Chapter 15: Younger Brother

82 10 0
                                    

Irene's POV

Should I call dad or not?

Kanina ko pa iniisip kung tatawagan ko ba si Daddy o hindi. Kase naman, gusto kong sabihin sakanya na may boyfriend na ko. Ayoko namang itago sakanya 'to pero baka may sabihin nanaman siyang ayokong marinig. Sa huli, hindi ko na lang tinawagan at sumandal na lang sa upuan. Nandito na naman kami sa shooting para sa drama. Alam kong mapapagod na naman kami pero nawawala yon kapag iniisip ko ang nangyari two days ago.

"IRENE!" agad akong napatingin kay Stella na nakapamewang sa harapan ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Aba! Malapit ng matapos ang pag-shoot ng drama niyo. May plano si Direk Lee na mag-dinner tayong lahat," sabi niya at umupo sa harapan ko.

"I'll ask Zeon first," sagot ko at napailing na lang siya. Sakto namang pumasok sa dressing room si Zeon at nginitian ako.

"Lalabas na ko baka langgamin pa ko dito," natawa na lang ako ng mahina dahil sa inakto ni Stella. Tiningnan ko naman si Zeon na umupo sa inuupuan ni Stella kanina.

"Sasama ba tayo? May dinner na pinlano si Direk Lee, eh," sabi ko kay Zeon at nag-isip naman siya.

"It's up to you. If you want to be with them, then I will also," ngumiti siya kaya napangiti rin ako.

"Oops! Tama na landian! Continue na raw!!" mabilis na sabi ni Stella at sinara ulit ang pinto.

"Let's go," naunang tumayo si Zeon at nilahad ang kamay sa harap ko. Hinawakan ko naman ito at bago ako tumayo, hinalikan niya at noo ko. Yeah, aaminin ko na kinilig ako kahit sa simpleng ganon lang. Hindi kasi siya yung tipo ng tao na makikipag-PDA talaga.

"Pagkatapos talaga ng drama na 'to matutulog ako ng isang linggo," pabiro kong sabi at narinig ko namang tumawa si Zeon. Habang naglalakad kami papunta sa set inakbayan ako ng loko at hindi pinansin ang mga taong nandon.

"Makikita ko na naman ang great acting mo," bulong niya kaya pinalo ko siya. Iba kasi ang ibig sabihin ng 'great acting' ko sa kanya. Kailangan naman kasi talagang medyo maging OA sa bawat scene dahil yun talaga ang role ko. Sisihin niya ang writer at si Direk Lee. Sila lang naman nag-utos na ganun dapat ang acting ko.

"Nandito na rin ang dalawa," bugnot na sabi ni Stella habang nakasandal sa pader. Oo nga noh, ang bagal pala namin maglakad.

"OKAY! Let's continue now!" sigaw ni Direk kaya mabilis kong binasa ang script ko at pumwesto na. Konting tiis na lang matatapos na ang drama na 'to. Fighting!

Someone's POV

"Don't kill her, master!!" pagmamakaawa ko kay master. Sa simula, gustong-gusto kong mawala ang kasiyahan niya pero bakit ngayon nagdadalawang-isip na ko. Dahil ba sa pinakita niya sa'kin noon?

"Oh, my little angel, this is what you want right? Ginagawa ko lang ang hiling mo. And beside, may galit din ako sa pamilya niya. Kumikilos na tayo, ngayon ka pa lang uurong? You know what I hate, my little angel," sa galit ko, lumabas ako ng opisina niya at pumunta sa kwarto ko.

I'm sorry. I'm so sorry.

Steve's POV

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon