XIV: Jacob's Plan

479 47 9
                                    

Astrid's Point of View

Hindi ko mapigilang maiyak nang makita ko siya.

"Alam mo na ang sagot sa tanong na 'yon, Astrid." Pag-uulit niya.

I miss him so much.

His voice.

His eyes.

His "iconic" line.

I miss every single thing about him.

Mabilis akong tumakbo sa direksiyon niya, "Jacob naman, eh! Nasa'n na 'yung gumawa nito sa 'yo ha!?"

Tumawa lang siya.

"Ano? Tumatawa ka pa talaga!?"

"Sa tingin mo, nakakatawa!?"

May hawak na naman siyang kutsilyo.

"May papatayin ka na naman ba? O ako na naman ang balak mong patayin? Sige! Sabihin mo na, Jacob! Dahil ba ililigtas mo na naman ako!? Okay lang sa akin! Huwag ka lang mawala ulit!"

Hindi siya sumagot.

"Sorry, Jacob. Sa lahat ng nasabi ko sa 'yo. Nasaktan kita."

Wala pa rin siyang imik.

"Mahal na mahal kita."

Masaya na rin ako dahil nakita ko siya ngayon, kahit na mukhang ayaw naman niya akong kausapin.

"Ayos lang sa 'kin kung ayaw mo akong kausapin. Ayos lang sa akin, Jacob. Ang mahalaga ngayon ay nakita na kita."

Tumawa na naman siya ulit.

"Bakit ka ba kasi tumatawa!? Ha!? Nabaliw ka na ba dahil sa mga nasabi ko sa 'yo? Nawala ka na ba sa tamang pag-iisip? Nakalimutan mo na ba ako?"

Itinutok niya sa akin 'yung kutsilyo.

"Sige, saksakin mo na lang ako, Jacob. Para maalala mo na diyan tayo nagsimula."

Sumama naman 'yung tingin niya sa akin, "Sa tingin mo ba, kaya kitang saksakin ha!? Para 'to sa cake!"

The Death AlarmWhere stories live. Discover now