chapter one

1 1 0
                                    


“Ano ba 'yon?” sinampal sampal ko ng mahina ang mga pisngi ko at kinusot ang mata ko. Medyo nahihilo hilo pa rin ako dahil sa ilaw. Ang sakit pa naman sa ulo no'n!

Pero nandito ako sa bahay namin..

“Teka sa'n ba ko galing kanina?!”

--

“Oo, oo ang weirdo kamo kanina talaga hay! Eh kasi naman, kagabi! Aba ewan napakagulo sobra. Ganito kasi yon ha, gan'to.”

Umayos ako ng upo at hinarap ang kaibigan ko, si Pilar at kinuwento sa kaniya ang mga nangyari sa'kin kagabi.

“WEH?! TALAGA SARA GWAPO SIYA?”

“Oo nga! Ano ba 'yan ang ingay mo! Shh ka lang!”

“Ay sorry sorry, hehe. So tapos? Nasa'n na siya ngayon?”

“Uhm, eh kasi, nung paggising ko... Nasa bahay na 'ko eh. Basta! Sigurado akong kagabi, nasa ibang lugar talaga ako eh. Yung mga baging, parang kurtina siya do'n tapos kumikislap kislap... Ang ganda ganda grabe. Tapos naman, may mataray na babae, pero di ko nakita yung mukha niya nga tapos eto pa yung napaka nakakagulat bes.”

“Ano! Ano? Anooooo!”

“Sabi niya, uhm wait.” Ano nga ba yung sabi nung lalaki? Medyo nakalimutan ko na eh. Basta may natandaan talaga ako.

“Pagmamay-ari ko ang babaeng 'yan. Pagmamay-ari kita.”

O_O

Legit na nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang nagsabi no'n.

Malaki siya, matangkad...

Hindi siya long hair, naka 2 by 3 gaya ng protocol sa school, naka eye glass at... may hawak na libro.

Woodland Chronicles.

“Hoy Sara. Ano na!”

“Ha? Ano? What, teka bakit?! Anong--” napaigtad ako nang tawagin ako bigla ng matinis na boses ni Pilar pero mas natinag ako nang humalakhak ang lalaking 'yon sa likod ko.

Y-yung tawa niya... Ang ganda.

Ang ganda pa ng pagkakaupo niya habang nagbabasa ha. At parang hindi niya pa ako natutunugan na kanina pa siya tinititigan!

Pero yung halakhak niya kasi... Parang malambing na tigre. Parang napakadulas na growl ng gutom na leon. Parang alon sa dagat. Parang malamig na simoy ng berdeng mga lupain sa Maryland. Parang neigh ng isang unicorn. Parang pagaspas ng pakpak ni Pegasus. Kakaiba. So surreal. Parang may anghel---

“HOY! Aba't. Baka matunaw mo naman si Gerald niyan.”

“Ha? Sino si Gerald ba...” lumingon naman ako kay Pilar nang nagtataka.

*RINGGGGGGG!*

8:05 AM na at hudyat na ito ng pagsisimula ng klase.

Tumayo naman ang lalaking 'yon at daling lumabas ng room namin. Mukhang may tropa siya rito sa room namin. Actually second day of school namin ngayon. At grade 10 na rin ako.

Pero ang ipinagtataka ko pa rin ay ang biglaan niyang pagsasabi ng mga katagang 'yon. Parang sinagot niya yung tanong ko. More or less, dinugtungan pa niya ang sinasabi ko to prove it's true and it really happened.

“Sara! Nagooverthink ka na naman! May pinapasulat oh!”

Oo tama, tama. Nagooverthink lang ako. Dahil imposible naman 'yon.

Imposibleng maging siya 'yon.

“Oo! Dahil hindi niya naman kamukha yung archangel na yon or kung ano mang tawag sakaniya. Tsk!  Nakasalamin siya at hindi nakasalamin yon... Ano pa ba...”

Unrequited - ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon