Just Run, Run, Run

1 1 0
                                    

Mabilis lang lumipas ang mga natitirang buwan ni Sungyoung sa Seoul. Naitawid niya ng maayos ang thesis defense niya at nagustuhan ng mga panel ang naging kalabasan.

"Those may be basic concepts pero kapag na develop yan, pwede siya magamit ng government to secure their whole system, magaling ka." She remembers one of the panels tell her.

"Pero sana pag-iingatan mo 'yang knowledge mo. Maraming ganyan ang na p-pirate ng mga may masasamang loob. Babayaran ka lang ng malaki tapos do the hacking for them. Alam mo naman, sometimes the most brilliant mind can also be a dangerous mind." Sabi naman ng isa

Naka graduate siya at ayun, naka balik na siya ulit sa Busan. Plano niya munang magpahinga for one year bago maghanap ng trabaho. Nakakapagod din kasi mag-aral. Pumayag naman ang papa niya kaya kasalukuyan siyang tambay at palamunin.

Nakasundo niya na din yung mga tao sa neighborhood nila which is kind of nice kasi ang generous nila bilang mga kapitbahay.

Makikipagkita ang papa niya sa Sajok Park kaya naman papunta na siya dito kahit ayaw niya pa sana bumalik dito. It gives her the chills and reminds her of her spring break.

Dalawang buwan na rin ang lumipas, marami na ang nangyari. Time to move on, maybe.

Sungyoung takes a different route para more chances of not meeting one of those boys pero tangina talaga ng buhay.

She sees that arm laced with tattoos and boy she definitely wants to run away.

Aalis palang sana siya kaso biglang tumalikod ang binata.

"Sungyoung? Long time no see." He says with a smirk. Something about him seems off. Maybe it's because of the lit cigarette he's holding.

"Jungkook, h-hi. Ngayon lang kita nakita dito ah." She says, faking a smile at sana naman hindi siya mukhang natatae.
He nods as usual. "Nagpapa antay si Taehyung." He flicks the end of his cigarettes to remove the ash and takes a drag.

"San siya pumunta?" Eto nanaman tayo sa curiosity ni Shin Sungyoung.
"Running." Sagot ni Jungkook at binuga ang usok sa ibang direksyon.

"Running?"
"Running drugs."


Oh.


Oh shit.

Now here's the confirmation.

May alam siya so ibig sabihin....

Tinapon na ni Jungkook yung sigarilyo at inapakan para mamatay yung natitirang baga. "Alam kong nakita mo yung crest last time na nagkita tayo. Nakita ko reaction mo so sinabi ko nalang sayo kung ano talagang ginagawa niya."

Tahimik parin si Sungyoung. How is she even supposed to reply?

"Meron din ako niyan, dito sa upper back ko." He points. "Hindi si hyung ang dapat mong katakutan. Just saying. Kasi marami pang mas malala sa kanya. People like me, I guess." He says while looking at her straight in the eyes.

She looks back at him and he lifts his shirt a bit, showing her his gun holster.

This guy carries a fucking gun with him.

Does he always have one?

Umalis ka na diyan! Sabi ng utak niya but somehow she remains rooted in her spot.

"Ibang iba siya sa amin kaya sana hindi magbago ang trato mo sa kanya."

Nililinaw lang ni Jungkook ang mga bagay but everything seems to be a threat. Bawat salitang binibitawan niya parang may hidden meaning.

Something like 'try to do something crazy and you'll end up dead'

Nawala ang tensyon nang biglang may tumamang maliit na bato sa braso ni Jungkook. Sinamaan nya ng tingin ang pinanggalingan ng bato and there she sees Taehyung with a backpack hung on his right shoulder. His hair is dyed red.

May malaking ngiti sa mukha ng binata ng makita siya nito. "Nakabalik ka na pala! Long time no see and congrats!" Ginulo niya ang buhok ni Sungyoung gaya ng dati na kinainis parin ng dalaga.

"Hyung, mauna na ako. Nandito naman si Sungyoung." She doesn't miss the one last glance that Jungkook gives her.

Di rin siya pinigilan ni Taehyung kaya umalis nalang siya at nabaling na sa dalaga ang atensyon.

"Ang tahimik mo yata." Halatang nag aalala siya.

Huminga siya ng malalim. Magkaibigan naman sila diba? Bahala na.

"Sinabi na sakin ni Jungkook..."

Naiba ang expression sa mukha ng binata. He looks dejected, his smile fades from his face.

"Ah,"

They stare at each others eyes, trying to think of the proper words to say but nothing comes out. Taehyung bites his lower lip and sighs.

"Sorry, hindi ko sinabi sayo. Ayaw kasi kitang takutin."

Hindi niya inaasang ito ang maririnig niya. She expected countless of threats and Jungkook may be right about Taehyung, he's different.

"Gusto ko lang naman lumayo pansamantala. Yung makakahanap ako ng ibang tao, yung malayo sa kung anong ginagawa namin. Nasasakal na kasi ako." Paliwanag niya.

"Bakit hindi ka umalis?"
He looks up to face her and gives her a sad smile. "Parang sinabi mo nalang din na sana nagpakamatay nalang ako."

"I still try my best to be different from them. Wala pa akong na t-try na iba bukod sa weeds. Also, ayokong nananakit ng tao. I hate violence."

"Trying to lessen the guilt huh? It's not going to save you, Taehyung."
"Alam ko pero kahit ganto ako..."

