Chapter 3:Danger

32 2 3
                                    


Mabuti naman at narating na namin ang kwarto niya

"ilang kilo ka ba?ang bigat mo!" reklamo ko sa kanya pero wala lang siyang kibo

"Uuwi na ako" paalam ko

"diyan lang naman kwarto mo ah"

"kahit na! Aalis na akoo!" akmang lalabas na ako ng pintuan ng bigla siyang nagsalita

"Sandali!"

"nagugutom ako!"

Don't tell me na paglulutuin niya pa ako

"so? Nasa akin ba ang pagkain?"

"Ipagluto mo kooo!" sigaw nito

Aba eh ginawa na ako nitong yaya eh

"Ano mo ako yaya?"reklamo ko dito

Nagulat nalang ako ng hinubad niya ang polo niya at ngayon wala na siyang suot na pang itaas

"Hoy! Magbihis ka nga!" saway ko dito dahil hindi ako komportable

"Oh ano magluluto ka o ikaw kakainin ko?"

Pakyu Ashton!

pinanlisikan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya

" di ako marunong magluto!" depensa ko

"Oh ano seryoso ako" sabi nito at gaya ng sabi niya seryoso siya at papalapit na siya sa akin

Kaya agad akong dumiretso sa kusina

"Magluluto ka rin naman pala" sabi nito sabay halakhak

Tinignan ko ang kabinet at ang ref para makapag isip kung ano ang lulutuin ko

Geez..di ako marunong magluto!!!

Bahala na si Batman!!

dahil may nakita akong sitaw at baboy sa ref niya ay ito nalang ang naisipan kong iluto

Sinimulan ko nang hiwain ang baboy at sitaw

Habang nagigisa na ako may naramdaman akong hininga sa likuran ko kaya agad na lumingon ako at nakita kong nakatayo sa likod ko si Ashton na hanggang ngayon wala paring damit pang itaas

"Hoyy! Magbihis ka ngaa!" saway ko na naman sa kanya

" oo eto na!" sabi nito sabay nagsuot na ng sando

"mali yang ginagawa mo!" saway nito sa akin

Di nga kasi ako marunong magluto

"Edi ikaw magluto!!" sigaw ko sakanya at umalis ako sa harap ng kalan

bahala ka diyan ikaw na nga pinaglulutuan ikaw pa galit!

"hoyy bumalik ka dito!"

Bahala ka diyan

"bleeh" asar ko sakanya at pumunta ako sa couch at nanood ng tv

"Hoyy ano ba nasusunog na!!" sigaw nito

Eh?bahala ka diyan!

"Hoyy ano baa!"

nagulat ako ng may naamoy akong usok

Oh sheett!!

"Sabi sayoo eh!!" nakita ko siyang nagpapanic sa kusina habang binubuhusan ng tubig ang kawaling may malakas ng apoy

Halos kunalat na ang apoy sa buong kusina

Kaya agad na kaming humingi ng tulong

"ano ba kasi ang ginawa niyoo!" dismayadong tanong ni Manang Lina may ari ng apartment

"Pasensya na po" sabay naming sabi

"Oh ano Ashton? Paano ba yan ang daming nasirang bagay at hindi ka puwedeng mag stay sa kwarto nato dahil delikado na at sunog na ang ibang parte ng kwarto?"tanong ni Manang Lina kay Ashton

"doon nalang po ako sa room ng kaibigan ko" napatingin ako sa kanya

Sa kwarto ko siya titira?! No way!!

"per-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong tumitig na para bang tinatakot na namnan ako

"okay" walang ganang sabi ko no choice eh





Living with the Campus Badboy || j.jk and h.ebWhere stories live. Discover now