042

985 26 0
                                    


Irene's POV

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Taehyung dito sa hospital, my ilang aparato ang nakakabit sa kanya. At hanggang ngayon ay wala parin itong malay.

"Alam mo ba, nung day na nalaman nya na diagnose sya ng Acute Leukemia nakangiti parin sya" pagkwekwento sa akin mg ate nya, nakaupo ito sa Couch kagaya ko.

"Acute Leukemia po?" Takhang tanong ko dito, tumango naman ito at nagpunas ng luha.

"Acute Leukemia, una pa nga ay ayaw nito lumiban sa klase nya kasi—kasi sabi nya Leukemia lang daw to. Kaso dumating yung araw na kailangan na syang iconfine dito sa Hospital dahil lumalala na daw. At first ayaw na ayaw nya sa hospital minsan nga ay tumatakas pa yan eh. Nakakaboring daw kasi. Pero lagi naman naming nahuhuli, Pero nitong past few Months hindi na ito tumatakas, nananatili nalang sya sa kwarto at hawak palagi yung cellphone nya. Natuwa kami dun dahil nga hindi na sya natakas" pagkwekwento ng Ate ni Taehyung, napangiti naman ako. Kahit may karamdaman na sya ay ganun parin sya how can you be like that Kuya?

"Akala namin busy lang sa Mobile Games pero hindi pala, busy pala sya sa kachat nya. Which is you. Alam mo ba pagkatapos at pagkalabas na pagkalabas nya galing sa chemo nya ay hinahanap nya agad yung cellphone nya. Kasi daw for sure nakauwi or may message kana, may time nga na napagalitan sya ng doctor kasi palagi yang nagcecellphone. May time na nakangiti sya habangnagtatype may time na seryoso naman, Alam mo ba kung gaano ako kathankful sayo? Kasi ku—kung hindi ka nya nakilala baka hindi na sya lumaban sa Sakit nya. Bago masagawa yung Bone Marrow Transplant nya nagiwan pa sya ng katagang "Mabubuhay akooo Tiwala lang! makikita kopaa na grumaduate si Irene"  yun yung sinabi nya, almost ilang months syang walang malay. Akala nga namin wala-wala nang pagasa, sinabihan kasi kami ng doctor na kahit daw maging sucess and transplant may chance parin na ano mamatay sya" Kung kanina inaalo ko nag ate ni Taehyung pero ngayon nabaliktad na kasi ako na sobra at hagulgol kung umiyak.

kuya | k.taehyung [✔️]Where stories live. Discover now