Fall I

7 0 0
                                    


Glaidelle

"Ma'am Delle, ready na po ba  ang order ni Mr. and Mrs. Tan? "

"Ah, yes. Pakikuha nalang dun."
sabay kong turo sa isang lugar ng kusina kung saan nakalagay ang mga tapos ng  cakes and cupcakes.

Yes, I am a pastry chef. Nakatapos na ako sa pag-aaral mga higit limang taon na ang nakalipas. I graduated Culinary Arts. Balak ko sanang mag-apply sa barko kaso dahil matatakutin ako kung ano-ano ang mga iniisip ko na nagpapatakot sa akin. Kaya ito ako ngayon, may sarili ng Cafe'.

Pagkalabas ko ng shop ay sumakay na ako sa kotse kong panglimahan ang sakay at pinaandar na ito pauwi sa bahay. Wala naman kasi akong isasakay dun maliban sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko na may mga sarili ring sasakyan.

Hindi kami mayaman nasagitna lang ng mayaman at mahirap. Dati kapag kapos ang pera syempre hindi kami makakabili ng gusto namin. Pero hindi naman hinahayaan ng mga magulang namin na hindi kami makakakain ng tatlong beses sa isang araw. Naranasan ko rin ang makapag-aral  sa private school ng dalawang taon.

And i must say na nagsisisi ako kung bakit ko pa naisipan ang mag-aral doon but at the same time it's a memorable experience for me that i will gonna treasure in my lifetime.

Bumusina ako para malaman nila na nandito na ako at mabuksan na ang gate namin. Nakapagpatayo nakami ng bahay namin dito sa subdivision, pero hindi ito masyadong malaki. Sa tulong ng nag-iisa kong kapatid na lalalki ay napagtulongan namin ang mga gastusin sa pagpapagawa nito.

"Pupunta kaba sa kasal ng pinsan mo 'nak"
bungad agad ni mama ng makapasok ako sa bahay at makupo sa sofa.

"Hindi ma, marami kasing nagpapagawa samin eh. Nakaleave pa ang dalawa kong kasamahan. Magpapadala nalang ako ng pera para sa kanila."

"Oh sya sige, maghahain na ako para makakain na tayo."

Habang nasa hapag kami ay marami kaming napapag-usapan. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga at maka-open ng social media account ko at magawa ang araw-araw ko ng nakasanayang gawin bago matulog.

Pagkatapos magshower ay nagbihis na ako ng pantulog at humiga sabay open ng account ko.

Habang nag-s-scroll ako sa timeline nya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng selos sa ibang babaeng kasama nya. Mga mayayaman at may ipagmamalaki sa buhay, malayo ang agwat sa buhay ko.

Lagi kong tinitingnan ang mga tags sa kanya. Hindi sya masyadong mapost sa kanyang account although marami syang ganap.

Tiningnan ko ang isang post na naka tag sa kanya pati ang comments. Una syang nag comment dito, tungkol ito sa pinanood nilang sine na horror.

Heinrich
Mas takot pa ako sa crush ko kesa dyan. Hahhaha

Napangiti naman ako sa comment nya, as if namang ako ang crush nya. Kaya nalungkot ako sa naisip ko.

Madami pa silang ganap sa buhay at nakakalungkot dahil gusto ko rin sanang kasama nya ako sa bahagi ng buhay nyang iyon.

Nang makatulog ako ay medyo masakit ang damdamin ko sa kakaisip na kahit kailan ay hinding-hindi ako magiging bahagi ng buhay nya. At sa realidad na hindi nya naman ako mapapansin, ni hindi nya nga ako magawang tingnan.

Kaibigan ko rin naman ang mga kaibigan nya pero isa lang ang medyo close ko sa kanila si Michelle na isa din sa pinagsiselosan ko dahil bestfriend nya ito. Pero ng magpakasal na ito ay nakahinga na ako ng maluwag.

Pero hindi dun natatapos ang paghihirap kong mahalin syang hindi nya alam at patago.

Kaya ito hindi nanaman ako nakatulog ng walang mga luha na dumadaloy sa mga mata ko at tahimik na umiiyak hanggang sa kainin ako ng antok ko at makatulog ng tuluyan.

