kay Ash? Baka magalit na naman yun." paalala sakanya ni Jiriana. Huminga ng malalim si Sherane at sinimulan ang paglalakad patungo sa kotse niya. Sumunod naman ang dalawa.

"Hindi ko naman siya magulang para lang ipaalam sakanya ang gusto kong gawin." sabi ni Sherane at pinaandar ito. Pumasok naman si Jiriana at Selma sa backseat.

Parehong mayaman ang tatlo pero nakasanayan nila na sabay-sabay silang pumunta at umuwi, kaya nag ka roon sila ng routine kung sinong kotse ang gagamitin tapos siya ang mag da-drive. Nasaktuhan na si Sherane ang naka assign ngayon.

Sabay-sabay silang bumaba sa kotse pagrating nila sa bayan. Dumaan sila sa palengke, wala naman itong problema dahil binansagan ito na 'Most Clean Market in The Philippines'
Pumasok sila sa isang restau at kumain.

"San tayo pagkatapos nating kumain?" tanong ni Sherane.

"Maglilibot. Maghahanap ako ng mga simpleng damit." sabi ni Selma.

"Bat di ka sa mall maghanap? Pwede tayong pumunta doon." sabi ni Sherane.

"Papagalitan tayo. Ang layo ng city saatin Sher. Dalawang oras ang biyahe papunta pa lang, tsaka may assignment pa tayo." Jiriana said kaya tumango na lamang ang dalawa.

"Picture tayo?" yaya ni Selma.

"Sainyo na lang. Naiwan ko yung phone ko sa kotse." sagot ni Sherane.

They took a picture using Jiriana's phone pagkatapos ay lumabas na. Pumunta sila sa isang store at tinulungan si Selma na mamili ng damit.

"Wala akong type. Sa mall nalang. Punta kaya tayo ngayong Sunday?" Yaya ni Selma.

"I have a date." Jiriana said.

"Mom won't allow me." sabi ni Sherane.

Umuwi na lamang sila. Hindi naging mahirap sakanila ang pagsasama-sama dahil magkalapit lang ang bahay nila.
 

MY BITCHY GIRLFRIENDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang