Chapter 5: Shopping

160 22 11
                                    

Nike's Point Of View

"Oh sige na Nike, my bro, good bye. Pakiingatan ang aking tatangang tangang Ate. Kahit hindi obvious mahal na mahal ko yan" Sigaw sakin ni Max. Nagthumbs up lang ako. Sa paghihintay namin kay Cassidy isang himala na naging close kami.
A

kala niya talaga daw isa akong manliligaw ng Ate niya kaya inangasan niya ako.

Binuksan ni Mang Raul yung pinto ng limo para makapasok kaming dalawa. Si Mang Raul ang magdridrive samin kasi kahit marunong ako I'm underage.

"By the way anong number mo para maitext kita" Saad ni Cassidy. "Sa messenger na lang" Maikli kong tugon.

"Ah eh.. hindi kasi maidownload sa cellphone ko e" Napataas kilay ko sa sinabi ni Cassidy. Liningon ko siya. "What do you mean?" Nakakunot noong tanong ko.

Yumuko siya at saka pinakita ang cellphone niyang di pindot. Napabuntong hininga na lang ako.

Cassidy's Point Of View

"Mang Raul to the Golden Mall in this district please" Nagtaka ako nang sabihin ni Nike iyon kay Mang Raul. May meeting ba siya sa isang mall?

"May meeting ka ba sa Golden Mall? Dapat sinabi mo para nakapagready ako" Saad ko at ngumuso. Isang puting oversized shirt tas isang maikling shorts lang yung buhok ko isama mo pang akala mo binagyo ang buhok ko sa sobrang gulo. Mukha talaga akong ewan sa itsura ko ngayon.

"Wala akong meeting. Bibilhan kita ng touch screen na cellphone. Mamaya sabihan ng iba na hindi ako maayos magpasweldo e" Saad ni Nike at saka liningon ako at ngumiti. Lumiwanag mata ko.

He may seem cold but deep inside of that cold impression of his, there's a golden heart and an angel hiding.

"Thank you ah" Saad ko at ngumiti. Gusto ko sana siyang yakapin kaso baka maawkward kaming dalawa. I don't know but Nike is too mature to the point na hindi ko siya maituring na bata.

He just nod at saka tumingin ulit sa labas ng bintana ng sasakyan namin. Sinandal ko yung sarili ko sa likod ng upuan at ngumiti. Swerte ko talaga kahit kailan.

Habang pinapanood ang nasa labas ng binta ng sasakyan namin. Napaisip ako kung anong cellphone ang bibilhin sakin ni Nike. Siguro mumurahin lang. I'm just his secretary, nothing more and nothing less.

"Hey nandito na tayo. Wag kang lutang kasi ayaw ko ng lutang" Saad ni Nike at saka pinitik ako sa noo. Napanguso naman ako. Dapat ako nagsasabi na nandito na kami e. Mang aagaw ng line pero okay na line ang inaagaw sakin kaysa naman ang future boyfriend ko.

Lumabas si Mang Raul ng sasakyan namin at saka pinagbuksan kaming dalawa. Nahiya pa nga ako e kasi isa lang naman akong secretary, kagaya ni Mang Raul nagtratrabaho rin ako kila Nike kaso ang pinagkaiba lang mas mataas ang sahod ko.

Ngumiti ako kay Mang Raul bago sinundan si Nike na dirediresto ang paglalakad at akala mo walang kasama. Napatingin ako sa paligid ng Golden Mall. Ang ganda, nakakainlove, jusko, kung tao lang ito pinakasalan ko na 'to.

First time ko makapunta sa Golden Mall. This is actually the 5th time na nakapunta ako sa Mall. Syempre mahal yung mga binebenta sa Mall kaya sa palengke lang kami bumibili ng gamit ng pamilya ko. Pagpasukan naman sa Divisoria kami bumubili ng school supplies.

"Anong gusto mong brand?" Nabalik ako sa wisyo ng tanungin ako ni Nike. Napatingin ako sa kanya.

"Ikaw na bahala. Nakakahiya naman kung ako pa pipili" Saad ko at saka napakamot sa batok. Napakuot naman noo ni Nike,"Nahihiya ka sakin ngayon pero nung pinaghintay mo ako ng mahigit tatlong oras kanina hindi. Ang galing mo rin e, tsk. Btw bibilhan na rin kita ng Laptop para hindi ka na mahirapan sa trabaho" Saad niya at saka inunahan ako maglakad. Napapansin ko lang ah, laging nang iiwan si Nike, sana sa relationship hindi siya maging mang iiwan. Is this called hugot? char.

Pumasok kami sa mall at halos lahat ng batang babae ay napapatingin kay Nike, sino nga ba ang hindi mapapatingin dito?

This child have looks, confident rin itong maglakad at hindi mukhang pulubi at adik. Isama mo pa ang intimating aura nito.

Sinundan ko lang si Nike at hindi pinansin ang tingin ng ibang tao. Huminto kami sa isang store. Pinagmasdan ko ito at malaglag ang panga ko sa nakita ko. IPhone shop bes, IPhone taena!

Pumasok kami ni Nike sa loob, agad naman siyang lumapit doon sa seller habang ako naman ay tumitingin tingin lang. Ang mamahal naman nitong mga cellphone na ito- 7,000 pesos talaga para sa isang maliit na gadget? Jusko. Gagawin ko na lang na tuition yun.

"Hey, tara na. Pupunta tayo sa apple, dun kita ibibili ng laptop tas sunod ay sa H&M, bibilhan kita ng casual attire mo. By the way ito na yung cellphone mo, I'll help you to set it up later" Saad ni Nike at saka binato sakin ang isang box. I smiled, this is my first ever touchscreen phone. Iingatan ko 'to

Pagtapos namin bumili ng laptop ay dumeretso kami sa H&M. Bibilhan daw ako ni Nike ng casual attire.

"Ito kaya, Nike?" Tanong ko at pinakita ang isang color red dress. Nakita ko naman ang salitang 'pandidiri' sa mukha ni Nike. Bakit kaya?

Kunot noong tiningnan ko ulit yung dress na pinakita ko sa kanya. Maganda naman ito so what's the problem?

"Just pick another color of that dress basta wag lang red. I hate red. Not because it's the color of blood, it's because.. I just hated it" Saad niya habang hindi maipinta ang mukha. Napanguso na lang ako, ang ganda pa naman. Magsasalita pa sana ako para kumbinsihin siya nang may nagsalita sa gilid namin.

"C'mon, Nike, the shoe. Maganda yung dress. If you won't buy it for her then I will. At wala kang pake kung magsusuot siya ng red na damit because it's her right to wear any clothes she wanted to wear"

Napatingin kaming dalawa ni Nike sa nagsalita. And for the first in my life I think I just saw a beautiful angel in personal smiling at us widely.

The Cutest Mafia Boss | #RosesAwardJune2019Where stories live. Discover now