"Frienddd!"
tiling sigaw ng mga kaibigan kong pumasok sa shop ko.

Nagulat ako sa biglaan nilang pagdating hindi ko inaasahan na pupunta sila dito. Sabay sabay kaming nagyakapan para batiin ang isa't isa. Kaya niyaya ko sila na umupo sa labas, dahil sinugod nila ako sa loob ng kusina.

"O bakit kayo naparito? "
Agad kong tanong ng makaupo kami.

'' I invite you sana sa anniversary namin ni Pau"sagot naman ni Janella

''Kaylan ba? ''

' Bukas ng gabi. Im sure naman na wala kang pupuntahan. Mga around 6:30, ok na yun. '

' Invited na naman ba sya? '

Napabuntunghininga sya sa tanong ko '' Oo naman. Eh magkasama sila ni Mister sa trabaho at matalik na magkaibigan. ''

'' Sana umalis nalang sya''
bulong ko pero di gaanong mahina at ang tinutukoy ay si Heinrich na sana ay bumalik nalang kung saan sya naka-asign dati sa trabaho nya.

Mga isang buwan na syang na-asign dito. Nasa Australia kasi sya dati, eh di ko alam kung bakit bumalik pa. Masaya sana kasi 'pag may gatherings kaming magkakaibigan eh nakikita ko sya pero nagtatago naman ako. Pero malungkot rin dahil lantaran ko ng nakikita ang mga babaeng kasama nya, ewan ko ba kung kaibigan nya or nobya. Hindi naman kasi sya womanizer.

Kahit minsan lang kaming magkita natatandaan ko talaga ang mga babaeng kasama nya, at minsan sa isang taon iisa lang ding babae ang kasama nya.

''Hanggang kaylan mo ba sya mamahalin ng patago girl? '' Michelle

'' Ewan ko, sinusubukan ko namang hindi ma attract sa kanya. Eh itong bwesit na puso ko hindi nakikinig sakin '' habang nagsasalita ako para na namang tutulo ang mga luha ko. At bumabalik saakin ang sakit ng nakaraan na ako lang din naman ang gumagawa.

'' Alam mo Delle, sabihin ko kaya sa kanya? '' nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Michelle. "Muka naman kasing hind-''

''Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin Chell maawa ka. '' pagputol ko sa sasabihin nya.

"Oo nga naman Delle, hindi pa naman sya nagpapakasal eh. '' Sabat naman ng isa ko pang kaibigan na si Maessey

Napapout naman ako sa sinabi nya. Hindi ko nga maintindihan eh, naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. Kung feeling ko destiny ito eh bakit the feeling is not mutual?

''Sa totoo lang sinisira nya yung dream man ko. Sabi ko gusto kong mas matanda sakin. Hindi naman yung 5 years above,mga 3 okay na''

Napairap naman si Janella 
"Age doesn't mater kaya, eh 9 months lang naman tinanda mo sakanya.''

"Eh kahit na, parang nandidiri ako. ''

'' Pero mahal mo?''
sabat naman ni Michelle

Napabuntunghininga nalang ako sa realidad na yan.

Hanggang kaylan kaya ito matatapos? Pagod na pagod na kasi ako sa kakaisip at sa pagpipilit ng sarili ko na hindi ko sya mahalin.

''Basta pumunta ka bukas. Hindi ka lang sumipot, sasabihin ko talaga sa kanya.'' pagbabanta ni Janella sakin

Napatawa silang tatlo sa sinabi ni Jan. Napairap naman ako dahil dun at sinabayan narin namin ng tawa na parang mga timang.

'' Oo na as if namang makakatanggi ako''

Sabay naming tayong apat at lumakad na malapit sa pinto.

''Ang sabihin mo takot ka lang mabuking''
Maessey na sinabayan pa ng halakhak

''Close kami nun'' sigunda naman ni Michelle

''Ang sasama nyo''sabay kong pout na parang nagtatampo.
Pero ngumiti din ako at nagpaalam na sila dahil may kanya-kanya pa kaming trabaho.

💜💛

Upnxt...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Ghost Of A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon