CHAPTER 4 (A new day-Half Brother)

309 7 0
                                    


Dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana, nagising sa pagkakatulog si Denver. Kinusot nya ang mata. Medyo masakit ang ulo nya pero dahil konti lang nainom nya hindi ito ganun kalala. Likas sa kanya ang pagkamadaling tamaan ng alak kahit konti lang, kaya madalang syang uminom. Tiningnan nya ang relo nya alas syete na ng umaga. Nagulantang sya sa oras kaya naman napabangon sya agad. Muntik pa sya matumba dahil nabigla yata sya ng tayo. Bigla nya naalalang wala syang klase ngayon. Nangangamot sya ng ulo na nagtungo sa banyo. Wala si Cyron, siguro dahil maaga ang pasok nito ngayon. Humarap sya sa salamin.

"Teka, pano ako nakapasok kagabi?" tanong nya sa sarili dahil ang huli nyang natatandaan ay ang paghihintay nya sa labas ng kwarto. Naghilamos sya saka lumabas ng banyo.

Kumuha sya ng tubig dahil pakiramdam nya'y tuyong tuyo ang lalamunan nya. Habang lumulunok ng tubig, nagflashback ang mga nangyari kagabi. Mula sa pagbukas ni Cyron ng pinto, ang pag-akay nito sa kanya paloob at...

at ang paghalik nya rito.

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!" napasigaw sya sa naalala. Bumalik sya sa kama. Paulit ulit pumapasok sa isip nya ang pagalalapat ng labi nila.

"No! hindi yun totoo! ahhhh!!" pagulong gulong sya sa kama. Sinasabunutan ang sarili.

"Denver" naalala nya pa ang sinabi ni Cyron habang hinihila nya palapit ang mukha nito.

"Teka... Hindi yun totoo, panaginip lang yun... haayy ang tanga mo Denver!!" Lalo pa syang nagpagulong gulong nang marinig nyang may nagbubukas ng pinto. Inayos nya agad ang sarili. Si Cyron pala ito.

"Oh, gising kana pala" sabi nito, malumanay na ulit ito magsalita. Tumabi ito sa kanya at nakaramdam sya ng hiya.

"Kamusta ulo mo?" nakatitig na sabi nito. "I mean may hangover kaba?" paglilinaw nito.

"A-ayos naman, teka san pala galing? wala kabang pasok?" pag-iiba nya ng usapan. Napansin nya ang mga dala nitong cup noodles.

"Ahh, Oo wala akong pasok, lumabas lang ako saglit bumili ako ng noodles, para may makain ka" Nagkatitigan sila sa sinabi nito.

"Para may makain tayo, alam mo na, masarap sa umaga ang noodles" at tumayo para maghanda ng makakain. Nilagyan nito ng mainit na tubig at naupo ito. Pareho pala silang walang pasok kaya heto parang pinagsisilbihan sya nito.

"halika" tawag pa nito. Sobrang awkward talaga ng nararamdaman ni Denver ngayon. Dati rati sya tong halos nagsasalita, ngayon puro si Cyron nalang dahil sa sobra syang nahihiya dito. Maya maya lang luto na ang mga noodles.

"Ayan, kumain na tayo" iniabot nito ang isa aa kanya.

"Salamat" maikling sabi nya lang at ngumiti naman ito. Nagiging natural na sa kanya na nakikita itong nakangiti.

"Mainit ha, dahan dahan" nagulat pa sya dahil sa masyado itong protected sa kanya. Tiningnan nya ito habang kumakain. Mas lalong namumula ang kissable lips nito kapag nababasa ng sabaw ng noodles. Ang gwapo gwapo nya habang kumakain ng noodles. Ang hot nya sa suot na white V-neck shirt. Bagay din dito ang medyo gulong buhok na nakabagsak ngayon sa noo nito, madalas kasing nakataas ito kapag napasok.

"Bakit?" bigla nitong tanong habang nakatingin sa kanya. Halos magblush sya nung tumingin ito sa kanya.

"Wala, may naalala lang ako, kain ka lang" sabi nya sabay subo ng noodles.

"Sa susunod wag ka na iinom ng marami" sabi nito habang nakayuko.

"Konti lang naman nainom ko, di ko nga naubos ang isang lata" paliwanag nya at humarap ito.

"Tapos di kana makalakad para pumasok dito?" tanong naman nito, bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"Nakaidlip ako, nakalimutan ko kasi yung susi" napayuko sya.

Blind Love Season 1 - Mindoro BL Story Completed  ❤Where stories live. Discover now