Chapter 4

3.4K 83 15
                                    

Nagising ako sa isang nakakasilaw na liwanag. Inilibot ko ang paningin ko at saglit na nagpanic dahil hindi pamilyar ang kwarto sa akin. Ngunit naalala ko kagabi, nandito ako sa kwarto ni Mr. Rockford.

Ramdam ko ang sakit ng katawan ko ng tumayo ako, tinungo ko ang pinakamalapit na salamit at nakita kung gaano kalunos lunos ang sinapit ko. May mga galos ako sa mukha, ang leeg ko ay may bakas pa ng isang matinding pagkakasakal, ang kamay ko ay puno ng mga galos. Natigil lamang ako sa pagkilatis sa sarili ko ng makarinig ng katok mula sa pintuan.

Ilang sandali pa bumukas na ito ay niluwa nito ang ubod ng gwapong lalaki to the 10th power. He looks familiar though.

Ah! Siya yung lalaki sa wedding, yung kamukha ni ate pretty.

"Hey, just want to call you for breakfast." He said while smiling.

"H-ha?" Wala sa sariling tanong ko. Damn! Focus. I heard him chuckle.

"I'm Jack Frost, by the way." Jack Frost? Mukhang cartoon character lang ah? Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at nilahad ang kamay ko.

"I'm Levi Devine Zandria. Just Levi or Lev for short." Inabot naman niya ang kamay ko at ngumiti ng pagkatamis tamis. Yummy!

Iginaya niya ako palabas ng kwarto at sinabayan patungo sa kanilang hapag kainan. Ang ganda ng bahay, more like a mansion. Sana all.

Nang makarating kami sa hapag kainan ay umupo ako side na walang naupo. I instantly gulped when I saw 3 handsome men, sitting in front of me. Bukod pa si Jack Frost na kakaupo lamang sa tabi nila.

They were all looking at me. When my eyes met Scythe's eyes, I felt my cheek burn. Damn, buo na ang araw ko. I smiled at him and stopped myself from screaming. Tila wala akong paki sa ibang katabi niya at napako ang aking tingin sa kanya. Well, gwapo silang lahat pero si Scythe kasi tinamaan talaga ako rito sa poging to eh.

"H-hi Scythe, goodmorning." Bati ko sa kanya at tila siya lamang ang kasama ko.

"Goodmorning Levi!" He said happily. I felt my heart pound.

"Kain ka na." Medyo pabebeng sabi ko dahil nahalata ko na hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya.

"Sure." Sagot niya naman at sinimulan ng kainin ang kanin at hotdog sa kanyang pinggan. I can't help but to stare and admire him, damn.

"Ehem." Naputol ang pagpapantasya ko kay Scythe ng marinig ang pagtikhim ng isa sa kanila.

"Hindi ka mabubusog kung papanoodin mo lang siya." Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Damn, nahalata pala nila?!

"By the way, I'm Zhask." Pagpapakilala niya. He didn't smile at all, he's serious but he isn't cold like the man sitting beside him.

"Nice to meet you, Zhask. I'm Levi." Pagpapakilala ko. Hindi rin maiwasan na mapatingin ako sa katabi niya na walang emosyong kumakain.

Nagsimula na rin akong kumain pero naiilang ako. Bakit ba kasi nasa harap ko silang lahat?

"U-uhm so, magkakapatid ba kayo?" Pagbasag ko sa katahimikan ng biglang masamid si Scythe. Agad ko naman siyang inabutan ng tubig.

"Actually, we're just Drevon's employees." Jack answered. Wow, cool. Araw araw kaya nila nakakasabay kumain si Mr. Rockford? They really looked close.

I stared at Jack's face for a while. I can't be wrong. Siya yung lalaki sa kasal na kasama ni ate pretty.

"I think I already saw you." I told him unconsciously. They all looked at me with a questioning look.

"Really? Saan?" sagot niya na tila namamangha.

The Broken Mafia Boss (Mafia Series:Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon