CAPITOLO VENTISEI (1.3)

52 0 3
                                    

CAPITOLO VENTISEI - BLOODSHED

Xyra's POV

HINDI pa rin ako mapakali. Oo at ilang araw na rin na tahimik ang mga nagdaang pangyayari na para bang masamang panaginip lamang ang lahat pero bakit ganito, mas lalo akong hindi mapalagay lalo na sa mga nalaman namin kahapon.

"Xyra, sabay na tayo mag lunch" pagyaya pa nila Hara sa akin. Sabay sabay na kaming nagtungo sa cafeteria at bumili. Napag isipan nalang namin na bumalik kaagad sa classroom.

Mabilis na lumipas ang oras at nagkataon na free time namin sa last subject. Sanay na rin kami dahil ilang araw na ring wala si ma'am Ann.

"Okay guys, oh ito. Ready na, isusurprise na natin siya" excited na pa wika nila Webbie at Cyril sa amin. Kaagad naman namin sinindihan ang mga kandila at kaagad na bumaba sa first floor.

"Charot ah, may pa effort effort pa tayo para kay Mama Rose" sambit pa ni Charity. Napatawa nalang ako. Talaga naman kasing biglaan ang naging paghahanda namin sa surpise dahil birthday ni Mary Rose.

"Oh ha, dai hawakan niyo yan ng maayos" pagpapaalala pa ni Jessmar kina Julius at Bengle. Napakunot at halos hindi ko alam kung matatawa ba ko dahil imbes na rosas o mga bulaklak ay mga damo ang hawak nila. Mga siraulo rin tong mga baklang 'to ano.

"Nandito na siya!!" hinihingal pang sigaw ni Jossel sa amin. Kaya naman kaming lahat ay napaayos at naunang kumanta sina Jessmar.

"Abi, abi, abi maria" halos napatawa kaming lahat sa kinanta nila. Hindi ko alam kong sasabay pa ako o hindi. Kitang kita rin sa itsura ni Mary Rose na nagdadalawang isip na tanggapin ang mga dahong dala dala nila Jessmar at mga kandila.

"Mga dai, paalala ah birthday ko hindi lamay. Mga gaga kayo!" wika pa niya rito at sabay hampas sa mga ito. Napuno naman ng tawanan ng pilit na ipinulupot ng mga bakla ang dahon sa buong katawan ni Mary Rose. At talagang nag efgort pa silang kumuha ng tali ah. Nagmistulang tila na hostage itong si Mary Rose sa gulo-guluhang buhok at mga dahon at taling ipinulopot sa kaniya.

"Psst, mga dai at dong " pagtawag pa nila sa amin pero hindi na kami sumabay pa ng paikot ikotan nila ito at inaawitan. Halos tawa lang kami ng tawa dahil talagang pinagtulungan nila si Mary Rose. Ewan ko ba sa kanila, ang gulo mag plano.

Jusko, halos sumakit na ang tiyan ko ng sayawan pa nila ito ng pang sinulog.

"Mga siraulo!" sabay sabay naming asik at napatawa na rin. Pero hindi rin tumagal ng mag kaniya kaniya ng uwian ang iba. Kaya naman bumalik na muna kami sa classroom para kunin ang mga gamit namin, karamihan sa amin ay halos naghahabulan pa at nagkukulitan sa loob ng classroom ng bumalik si sir Nalson.

"Class S, nasan na ang iba?" wika pa niya.

"Umuwi na po, sir" aniko.

"Ganoon ba, sabihin niyo nalang sa kanila na kailangang nakacomplete uniform at nakaputi kayo bukas dahil may gagamit sa classroom at sa class niyo bukas. She needs your help for the observation tomorrow, naintindihan niyo ba? At isa pa, be early tomorrow all of you bawal ma late" tumango naman kaming lahat bago pa man siya umalis ay may iniwan pa itong kataga.

"Isirado niyo ang classroom at huwag iwan na magulo, ayusin niyo. 'Wag kayong magpapagabi ah. Class S" pagbabanta pa niya sa amin. Kaya naman naglinis kami at inayos ang iilan sa mga bangko at gamit na nakakalat. Talagang napakastrict ni sir pagdating sa classroom.

"Oh, linisin niyo ng maayos ah. Papagalotan tayo ni sir" wika pa ni Cyril.

"Yes, ika pa ni sir "ang paglilinis ay parang pagliligo, bawat singit ay kinukuskos" sabay sabay naming bulalas. Talagang tumatak na sa amin ang mga lines ni sir Nalson.

The UNINVITED (Completed)Where stories live. Discover now