'SAKIT'
Nagtagpo ng di sinasadya,
O baka ito lang ang nais ng tadhana.
Ngumiti ngunit ang pakla,
Pag-ibig saki'y may naiwan pa kaya?
Tanga ko lang para umasa pa,
Ako nga pala ang tumapos sating dalawa.
Nang kinamusta kita, sabi mo masaya ka na.
Tinanong kita kung mahal mo siya,
Nagtaka ako nang umiling ka.
Ngunit agad mong tugon,
"Pero susubukan ko..."
At malamig na titig saki'y binaling,
"Ang sakit mo kasing mahalin."
![](https://img.wattpad.com/cover/187558241-288-k822618.jpg)
YOU ARE READING
Dungis sa Papel
PoetryKamay pilit gumagalaw Sa plumang nakahimlay. Puting tela'y naghihintay, Muling dungisan ng kulay. Buksan ang saradong pintuan, Ilabas ang tunay na kinang. Ang akala mong isang kalawang, Daan pala sa panibagong lagusan. (Mga Piling Tula ni Awtor)