1st Chapter "Picture To Burn"

372 27 5
                                    

ANGEL's POV

"Ate! Masama sa nature yang ginagawa mo!" pigil sa akin ng kapatid ko na si Gelo.

"Hayaan mo na ako Gelo. Mas masama ang nararamdaman ko ngayon." sabi ko at ipinagpatuloy ko ang pagsusunog ng mga bagay na may kaugnayan sa KANYA, lalong-lalo na yung mga litrato.

"Ate, ano ba kasi yang mga sinusunog mo? Ang taas-taas ng sikat ng araw, nagagawa mo pang magsunog!" inagaw sa akin ni Gelo yung mga bagay na hawak ko pero agad ko naman itong nabawi. Mabuti nalang at hindi nya nakita.

"Please Gelo, hayaan mo na muna ako dito. Kung naiinitan ka, edi pumasok ka sa loob ng bahay. Kaya please lang Gelo, iwanan mo muna ako dito." pagmamakaawa ko sa kapatid ko. Nararamdaman ko na ang paglabas ng mga luha ko sa mga mata ko. Walang na sigurong mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

Pero makulit talaga ang kapatid ko. Imbis na sundin nya ako ay lumapit pa sya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Ate, alam kong may problema ka. Ano yun?" seryosong tanong sa akin ni Gelo.

Ayokong sabihin sa kanya pero mukhang wala na akong magagawa. Tumungo nalang ako habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko pagkatapos ay iniabot ko sa kanya ang kahuli-hulihang litratong hawak ko.

"Oh, kayo 'to ni kuya-----" agad ko na tinakpan ang mga tenga ko.

"Wag. Wag na wag mong babanggitin ang pangalan nya. Please lang." tinignan ako ng seryoso ni Gelo na para bang binabasa nya yung mga mata ako. Maya-maya ay naramdaman ko nalang yung mga kamay ni Gelo sa magkabilang pisngi ko at pinupunasan ang mga luha ko gamit ang thumb nya.

"Anong ginawa nya sayo?"seryosong tanong ni Gelo. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

Napaupo nalang ako sa lapag at pinagmasdan yung mga bagay na may kaugnayan sa KANYA na ngayon ay kasalukuyang nasusunog.

"Ate.."

"Ate, ano ba ang nangyari? Maayos naman kayo diba? Bakit biglang ganito?" tanong ni Gelo na umupo na din sa tabi ko tapos ay isinandal nya ako sa kanya.

Wala na akong magagawa para ilihim pa itong sakit na nararamdaman ko sa kapatid ko. Wala na eh, nakita na nya na nagkakaganito ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na trip-trip ko lang ang lahat ng ito dahil paniguradong hindi naman nya ako paniniwalaan.

Getting My Evil Ex Boyfriend BackWhere stories live. Discover now