Kiara's POV
"Chris sa likod mo!" sigaw nung isa sa kanila
Halos lahat kami ay punong puno na ng dugo at pagod na pagod na rin
Karamihan ay parang naghihingalong aso sa hingal
Mahigit twenty ang zombies na kalaban namin ngayon
Pinagpapapalo ko sila habang ang iba naman ay naninipa at nanununtok
Napaatras ako ng kaunti nung magsi datingan pa ang maraming zombies
Aksidente king nabangga ang lalaking nagalit kanina, yung tinawag nilang Kobe
Pagkahampas niya sa iba, biglang tumilapon ang dala niyang armas
Dali dali kong kinuha ang arnis stick na hindi ko ginagamit at ibinigay ko ito sa kanya
Tinapunan niya ako ng tingin at kinuha na ang arnis nang makita niyang may mga pasulpot na naman
Hindi kami makakatakas kung lalaban lang kami nang lalaban sa mga zombies na parang di naman nauubos
May napansin akong pinto na para sa staffs
"Dun oh, may daan palabas, tara na!" sabi ko sa kanila
Napatingin naman sila sa gawing tinuro ko
Tumango naman yung iba at nagsimula na kaming magsitakbuhan papunta sa pinto
Medyo nauuna silang maglakad kaysa sa akin, napansin ko ding may mga dala silang mga bag, pero mas mabigat yung akin.
Hinihingal na ako, nakakapagod tumakbo nang tumakbo habang may dala dala
Lumingon si Kobe sa gawi ko, anong problema niya?
"Babae! Ang bagal mo tumakbo." sabi niya habang pasimpleng binabagalan ang pagtakbo para makahabol ako
Tinaasan ko siya ng kilay "may pangalan ako! Diana Kiara A. Capistrano. Tsaka di ako mabagal tumakbo, sadyang madami lang akong dala" sabi ko
Parang medyo nagulat pa siya nung marinig ang pangalan ko
"Dami mong dahilan! Bahala ka na nga dyan." sabi niya
Bigla niyang kinuha ang maleta ko at tumakbo kasabay ko
Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya
"Consider this as my thanks for lending me this stick earlier" saad niya
Nginitian ko na lang siya, kahit pala mukha siyang siga at suplado, mabait din naman pala
Tumigil kami sa harap ng isang eskwelahan, tumingin muna sila sa paligid bago binuksan ang gate
Pumasok kaming lahat at nung isasarado na namin ito
Grrr
Paepal! Napapagod na nga yung tao eh!
Sa inis ko, walang habas na pinagpapapalo ko ito gamit ang crow bar
Napangisi naman ang iba habang inilalabas ko ang walang buhay na zombie
Umakyat kami hanggang sa 4th floor
Pumasok sila sa Room 214 kaya sumunod na rin ako
May nakita ako doong dalawang babae at isang lalaki
Parang pamilyar yung isang babae, tinitigan ko siyang mabuti kahit nakatalikod
Humarap naman ito at
"Kiara buhay ka!" gulat na sabi ni Alisa
"Alisa buti ligtas ka" tugon ko sa kanya
Niyakap niya ako nang mahigpit
![](https://img.wattpad.com/cover/186854919-288-k122681.jpg)
YOU ARE READING
Our Dance With The Undead
RomanceThe world is changing and there is no such thing as being safe. An epidemic has spread and there is no escape. Ang akala kong maayos at payapang pamumuhay ay nawala sa isang iglap. The world is now filled with flesh craving virus known as zombies. I...