Plan #32: Jean

175 7 0
                                    

------------------------

Halos tatlong araw din na nawala sila Angel at sir Alphonse. Halos buong weekend ay wala ang best friend ko, and mind you, na-miss ko talaga ang pakikipagdaldalan at pakikipagchikahan sa kanya. Though, we frequently exchanged text messages and talk over the phone ay parang hindi ganoon ka-satisfying ang chikahan namin. Sobrang busy kasi ng dalawa sa adventure nila sa Puerto Princesa. Kasi kahit naman din ako, kung dalhin man ako sa isang tourist destination ng aking special someone ay susulitin ko talaga ang every moment na magkasama kami. Ini-imagine ko pa lang kami ni Benjo na magkasama sa isang tourist destination ay lumulutang na ang isip ko sa saya. It is totally cloudnine if you might want to ask.

Habang inaaaral ko ang mga plano na binigay sa akin ni Benjo para tignan ay bigla ko na lang napansin na may namomuong grupo sa may daanan na para bang may iniisyuso ang mga ito. Nakuha nito ang aking atensyon at binalot ng pagtataka ang likod ng aking isipan. Ikinunot ko ang ang dalawang kilay at ako ay dahan dahan na tumayo mula sa aking kinauupuan. Naglakad ako papunta sa espasyo kung saan nagtipon tipon sa gilid ang ibang empleyado.

Inilinga-linga ko ang aking ulo para makita kung ano ‘yon. Halos lumuwa ang dalawa kong mata dahil sa aking nakita. Magkasama sila Angel at Alphonse na naglalakad at ang nakapagpalaki pa ng aking mga mata ay dahil magkahawak ang kanilang mga kamay habang tinatahak nila ang daanan. Halos hindi magkamayaw ang mga tao sa paligid habang tinitignan ang dalawa at kitang kita ko naman na may mga insecure, inggit, at masaya para sa dalawa, at isa na ako do’n kahit na nalilito pa rin ako ngayon sa mga nangyayari lalo na sa kanilang dalawa.

“Oh my geeeez,” I said with my two eyes still fixed on them.

           

Nakangiting lumapit ang dalawa. “Good morning bes,” bati ni Angel sa akin habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ng aking dalawang mata. Tinignan ko silang dalawa na para bang pinag-aaralan ko ang bawat ekpresyon sa kanilang mga mukha. Hindi naman peke ang kanilang mga ngiti and everything that’s written on their face was quite natural. Nakangiti lang ang dalawa sa akin.

“Good morning Jean,” bati naman ni Alphonse gamit ang husky na boses nito.

I stretch my lips over my face faking a smile. “Go-good morning,” sabi ko sabay na napalunok ng laway na namumuo na sa aking lalamunan.

Alphonse turn his head to his side and looked at Angel. I saw him smiled at her as they exchange looks. Their eyes were like stars that twinkles. Their smiles were like galaxy that fills the black canvass ang gives color to everything. I saw how they looked at each other, this time it was very different. I can’t even believe what I was seeing in front of me.

I turned my head and motioned my eyes around. I saw everybody’s faces. It was full of awe and amazement as if their jaw was about to fall from their faces. Their eyeballs was about to jump out from it’s places while looking at the three of us but however, I could muster the art of hiding. I couldn’t also hide the amazement on my face.

Angel furrowed her brows while looking at me. “Bakit parang nakakita ng multo?”

Napailing ako dahil sa kanyang sinabi, “Sa tingin mo hindi manlalaki ang mata ko kung ganyan ang makikita ko sa simula ng araw ko?” I said and give Angel a questioning look.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon