Chapter 18

4.8K 41 12
                                    

A/N: wala pang 1 week may UD na hehehe ako'y nagdidiwang ^_____^

dedicated to arianalovesuju22 ^_______^ eh kase Zooey Lauren loves suju as well haha obvious naman ata hehehe

VOTE | COMMENT | LIKE | FOLLOW | RECOMMEND | smile ♥♥♥

enjoy reading ^o^v

_____________________________________________________

CHAPTER 18

POV: Sophie

"Yes?" I said.

"I just wanna talk about what happened last time sa condo ko." ayan na na-open na yung topic.

"What about that?" kunwari patay malisya. 

"Mali kasi eh."

"Mali?" ano ba ibig nyang sabihin?

"I mean mali tayo pareho."

"..." okay, atleast inamin nyang mali din sya.

"You being late and me having a short temper is not a good thing." lasing na siguro to. At least umaamin na rin sya sa mga kamalian din nya. But the thing is, pag naaalala ko yung pagsigaw nya, naiinis pa rin ako.

"Sorry po kung late ako." kahit friends kami tonight, hindi pa rin pwedeng kalimutan na professor ko sya at estudyante nya ako. Kaya dapat humble ako dahil kahit inamin nya na may mali din sya, at the end of the semester sya pa rin ang magbibigay sa akin ng grade.

"Sorry din kung nasigawan kita."

O.O Totoo ba to? Nag-sorry sya? Wow ah, end of the world na ata. Hindi naman kapani-paniwala.

"Wala na yun, kalimutan na natin." I said, in a very cold manner.

"Okay, so let's embrace Aki's idea." he lighten up his voice.

"Huh?" ano na naman yun?

"Let's be friends." then he smiled.

What? Anong laro to? Parang may mali eh, may nase-sense akong hindi maganda. After nya akong sungit-sungitan, sasabihin nya yun ngayon.

I looked at him. He is still smiling. ^___^ Ang gwapo nya talaga. Siguro kung wala lang kaming bad history nito sobrang maa-appreciate ko yung kagandahang lalaki nya.

Kaya lang pag naalala ko lahat ng pagsusungit at pamamahiya na ginawa nya sakin, nagmo-morph sya into a monster.

Magandang mukha, pangit na ugali. No match talaga sya kay Lance.

But come to think of it, nag-aalok sya ng friendship. Is it safe to say na ok na kami and is it safe to say na safe na ko from having a failing grade?

What ever game he is playing, kailangan ko lang maki-ride for the sake of my records when it comes to my grades.

Tinignan ko ulit sya. Still smiling. Nag-smile na din ako. ^_____^

"Friends." then nag-shake hands kami.

"Saan na ba dinala ni Aki si Natasja?" Natasja na talaga tawag nya kay Nat. Mukhang enembrace nya talaga nang bonggang-bongga yung idea ni Aki ah.

"Oo nga eh, antagal nila."

After a few minutes and after a few shots, ubos na yung laman ng bote ng alak na iniinom namin.

"Ubos na." he said.

"Oo nga, hintayin na lang natin sila."

Matapos ang nakakabagot na sampung minuto ng pag-aantay ay hindi pa rin dumadating yung dalawa. Mga pasaway.

Love Ko Si Prof. SungitWhere stories live. Discover now