CHAPTER 15: 3 WORDS, 8 LETTERS

728 82 1
                                    

Solace's POV,

"Solace!"

Mahina akong natawa nang salubungin agad ako ni Michelle nang mahigpit na yakap na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Agad siyang humiwalay sa'kin at nag-aalala akong tiningnan ng diretso sa mga mata.

But I just gave her a smile. "I'm fine."

Ngumuso lang siya, obvious naman na hindi naniniwala sa sinabi ko. "Buti naman pumasok ka na, bukas na ang art competition at kung hindi mo kaya-"

"Kaya ko, hm? Matagal ko na 'tong napaghandaan so bakit pa 'ko magba-backout? Also, I joined the competition to present my artwork. It doesn't matter if I win or lose, ang mahalaga ay binigay ko ang best ko."

I saw her smiled at me na para bang isa siyang proud mom dahilan para matawa ako. "Aww, lumalaki na ang baby Solace ko."

"Oh shut up." I playfully smacked her on her shoulder.

"Wait, ano palang theme ang napunta sa'yo?"

Tipid lang akong ngumiti. "It's about love."

Mukhang natigilan naman siya saka malungkot na tumawa. "Sabi mo napaghandaan mo na 'to so I assumed hindi ka na mahihirapan i-paint ang theme na 'yon despite of being heartbroken."

Hindi ako nakasagot. Pero totoo naman, nakapag-ready na 'ko dito pero hindi ko lang alam kung magiging maganda ang magiging outcome ng art ko knowing na may dinadala akong sakit dala ng pag-ibig.

Nung una, naisip ko na ang gagawin ko ay isang artwork na nagpapakita ng kagandahan ng pag-ibig pero ngayon parang tila nabura sa isipan ko ang ideyang iyon. Pero bahala na, ipagkakatiwala ko na lang sa sarili ko ang lahat sa araw ng competition.

Natapos ang araw at ang buong araw na 'yon ay nanatili lang ako sa classroom namin. Hindi na 'ko lumabas para mag-lunch kahit pilit akong niyayaya ni Michelle. Kio even went to our classroom para lang din kulitin ako pero hindi ako pumayag.

Ineexpect ko rin na may kasama si Kio nung pumunta siya sa classroom namin pero ang tanga ko lang kasi sino ako para i-expect na lalapitan niya pa 'ko ulit after ng mga nalaman niya, right?

Buong araw din hindi ko siya nakita. Akala ko nga absent siya pero narinig ko si Kio at Michelle na nag-uusap na wala daw sa mood si Keila at tulad ko ay ayaw din lumabas ng classroom nila pero bukod don wala na 'kong balita sa kanya.

And God knows how much I want to talk to her but I can't. Wala akong lakas ng loob na harapin siya after ng nangyari sa restroom. At kahit nag-aalala din ako sa kalagayan niya, kailangan ko magtiis na 'wag siyang lapitan.

-

Ngayon, araw ng competition. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Nandito pa rin ang sakit pero mas nangingibabaw ang kaba ko. Pinili ko ring isantabi muna ang sarili kong emosyon para sa gaganapin na competition.

Ayoko kasing maapektuhan ang gawa ko nang dahil lang sa pinagdadaanan ko.

"Solace!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at napangiti nang makita si Kio pero agad ding naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino ang kasama nito. Mas lalo tuloy lumaki ang kaba sa dibdib ko nang makita ko siya.

Keila..

Lumapit sila sa kinaroroonan ko at parang gusto kong tumakbo, hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin si Keila na nakatitig sa akin ngayon. Pero bakit ba siya nakatingin sa'kin ng ganyan? Pakiramdam ko matutunaw ako.

Loving Solace Unexpectedly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon