The start

1 0 0
                                    

Aya's POV

"Ayaaa! Gising na. We have to be early. Alam mo namang bawal na ang ma-late kay Mrs. Clinton diba?"

That was Renz. My Kuya-kuyahang kapitbahay.

"Oo na, gising na ho. Ingay mo naman." I shouted pero di naman masyadong malakas, sakto lang na marinig niya sa labas. Hihi

Agad naman na akong naligo at nagbihis for school. Di narin ako kumain kasi baka magalit nanaman si Cyril--My striktong driver este pinsan pala.

-----

"Hey! Aga mo ah." Bati ni Shiela sakin sabay kiss at hug kay Renz na nakisabay sa amin ni Cyril papuntang school.

"Yaaaah! Nag amok kasi magaling mong labidabs eh." Sagot ko sabay walk out. I have no time to see those insects cuddle with each other dito sa school noh. Kadiri!

On my way sa room nakasalubong ko naman sila Aira at Aila. Ang kunwaring mag nanay na barkada ko.

"Hoy Aya!" Tawag ni Aila.
"Hoy karin."
"Kay aga-aga highblood ka?" Tanong naman ni Aira.
I have no time to answer her kaya tinignan ko lang siya sa mata. And ayun, nagets naman na nila agad.

"Shieeeelaaaaa!" Sigaw ni Aila. Alam naman na kasi nila na tuwing umaga naiirita ako sa mga kalokohan at pang-aasar sakin nila Shiela at Renz.

Yung kaninang hug and kiss nila? They just did that kasi alam nilang magagalit ako. Loko diba? Sarap hagisan ng bomba eh.

Nasa room na ako at wala pa yung iba. Nagsusulat ako nang kung ano ano sa notebook ko, pampalipas lang nang oras. Hanggang sa....

"Mag isa ka lang?" He sat beside me. "Nasan na sila?" He continued.

"First answer, bakit may nakikita ka bang kasama ko? Wala naman diba?" Pilosopong sagot ko. "Second, malay ko. Nanay ba nila ako?" And for the second time, nag walk out nanaman po ako.

Baka nagtataka lang naman kayo noh? I don't really hate Vin. I'm just not in the mood to talk to someone.

By the way, he's Vincent Collins. My one and only disgusting manliligaw.

After nang pagsusungit ko kay Vincent at pag wa-walk out ko ay nakita kong papasok na sa room yung tropa ko kaya pumasok na din ako and our class started.

*Yaaaaaaawn* antok na ako

"Hoy Aya! Wag ka nga. Baka marinig ka ni Ma'am." Bulong ni Danny.

I just answered her with a peace sign hahaha cute ko noh?

After class, we went to the quadrangle to meet with the others, di kasi kami lahat ng tropa ko magkakaklase kaya nag hihintayan kami. Sa quad kasi may mga benches at mahangin pa kaya it's our favorite place in school.

"Peps! Kamusta?"

At dumating na nga sila. That was John Sawyer. Ang 3rd year Criminology na boyfriend lang naman ng napakaganda kong kaibigang si Aila Gabriel.

"Oy John. Buti nagpakita kana." Asar naman ni Kian. Matagal-tagal din kasing di nakasama yan sa tropa, buhat ng maraming ginagawa kasi nga 3rd year.

Oo nga pala, yang si Kian Gabriel tropa kong basketball varsity dito sa school na pinsan ni Aila at boyfriend naman ni Annie Diaz na Miss University.

Bongga diba? Hahahaha.

"Oy! Total kompleto na naman tayo diba? Pwede na ba akong umuwi?" Singit ko naman. Eh sa ayaw kong makisawsaw sa mga to eh.

"Mag hanap kana kasi para dika maingit sa amin. Tignan mo, ikaw nalang walang pair jan eh." Sagot naman ni Sir Randy Quintos. Siya yung anak nang may-ari nitong university namin, pinsan din siya ng tropa kong si Mark Quintos na volleyball varsity dito sa school at boyfriend lang naman siya ng isa ko pang tropa, si Isabela Rosel.

Pictures of UsWhere stories live. Discover now