Prologue

1K 17 12
                                    

Prologue

"I love you." He whispered to my ears while his arms are around me. I feel so safe kapag ganito ang posisyon namin.

I broke the hug and cupped his face. "Mas mahal kita."

He smiled that beautiful smile na lagi kong gustong nakikita. I would never get tired looking at him. I would never get tired of saying I love you to the man I married and the man I would spend my whole life with, as long as we both shall live.

He reached for my hand na nakahawak sa pisngi nya at pumikit siya. "Babe, I'll miss you." Tumulo ang mga luha nya.

"Chris anong problema?" I brushed his tears. "Ba-bakit ka umiiyak?" Ngayon ko lang siya ulit nakitang umiyak since our wedding which was just a month ago. Kahit di ko alam kung anong nangyari sa kanya,  pakiramdam ko nadudurog ang puso ko.

He's still crying and he pressed his forehead to mine.

"Goodbye Han."

Natulala ako sa kanya at feeling ko kaunti na lang, maiiyak na rin ako. Pero nilabanan ko ang pag-iyak ko. Why is he saying goodbye?

He kissed my forehead at binitawan na nya ang kamay ko. Tumalikod agad siya at naglakad papalayo sakin.

"Chris.." Mahina lang ang pagkakasabi ko. Hindi ako nililingon ni Christian. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Chris!" Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Lumakad na ko ng mabilis papunta sa kanya. "Chris!"

 Hindi pa rin siya humihinto kaya patuloy pa rin ako sa pagsigaw kahit medyo hinihingal na ko.

"Chris!"

Dahil sa kanya lang ako nakatingin at hindi sa dinadaanan ko, hindi ko nakitang may malaking bato pala sa dadaanan ko kaya naman natamaan yun ng paa ko at nadapa ako.

Tumayo agad ako at hindi ko na inisip kung may sugat ako o wala. Pero nung pagtingin ko sa harap ko, wala na si Chris. At unti-unting nagliwanag sa harap ko. Sobrang nakakasilaw.....

"Chris!!!"

Nagising akong hingal na hingal at umiiyak.

Christian Dy Book II - EnrichWhere stories live. Discover now