Chapter 6

1.3K 45 0
                                    

After we ate our lunch and prepared ourselves ay pumunta kami ni Heaven sa mall. It's our date today. Heaven is always my date dahil wala naman akong girlfriend o asawa. Kahit nga noong last Valentine's ay siya ang kasama ko para maging date.

"What do you want to do first, young lady?" Tanong ko sa kanya.

"Let's watch a movie, daddy." Ngumiti ako na tumango sa kanya. Kahit anong gusto niyang gawin ay masusunod ngayong araw. Palagi naman. Siya ang boss ko. "Ako po ang pipili ng movie para hindi boring."

Natawa ako dahil ang pipiliin naman niyang movie ay pangbata para hindi talagang boring sa kanya pero paano naman ako? Boring sa akin ang manood ng kiddie movies. But to my surprise hindi pangbata ang pinili niya. Well, pwede naman sa bata itong movie.

"Are you sure?" Tumingin ako kay Heaven na tanungin siya.

"Yes po. Wala naman magandang palabas ngayon maliban sa pinili ko. And I heard from my friends and classmates maganda daw iyan pero nakakaiyak."

"Okay. Kapag bumili na ako ng ticket wala ng urungan ah."

"Si daddy talaga."

Pagkuha ko sa ticket ng papanoorin namin ay bumili kami ng popcorn dahil sa kagustuhan ng mahal na prinsesa.

Tama nga ang sinabi ni Heaven na nakakaiyak nga itong movie dahil puro singot ng singot ang naririnig ko sa loob ng sinehan. I looked at my daughter but she's already sleeping. Mukhang ako lang ang mag-enjoy sa pinapanood namin dahil tulog ang anak ko.

"Heaven, wake up." I gently tap her shoulder. "Tapos na yung movie."

"Mmm..." Kinusot niya ang kanyang mata at dumilat na. "Huh? Tapos na. Sorry, daddy nakatulog ako."

"It's okay. I know you're tired. Ang aga mo pa naman lagi magising. You wanna go home?"

"No. Gusto ko pa mamasyal tayo." I nodded my head. I can't say no to my daughter. She really want to spend with me.

Lumabas na kami sa sinehan at naglakad lakad. Hindi ko alam kung na ang susunod na punta namin ngayon.

"Daddy, lapit na ang birthday niyo. Anong regalo ang gusto niyo?"

"Mm..." Hinawakan ko ang baba ko at akmang nagiisip. "Ang gusto kong regalo. You. Makitang masaya ka lang ay yun na ang best gift para sa akin."

"Sure ka po ba?"

Lumuhod ako sa harapan ni Heaven at ngumiti ng pilit. I need to pretend that I am okay in front of my daughter. Kahit masakit aminin anytime soon ay sasabihin ko na sa kanya ang totoo.

"Kahit anong mangyari ay mahal na mahal ka ni daddy."

Masaya ako dahil dumating sa buhay ko si Heaven. May dahilan siguro kung bakit siya iniwanan sa labas ng bahay ko.

"Bakit kayo nagsasabi ng ganyan na parang iiwanan niyo na rin ako daddy." Naluluhang sabi ni Heaven kaya agad ko iyon pinunasan.

"No. Hindi kita iiwanan. I'm always here for you."

"I love you, daddy." Niyakap ako ng anak ko and I hugged her back.

"I love you too."

Maswerte ako kay Heaven. Simulang dumating siya sa akin ay ang laki ng pinagbago ko. Nagkaroon rin ako ng dahilan para magtrabaho ng maayos. Hindi ako magaling bilang police chief. I don't know if I'm really deserving for this rank.

Hindi sa nagyayabang but at the age of 25 ay nakuha ko ang rank ko ngayon. I'm the youngest police chief dahil magaling daw ako maging leader at matalino. I'm not good. Tao lang din naman ako at nagkakamali.

"Where do you want to go next?"

