WOLFierce 3

3.9K 205 4
                                    

Danielle

Naiinis siyang ewan niya dahil ninakaw ng isang babaeng bastos ang first kiss niya! She fucking hates it! How could this day get any better?! Napagalitan na nga siyang parang bata kanina ng daddy niya so she decided to get her own condominium. Bwisit kasi eh. Ayaw nga niyang ipagkasundo siya nito sa anak ng kompare nito para lang sa negosyo.

Mahal niya ang sarili niya't hindi kung sino lang ang makakakuha sa kanya. She must love that person too. She's not a toy para paglaruan siya ng kanyang ama't paikotin sa palad nito. Hindi siya makakapayag. Maglalayas siya kung kinakailangan dahil pati ang lola niya'y ayaw din ang ugali ng daddy niyang mismong anak pa nito.

Back to that pervert thief lady. Talagang tatamaan ito sa kanya sa susunod na magkikita nila. Nobody mess with Danielle Herron. Not her.

Kung hindi man ay hahanapin niya mismo ito. Hindi ito makakatakas sa kanya dahil nasa iisang compound lang naman sila. Sa ibang department lang siguro ito.

"Are you ok Danielle?"

Napatingin siya kay Eurielle. Ang pinsan niyang haliparot. Inirapan niya ito.

"Sinong nagsabing ok ako?! Kita mo bang ninakaw ang first kiss ko?!"

Napakamot ito sa kilay which she hates it! "Stop doing that! Ang pangit mo!"

Kita niyang umawang ang labi nito. Inirapan niya ulit saka na nagpatuloy sa paglalakad habang naghihimutok ang kanyang kalooban.

Pagpasok niya sa loob ng classroom nila ay agad sumalubong si Danrik sa kanya. May pabulaklak pang nalalaman ito. Gwapo nga kaya sigurado siyang babaero ito! Nungka kung sasagutin niya ang ganitong klase ng lalaki.

Di bale ng magmahal siya ng pangit basta may puso kesa sa lalaking gwapo pero manloloko! She's not stupid to cry over some jerk kapag nasaktan siya. Sisiguradohin niyang worth it ang bawat patak ng luha niya kung sakali.

"Hi Danielle! Good--"

"Tabi!" Sigaw niya rito at nagtawanan ang ibang mga kaklase nila. Inirapan niya ito't binangga ang balikat nito ng dumaan siya. Pakialam ba niya eh na-b'bwisit nga siya!

Padabog siyang naupo sa harapan at umupo si Eurielle sa tabi niya. Tumunog ang warning bell at inayos niya ang kanyang gamit. She crossed her arms in her chest and waited for their damn professor. Dapat ito ang nauuna hindi sila.

Irresponsible! She rolled her eyes at napairap ulit siya sa ere. Natigilan siya ng nakatingin parin sa kanya si Eurielle. Bakit ba napakachismosa ng haliparot na pinsan niyang ito!

Inirapan niya ulit ito. Bwisit!

___

She got home from school and she's so exhausted! Gusto nalang niyang maligo at matulog pero kailangan na niyang kumilos ngayon para mag-empake bago pa dumating ang daddy niya. Pero kahit na madatnan pa siya nito, maglalayas parin siya!

She went straight to her bathroom and took a warm shower. Medyo narelax siya dahil doon. Nagbihis siya't hinanda niya ang kanyang maleta bago ilagay ang mga damit niya doon. Kahit hindi na siya bumalik pa sa letseng bahay na ito. Wala siyang pakialam. This house is like a hell!

Pagbaba niya ay sakto namang nakita niya ang papasok na kotse ng daddy niya. Huminga siya ng malalim. Kung kinakailangan niyang maging bastos ngayon para masunod ang gusto niya ay gagawin niya.

Yes, family is important pero natanggal lahat iyon ng mamatay ang mommy niya't tratuhin siya ng daddy niyang parang isang bagay lang na pwedeng itapon nito kung kelan nito gusto.

At isang beses lang siyang mabubuhay. Sa kanya ang katawan niya't siya lang ang magdedesisyon. Wala ng iba. Walang nagmamay-ari sa kanya kundi siya lang. Malaki na siya't alam niya ang tama at mali.

She wanted to be free and happy and as far as she knew, wala pa siyang maling nagawa at talagang tinutulak lang siya ng daddy niya para maging masama. Simple lang naman ang gusto niya sa buhay niya. Ang makontento siya sa mga bagay na gusto niyang piliin at maabot ng walang nakikialam. Ayaw niyang may pagsisihan sa huli. Ayaw niya ng what if's sa buhay niya.

She got out of their mansion habang hila hila ang malaking maleta niya't nakaback pack pa siya. Pahirap talaga ang pagbubuhat at hindi pa naman siya sanay.

Lumabas ang daddy niya't halatang galit na galit ito pagkakita sa kanya. She put her poker face on. Sa ngayon, like father like daughter muna sila. If he's mad, news flashed! She's mad too!

"Where do you think you're going Danielle?!" Malamig ang tono nito't nanunuot ang titig sa kanya habang nakapamaywang ito.

"Away from this hell house!" Sagot niya rito. Oh boy! Her father's testing her patience!

"Kapag umalis ka sa pamamahay na ito! Itatakwil kita!"

"Do it! I'm not afraid of you! Tapos na ako sa pagiging duwag. Tapos na ako sa mga pananakot mo! I've had enough!" Dumiretso siya sa kanyang kotse at binuksan iyon.

Sinundan siya ng daddy niya't sinampal siya nito. Halos mabingi siya sa lakas non. Fine! Inaasahan na talaga niya iyon. Mukhang nagulat naman ito sa nagawa.

"Happy?!" She mocked him. Iniangat na naman nito ang kamay nito and she was ready for the second--

"Aaah!" Her daddy screamed when a big dog bit his arm!

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang napakalaking aso! Saan ito nanggaling at bigla nalang lumitaw?! He's so white! Dinamba nito ang daddy niya't kahit gusto niyang tumulong ay hindi niya alam kung papaano. Pwede rin siya nitong pagbalingan at siya naman ang sakmalin nito.

Pero imbes na saktan nito ang daddy niya ulit ay umalulong ito.

Wolf! It's not a dog! It's a wolf!

Where did he came from?!

Tumingin ito sa kanya at saka kuminang ang mga mata nitong kulay abo. Wait! Pamilyar ang mga matang iyon sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita!

Mabilis itong umalis at talagang iniligtas lang siya nito sa kanyang mapanakit na ama. Imbes na tulungan ang marahas niyang ama ay binalibag niya ang kanyang maleta sa may trunk at halos mautasan siya ng buhatin niya iyon. She closed it at dali dali siyang pumasok sa kanyang sasakyan at in-start iyon.

She left their mansion and swear she's not going back there anymore!

Thanks to that white wolf!

Gusto niya itong kupkupin kung sakaling wala pang nagmamay-ari dito. She wanted to live with him dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang condo.

She's hoping she's going to see that wolf again.

She's Fierce . She's a WOLF 2 (Completed)Where stories live. Discover now