Siguro Tama Na

2 0 0
                                    

Sa tuwing tinatanggap kita
ulit sa buhay ko
di ko maiwasan makaramdam
ng takot...
takot na ano na naman kayang
sakit ang mararanasan ko
sa muling pagbukas nang pintuan
ng puso ko.

Napakaraming ulit
ko nang tinangkang wag ka
nang muling papasukin
sa buhay ko

sapagkat sa loob nang mahigit
tatlong taon
ako mismo pakiramdam ko'y
di ko narin kilala kung sino ako?

Masakit isipin napaka hirap tanggapin
palagi na lamang bang mararanasan
kong isa akong babaeng parang
pinaglalaruan na lamang.

Yan ba ang papel ko sa buhay mo?
ung maging tagapag aliw kapag
may mga bagay na di maayos saiyo.

Mabuti kapa nga
pag di kayo okey ng babaeng
mahal mo naiisip mo agad
na kunin ang atensyon ko
samantalang ako?
pag okey na kau bumabalik ako
muli sa totoong mundo na meron ako
mundong nag iisa, malungkot ramdam
na walang tunay na nagmamahal
ang tanging naiiwan ay mga tanong na...
sadya bang ako'y walang kwenta?

ganito nalang ba lagi ang lugar ko sa buhay nya?
iiwan kung kelan gusto, babalik nang wala naman
kasiguraduhan kung totoong mahal ako?

Hindi na tama kelangan ko
nang gumawa nang paraan
para di na muling magmukhang tanga
sa mga paikot mo at mga pambobola

Nakapag desisyon na ako
at buo na ang loob ko
kelangan nang wakasan
lahat nang mga hirap at sakit sa kalooban
na dulot nang maling paniniwala sayo

Sumusuko na ako
di dahil sa di na kita mahal
kundi upang bigyan ka narin
nang kalayaan saiyong
tunay na kaligayahan.
Masakit mahirap!
pero siguro nga siguro tama na!
tama lang na tumigil na akong
umasang ikaw ung para sa akin
sapagkat batid ko
kahit ikaw alam mong
di talaga ako ang may ari
nang puso mo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Collection Of My Hugot Feels About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon