LK 4

724 21 0
                                    



LK 4


" tama na po !! hinde na po ako uulit AHHHHH " pagpipigil ko sa kanya habang paulit-ulit akong tinatamaan ng sinturon sa pwetan ko. dapat kasi nakinig na lang ako kay kuya Lorenzo, hinde n asana ako napalo.


" kailangan mong magtanda, sa susunod na tatakas ka ulit sa ampunan ay higit sa sampung palo ang mararanasan mo .. kaya wag mo nang tatangkain na tumakas pa .." sabi ni sister delilah, umalis na siya pagkatapos niya ako paluin sa pwetan.


Nakatingin sa akin ang ibang bata, pinagtatawanan ako ng iba habang nakatingin lang sa akin yung iba dahil naawa sila sa nangyare sa akin. kaagad kong binalot ang sarili ng kumot. Ayaw ko silang makita.


Ayaw kong maging kaawa-awa, wala na sila mama at papa dahil hinde na sila mabubuhay. Siguro napunta ako sa lugar na ito dahil sa kawawa na ako. wala na akong magulang.


" tumahan ka na diyan, sabi ko sayo wag ka nang tumakas eh .. mas masakit yung bente na palo sa pwetan kaya wag ka nang magtatangka .." sabi niya, napatingin ako sa kanya. kita ko sa mukha niya na malungkot siya.


" halika, sumama ka sa akin .. para parehas tayung makapaglibang .. pumunta tayo sa secret hide-out ko .." nakangiting sabi nito, pero hinde ko magawang tumayo dahil masakit ang pwetan ko.


" hinde ko kaya, masakit pwet ko .." sagot ko sa kanya, ngumiti lang siya sabay alok ng likod niya.


" sumakay ka sa likod ko para mabuhat kita .. pramis mawawala yang sakit ng pwetan mo pag nakita mo yung secret hide-out ko .." kita sa mukha niya ang saya habang binabanggit niya yung secret hide-out niya.


Binuhat niya ako kahit na alam ko ay nabibigatan na siya sa akin.


" saan kayo pupunta ? "sabi nung isang mataba na lalaki, kaagad namang lumingon si kuya Lorenzo para makita namen yung si taba.


" anu nanaman ang problema mo taba ?" sagot ni kuya Lorenzo, namula sag alit yung mukha ni taba na para bang susugurin niya na kame kahit anung oras.


" subukan mo lang maunang mang-away, humanda ka sa akin .. hinde ka pa nadala nung nasuntok kita sa tiyan ?" pananakot ni kuya Lorenzo, kita sa mukha nito na bigla na lang itong namutla.


" isusumbong kita kay sister Delilah pag sinuntok mo ako !" sagot niya, ngumiti lang si kuya Lorenzo bilang ganti sa taba.


" mas isusumbong kita, kung hinde ka titigil sa pang-gugulo sa akin .." banta nito, kaagad itong napatakbo at umiyak. Hinde pa nga siya napapalo umiyak na kaagad.


" pikon kasi si taba kaya umiiyak pag napipikon .." sagot nito, napatawa na lang ako sa siabe niya. hanggang sa nagpatuloy na kame sa paglalakad, mapuno ang likod ng ampunan at meron ding kadiliman saibang sulok pero ang talagang ikinatatakot ko ay ang mga mala pulang mga butas sa itaas na parang nakatutok sa aming dalawa.

Larawang KupasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon