Chapter 24 - Peace offering

150 24 1
                                    

Chapter 24

Peace offering

Nagmamadali akong lumabas ng kotse dahil malelate na ako sa klase. Na-late ako ng gising at hindi ko alam kung bakit napasarap ako ng tulog kagabi. Halos wala nang masyadong tao sa hallway.

Hingal na hingal na ako nang mamataan kong malapit na akong makarating sa classroom. Ang haba ng nilakad ko tapos aakyat pa ako hanggang pangatlong palapag.

Huminga ako ng malalim nang nasa labas na ako ng room. Kumatok ako bago binuksan ang pinto. "Good morning Ma'am! I'm sorry, I'm late." Hinihingal pa rin ako.

"Why are you late Ms. Sandoval?"  Taas kilay na tinanong ako ni Ma'am.

"Na'late po kasi ako ng gising ma'am."  Kinakabahan ako.

"Okay, go to your seat now. Next time gumising na ng maaga ha?"  Ani ni ma'am.

"Yes ma'am."  Tumango ako at sinara na ang pinto.

Nang nakaupo na ako ay bumulong sa akin si Kurt. "Why are you late?"

"I already said the reason a while ago."  Sagot kong pabulong din.

"But you're always waking up too early, aren't you?"  Tanong niya pabalik.

Biglang tumingin sa amin si Ms. Montenegro at bigla naman kaming umayos ng upo ni Kurt. Natawa nalang kaming dalawa nang hindi na nakatingin sa amin si ma'am.

Natapos na ang dalawang subject at break time na. Naalala ko yung linuto namin kagabi! Naalala rin kaya ni manang na ipadala yun dito? Linabas ko ang phone ko at saktong may nakita akong mensahe doon galing kay manang.

Manang:

Puntahan mo nalang si Kanor sa may gate niyo. Pinadala ko sa kanya yung meryenda niyo.

Napangiti naman ako kasi hindi nakalimutan ni manang iyon.

Ako:

Okay po manang. Thank you!

"Guys, punta lang ako sa may entrance ng school. May kukunin lang ako kay manong."  Sabi ko sabay tayo na.

"I'll go with you."  Sabi ni Kurt.

"Okay lang. Ako nalang para mas mabilis."  Sabi ko.

"Sige na Louisse. Pasama ka na kay Kurt."  Singit ni Drew.

Ayoko ng makipagtalo kaya naman ay umalis na ako doon kasama si Kurt. Habang pababa kami ay may mga nakasalubong kaming grupo ng mga babae na nagbubulong bulungan sabay ngiti habang nakatingin kay Kurt.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now