"Kain na muna tayo. Nagugutom na po kasi ako." I chuckled. Walang araw talaga hindi ako napapasaya ni Heaven.

"Okay. Where do you want to eat?"

"May masarap na kainan daw dito. Doon na lang tayo kumain."

Pumunta kami sa isang restaurant. Wait— I know this restaurant.

"Oh my gosh. Hindi ko inaasahan pupunta ka dito, chief pogi." Ngumiti ako sa kanya. He still the same. Wala pa rin nagbago kay Cameron.

Cameron is a close friend of Tiffany. Naging kaibigan ko rin siya dahil madalas rin kami nakakasabay umuwi noon. Noong mga panahong nasa ibang lugar pa ako naka assign.

"It's good to see you again, Cam."

Binaling niya sa kasama pero tumingin siya ulit sa akin.

"May junakis ka na pala. Ibig sabihin may asawa ka na?"

"I'm still single."

"Kung ganoon." Lumuhod si Cameron sa harapan ni Heaven. "Hi. Pwede mo ko maging mommy if you want."

Napailing ako sa sinabi ni Cameron.

"May mommy na ko." Napatingin naman ako kay Heaven na gulat na gulat. Sino naman ang tinutukoy niyang mommy? Wala naman akong girlfriend para tumayong ina niya. "Pero wala siya dito. Ang sabi ni daddy nasa malayong lugar ang mommy ko para doon magtrabaho. Umaasa akong babalikan niya kami ni daddy."

What? Naalala pa rin niya ang palagi kong sinasabi sa kanya tungkol sa ina niya na never naman nage-exisit sa mundo. Gawa gawa ko lang ang tungkol doon. I don't really know where her real mother is.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa arcade dahil gusto ng anak ko ang maglaro na muna bago pa kami nagpasya umuwi. Gabi na rin noong umuwi kamk sa bahay at halatang pagod na pagod ngayong araw si Heaven. Binuhat ko na siya papasok ng bahay at binaba ko siya sa kama niya.

Umupo ako sa gilid ng kama habang tinitingnan ang mahimbing na natutulog ang anak ko.

"Sana mapatawad mo si daddy sa mangyayari kapag nalaman mo na ang totoo." Hinalikan ko ang noo ni Heaven bago pa ako lumabas ng kwarto.

I know mom is right. Hindi ko na pwedeng patagalin pa itong sitwasyon dahil kapag pinatagal ko pa ito ay mas lalong masasaktan si Heaven. Ayaw ko na ang maglihim pa kay Heaven at sana sa araw na iyon ay handa na akong sabihin sa kanya ang totoo.

Kahit anong mangyari ay tatanggapin ko. Kahit gusto pa niya hanapin ang tunay niyang ina ay handa akong tulungan si Heaven para makita ko lang siyang masaya.

Tumingin ako sa phone dahil umiilaw iyon. Nakita ko ang pangalan ni Gael ang tumatawag sa akin kaya agad ko sinagot.

"Hello?"

"Dave, I have good news." Kumunot ang noo ko sa bungad ng kaibigan ko.

"Anong good news ba iyan?"

"Sinabi ko sa kakilala kong private investigator ang tungkol sa paghahanap mo sa ina ng anak mo. At ang sabi niya may chance daw na mahanap siya."

"Shit. Are you sure? Paano naman niya gagawin iyon? I don't even know her name or what she looks like."

"I don't know, man. Magtiwala na lang tayo sa kanya."

Hindi na ako sumagot dahil binaba ko na ang tawag. Ano na ang gagawin ko kapag nahanap na ang ina ni Heaven? But it's her choice kung kanino siya sasama. Sa akin o sa ina niya na iniwan siya sa labas ng bahay ko. Kahit umabot pa sa korte ay wala pa rin akong laban sa kanya. Hindi naman ako tunay na ama ni Heaven.

Definitely MaybeWhere stories live. Discover now