She just looks at him, waiting.

"Will you still be my friend?"

Pinag iisipan niya mabuti kung anong isasagot niya. Delikado, masyadong delikado pero naging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ni Taehyung. Siya rin yung unang nakilala niya dito sa Busan at masaya din siyang kasama.

Lumayo ka sa gulo, Sungyoung. She tells herself.

Nagkatinginan silang dalawa at tumango siya. Bahala na.



Ang ganda ng hilata ni Jungkook sa leather couch ng den ni Taehyung habang nililinis niya ang baril niya.

"Akala ko ba magkasama kayo ni Tae?"

Napatigil si Jungkook sa ginagawa niya at tumingin sa kaibigan. "Tatambay daw muna siya kaya nauna na ako."

"Huhulaan ko, nandun nanaman yung babae?" Tinaasan siya ng kilay nito.
"Ano naman kung nandun nga?"

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na tigilan niyo na 'yang kalokohan niyo."
Jungkook just shrugs and takes his gun, twirling it around his fingers then suddenly something solid hits him on the face.

"Gago ka talaga, Jungkook." It's definitely Taehyung's voice.

"Alam mo gago ka rin. Pano kung may lamang bala 'to?" Iritadong sabi ni Jungkook at hinagis ang backpack sa sahig.
"Edi mas mabuti para makarma ka." He rolls his eyes at umupo sa leather couch na katapat nito.

"San ka nanaman galing?" Lalong dumagdag ang inis ni Taehyung nang marinig niya ang boses ng kapatid niya.
"Nag drop off malamang. Bakit ba kayo nandito? Pupunta ba siya?"

"Hindi. Dumaan lang ako para ipasok sa utak niyong dalawa na tigilan niyo na 'yang kung ano mang ginagawa niyo."
"OA ka lagi no, Jin." Taehyung says para inisin lalo ang kuya niya.

"Hindi ako OA. Ayoko lang na dumating ang araw na sisirain kayo ng pagkakaibigan na yan."

"Bakit naman masisira? Alam ba niya?"  Tanong ni Jungkook.
"Wala namang hindi alam yun. At alam niyo naman kung anong pwedeng mangyari pag nakarating 'to sa kanya."



Taehyung and Sungyoung spends time at an ice cream shop days after, trying to escape the summer heat.

"Ang tahimik mo talaga. Natatakot ka ba?"

Umiling ang dalaga at sa totoo lang hindi niya alam kung anong dapat niyang isipin at gawin. Kapag nagsumbong ba siya makakabuti ba 'to o makakasama?

"Wag ka mag alala susubukan kong wag kang ma-involve. Madali lang naman yun basta wag lang niya malalaman." Sabi ni Taehyung pero pabulong lang para hindi marinig ng iba. Nasa sulok naman sila pero mas maganda na rin yung maingat.

"Sino?"
"Our very own prince." He sighs. "Bakit ba kasi ako nasa bangtan?"

"Bulletproof?" Natawa si Sungyoung. "Who calls themselves that?"

"Hala sige tumawa ka pasalamat ka ako kasama mo, kung iba yan baka natutukan ka na ng baril."

Napatigil bigla ang dalaga at napalunok. "S-sorry." Nagpipigil parin siya ng tawa.

"Cringey yung pangalan pero bata pa kasi kami 'nun, okay? Mas mabuti na yun kesa sa gems or wolves." Pabulong niyang sabi.

Who the hell comes up with those names? Ang corny parang high school clique lang.

"Anyway naging bangtan yan kasi kami yung untouchables. Figuratively speaking, hindi nila kami magagalaw o mahahawakan basically because kami yung anak ng mga nasa taas. And we all ended up being childhood friends." Paliwanag ni Taehyung.

"Bakit ba dito natin 'to pinag uusapan? Baka may makarinig."
"Edi ligpitin."
Nanlaki ang mata ni Sungyoung. "Taehyung?!"

"Isang tawag ko lang kay Jungkook, tapos na yan."

A shudder runs down her spine. Parang normal na usapan lang sa kanya pumatay.

"Joke lang. Basta magiging okay ang lahat wag lang makarating sa minamahal naming prinsipe, tagapag mana ng lahat." Taehyung rolls his eyes as he speaks.

"Pano naman ako makakaiwas, hindi ko nga alam itsura nun."
"Siya lang naman nagsusuot ng phoenix na necklace. Pag may nakita kang may ganun na kwintas, siya na yun."

"Wala naman sigurong chance na makita ko siya, diba?"
"Sinasabi ko sayo, mas malala siya ng isang daang beses kesa sa mga nakikita mo diyan sa tabi-tabi. Wag mo nang hilingin makita yun kasi hindi marunong maawa yun."

"Sabi mo magkababata kayo?"
"Kababata, best friend, kasabay lumaki, lahat na pero ibang iba siya. Ruthless, no mercy, no everything. He gets what he wants and no one dares to disobey or else magiging pirapirasong bangkay ka na and no one will even know about it. Talk about power, money, fame he has it all. Sa tingin mo, bakit never kaming napatumba ng mga 'pro-justice'?"

Another hidden warning na 'subukan mong maglabas ng kahit anong tungkol sa nalalaman mo, kinabukasan nakalutang ka na sa ilog."

No matter how much she runs, she thinks there's no way out.

EVANESCENT [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now