Prologue

104 5 0
                                    


"Sky, we'll never be a thing. Kahit kailan hindi yun mangyayari."

Masyado akong nasaktan sa mga binitawan niyang salita kaya napahakbang ako pabalik. Nagpakawala siya ng isang nakakalokong tawa na mas nagpagulat sa akin.

"Napakalaki mo namang tanga kong  naiisip mo na magkakaroon talaga ng TAYO. Open your eyes Sky. Hindi tayo magkapantay. Iba ka, iba ako. We're two different people. Basura ka lang sa paningin ko."

"Basura ka lang sa paningin ko"

"Basura ka lang sa paningin ko"

"Basura ka lang sa paningin ko"

Paulit- ulit na tumatak sa isip ko ang huling sinabi ni Blue hanggang sa may maramdaman na lang akong basang likido na tumutulo sa ulo ko.

Juice. Tinapunan niya ako ng juice na sa hinagap ko ay di ko maiisip na magagawa niya sa akin.

Sukat doon ay hindi ko na napigilan ang kanina ko pa pinipigilang luha.

Kanina pa ako nagtitimpi na makapagsalita sa kaniya ng masasakit na salita.

Pero hindi ko kaya.

Tiningnan ko siya at nakita kong nakangisi lang siya sa akin.

Hindi ko alam pero sa oras na yun wala akong makapang galit sa dibdib ko para sa kaniya.

Mahal ko siya. Mahal ko si Blue.

Pero tama na, masyado ng masakit.

Nginitian ko siya. Isang ngiti na may pang unawa. Ngiti na nagpapahiwatig kung gaano ko siya kamahal.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago  siya hinarap at sinabi ang mga katagang kahit kailan ay di ko naisip na masasabi ko sa kaniya.

"Blue pasensya na kung masyado akong tanga. Pasensya na kung puro sa imahinasyon ko lang pala yung salitang mahal mo ako. Pasensya na kung masyado akong naging mahina at nagpadala sa mga matatamis mong salita. Pasensya na rin kung kailangan ko ng bumitaw. Masyado ng masakit."

Hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko na nagulat siya. Bakit siya magugulat? Eh ito naman ang gusto niya di ba? HIndi niya naman ako mahal di ba? kasi para sa kanila, isa lang akong  basura. Wala ng iba.

'''''''''''

Sky Haven Lazaro is a popular cheerleader and has a perfect life. Or so they say.

What if makilala niya si Blue Indigo Thompson, isang kilalang  Queen bad-ass ng BIT University ano kayang mangyayari sa perfect life niya?

'''''''

Hi guyssss!! Sorry kung masyadong maraming grammatical errors hehe ito kasi yung pinaka una kong story na masusulat if ever kaya please bare with me. :]


Not Your Typical Nerdy CheerleaderWhere stories live. Discover now