Prologue ♥

91 2 1
                                    

"Um... Anthony." Tawag ko sakanya at napalingon naman agad sya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng lalaking 'to at sumabay sa isang loner na tulad ko. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga "fans" nya. Ayoko pa naman yung tinititigan ako ng kung sinu-sino.

Sikat na estudyante dito sa Delton University 'tong si Anthony. Isa pa, malakas ang "charm" nya kaya takaw-tingin lagi sa mga babae. May official fanclub pa nga sya eh, malamang gawa nung mga fangirls nya. Tapos marami ring nagpo-post ng mga blog tungkol sakanya sa official website ng university, at gawa na naman 'yon mga fangirls nya. (=_=)

Aaminin ko, may konting pagtingin din ako sakanya. Pero, kailan man ay hinding hindi ako magiging isang "He-is-Mine fan" tulad ng mga l*tch*ng babae dyan sa tabi-tabi. Ano 'ko? Baliw para ma-fall sa charm ng lalaking 'yon? Hah! Utot naman ng fangirls nya. (*_*)

Duh, snobber kaya sya! Kaya nga konti lang ang nagbibigay sakanya ng love letters eh. Tapos, kapag sa tingin nya ay "pangit" yung magbibigay sakanya, inii-snob nya ito at hindi man lang babasahin yung letter kun'di pasimple pa nya 'tong itatapon sa basurahan. Sama nya noh? Kaya nga halos katiting lang ang kagustuhan ko sakanya. Ang maganda at matino lang naman kasi sa ugali nya ay pagiging tahimik.

"Hm?" Isa nga palang award, "Most Matipid". Bakit? Dadaldalin mo ng pagkahaba-haba tapos halos 2 or 3 words lang ang isasagot nya. Tipid 'di ba? Siguro, wala pa ring gaanong bawas yung Word box nya.

"Bakit mo nga pala naisipan na sumabay sakin ng pagkain?" Actually, kanina pa kaming tapos kumain, ineexpect ko pa nga na aalis agad sya. Kaso natripan ko munang mag-stay dito, eh hindi ko naman alam na in reality pala hindi pa rin sya aalis hangga't hindi ako umaalis.

"Trip ko." Tipid nyang sagot at ibinaling ulit ang atensyon nya sa pagsilip sa labas. Nasa tabi kasi kami ng malapad at transparent na salamin dito sa cafeteria. Malaki at malawak ang cafeteria kaya halos lahat ng mga estudyante ay kasya sa loob nito. May mga extrang table at bench naman sa labas kaya no worries kung wala ka nang mapwestuhan sa loob.

Tahimik lang kami habang alam kong pinagmamasdan kami nung mga fangirls nya. Nagulat naman ako nang may nag-vibrate sa may lamesa, nakapatong kasi yung magkabila kong siko dito.

Why you gotta be so rude

Don't you know I'm human too

Why you gotta be so rude

I'm gonna marry her anyway

Marry that girl

Marry her anyway

Marry that girl

No matter what you say

Marry that girl

And we'll be a family

Why you gotta be so

Rudeㅡ

Nabigla ako kasi sa tagal nyang pinakinggan yung ringtone nya, hindi pa rin nya sinagot yung tawag. Hindi ko na lang sya pinansin at napalingon ako sa gawi ng isang babae na inis na inis at halos i-shoot na nya sa basurahan yung cellphone nya at makakuha ng 3 points. Baka sya yung tumawag.

"Tch." Napa-sigh sya at uminom ng tubig. Oh! Paano nagkaroon ng bottled water sa tabi nya? Kanina naman wala 'yan. (●_●)

"Riiiiing!!"

"Oy, tara na. Nag-ring na yung bell." Yaya ko sakanya at tumayo na. Tumayo na rin sya at nakipagsiksikan na kami palabas ng cafeteria. Tahimik na SANA kaming naglalakad nang biglang nagsisulputan na parang mga kabute yung mga fangirls nya. Sumingit ako sa mga pagi-pagitan nila para makalanghap ng oxygen. Puro carbon dioxide na kasi yung nalalanghap ko eh.

Choose One ♥Место, где живут истории. Откройте их для себя