Chapter 9

68 2 0
                                    

"Ang galing mo, Rojo!"

"Mahal kita Dreck!"

"Marry me Loke!"

Iyan ang karamihan sa kaniyang mga naririnig na sigaw. Napangiwi siya nang biglang may tumili sa kaniyang gilid. Para siyang mabibingi sasobrang lakas ng hiyawan at sigawan.

"OMG! Gefree my loves!"-sigaw ni Winzy. Napalingon naman siya rito na katabi niya. Nginiwian niya ito. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano siya napunta rito ngunit naaalala niya kung paano siya kaladkarin ni Winzy at ng dalawa papunta dito. Muli niyang pinanood ang mga kalalakihan na nagpapaligsahan.

Hindi alam ang paligsahan na ito. May dalawang grupo ito at may anim na miyembro na puro lalaki. Sa larong ito ay may tatlong bola. Ang dalawa ay sinisipa para ipasok sa lambat at ang isa ay pinag-aagawan upang ipasok sa butas ng kalaban.

Natuon ang kaniyang pansin sa lalaking may matingkad na kukay pulang mga mata.

Kakaiba ang mata nito kaysa nung nakita niya ito sa lumang bahayat pasilyo.

Napakahusay nito sa paglalaro. Sobrang bilis at tikas nito. Suot nito ang seryoso at mapanganib na ekspresiyon.

Rojo Delavale.

Napatulos siya sa kaniyang kinatatayuan nang magsalubong ang kanilang mga mata.

Bumagal ang nasa paligid at si Rojo lamang ang kaniyang nakikita. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit parang hinihigop ng mga mata nito ang kaniyang kaluluwa.

Naguguluhan siya kung ano itong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung gaano katagal ang titigan nila.

Napakurap siya nang bigla siyang ngisihan nito at tumakbo papunta sa kalaban.

"Nginitian ako ni Rojo my loves!"-nagtititiling sigaw ng isang babae sa kaniyang likod.

Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng inis doon sa babaeng nasa likod niya. Nilingon niya ito at sa tingin niya ay isa itong Hybrid. Napaismid siya at muling pinanood ang paligsahan.

Hindi niya alam kung naiinis ba siya sa nangarap itong babae na ito ang nginisihan ni Rojo o yung 'my loves' na parte.

Pero bakit siya nakakaramdam nito?

"Eva, tulala ka riyan."-sabi sakaniya ni Winzy. Napakurap naman siya sa sinabi nito.

"A-ano iyon?"-wala sa sarili niyang tanong. Sinimangutan naman siya ni Winzy.

"Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka kanina pa. Ano bang nangyayari sayo?"-sagot nito at saka siya tinanong. Napalabi naman siya rito. Kahit siya ay hindi niya alam kung bakit siya tulala.

"Well, anyway, nakaoaghanda ka na ba sa Ludum Inveniet Eam?"-tanong nito sakaniya.

Nandito sila sa kantina dahil ka tatapos lang ng kanilang klase tungkol sa mga Mitholohiya at may isa silang oras na bakante.

"Ano yung L-ludun--?"-tanong niya rito.

"Kusumi Inveniet Eam, isa yung laro na ang magkakalaban ay ang mga tatlong uri. Hybrid, Pureblood, at Legendary. Sa larong iyon ay may hahanaping mga bato. Lima iyon at kailangang kompleto ang makuha ng isang uri para ilagay sa Patera Cantata. At doon na tatapos ang laro."-mahabang salaysay ni Winzy kay Eva.

"Ano naman yung Pantera?"-tanong niya ulit nito.

"Patera Cantata, isang uri ng mangkok. Doon ilalagay ang mga bato."-sagot ni Winzy. Marami pa siyang gustong itanong doon pero baka mainis ito sakaniya kaya maghahanap nalang siya ng ibang impormasiyon sa silid aklatan.

Daintly CursedWhere stories live. Discover now