CHAPTER 7

140 14 0
                                    


"Pasensya na talaga kayo kay Ferdie..." ilang beses nang nag-apologize si nanay.

"Okay lang po talaga nay, naiintindihan ko naman po..." ilang beses ko na ring sinabi sa kan'ya. "Pasensya na rin po, at nagkagulo pa dahil nagpunta ako bigla rito."

"Naku, buti nga at bumisita ka, at yang si Alex eh, walang ginawa buong araw kundi magkulong sa bahay kasama ang tito Ferdie n'ya." sabi ni nanay habang inaabutan kami ng slice ng pakwan na dinala ko. "Pero alam mo ba, ngayon lang nagsalita ng ganyang kahaba si Ferdie mula nang mapunta sila rito." bulong n'ya.

"Ganon po ba?" napatingin ako kay Alex na ayaw nanamang tumingin sa akin.

"Naku, ni 'di yan halos lumalabas ng kuwarto..." sagot ni nanay. "Pero ngayon, talagang hinarap ka n'ya para ipilit na mag-enroll si Alex sa Maybunga." tumingin s'ya kay Alex. "Kaya Alex," ika n'ya, "pumayag ka na sa gusto ng tito mo, sayang ang pinag-hirapan mong scholarship kung 'di mo ito itutuloy." nakatitig pa rin si Alex sa lapag. 'Ni 'di n'ya ginalaw ang pakwan sa harapan n'ya.

"'Wag po kayong mag-alala, nanay, tutulungan po namin si Alex para makahabol s'ya sa enrollment." nakangiti kong sinabi.

"Harinawa, at kung may problema man sa pera..." may dinukot si nanay sa bulsa at inabot sa akin. "Eto ang monthly allowance--. "

"Nay naman, sinabi ko nang 'di ko tatanggapin yan eh!" biglang singit ni Alex. Tumayo s'ya sa pagkakaupo at tumakbo pataas ng hagdan, bago pa kami maka-imik.

"Haaay..." napa buntong-hininga si nanay. "Talaga yang mag-titong yan, napaka hirap kausapin." ibinaba n'ya ang isang ATM card sa mesa, kasama ng mga papeles na bigay ni sir Ferdie.

"Para saan po ba yan?" tanong ko sa kan'ya.

"Eto ay yung perang nakuha ni Alex as death beneficiary ni Lisa..." sagot ng matanda, "Sila ni FJ ang naka lista as dependents, pati syempre si Ferdie bilang asawa n'ya, pero pareho silang ayaw gamitin ang pera... Si Ferdie nga, idi-nonate yung nakuha n'ya sa simbahan, buti etong si Alex e, monthly allowance ang nakukuha hanggang sa mag-come-of-age s'ya..."

"Mukha pong masakit pa rin ang mga nangyari para sa kanila..." sabi ko. "Siguro po kailangan pa nila ng time para mag-heal..."

"Ay, ganon na nga, pero importante rin s'yempre ang pag-aaral." sagot ni nanay. "Kahit iyang si Ferdie ko eh, iginapang namin para lang makatapos silang mag-kapatid sa oras, kaya alam ko kung bakit pinipilit s'ya ng tito n'ya ngayon. Para yan sa kinabukasaan n'ya." hinawakan n'ya ko sa kamay at tumitig sa akin. "Kaya Gian, pakiusap, tulungan mo si Alex. 'Wag mo s'yang iiwan."

"Alex?" tumawag ako sa nakakandadong pinto. "Pwedeng pumasok?"

Akala ko 'di n'ya ko papapasukin, pero bumukas ang pinto bago pa ako makakatok uli.

"Nag-iimpake ka na ba?" tanong ko sa kan'ya. Sinara ko ang pinto pagpasok sa kuwarto at tumingin sa paligid. Isang aparador at isang kama, yun lang ang laman ng kuwartong tinutulugan n'ya.

"Kailangan mong tulong?"

"Hindi na." sagot n'ya. binuksan n'ya ang aparador at naglabas ng isang malaking gym bag, tapos ay nagsimula s'yang maglagay ng mga damit sa loob nito.

Sumisinghot s'ya habang nag iimpake, pero walang luhang tumulo sa mata n'ya. Lumapit ako sa kan'ya, umipo sa kama, pinanood ang bawat galaw n'ya...

Gusto ko s'yang yakapin.

"Sigurado ka bang pwede ako sa school dorm?" bigla nyang sinabi, "Baka mamaya wala nang vacancy doon..."

"Doon ka muna sa amin mag stay." napatingin s'ya sa akin ng nakasimangot. "'Wag kang mag-alala, na-text ko na sina kuya na iuuwi kita." paliwanag ko. Lalong lumalim ang kunot sa noo n'ya.

"Iuuwi mo ko sa inyo? Anong binabalak mo?" bigla n'yang tanong sa akin.

"Wala." nakangiti kong sinagot. "Bakit? Ikaw? Anong iniisip mo, ha?" natawa ako ng makitang mamula ang mukha n'ya. Binato n'ya 'ko bigla ng t-shirt.

"Lalong wala 'no!" pagalit nyang sinabi sa akin. "Basta't... pag may ginawa ka... humanda ka sa akin..."

Tumalikod s'ya sa akin at nagpatuloy sa pag-impake. Tinitigan ko ang likod nyang puro buto. Ang leeg nyang mahaba na parang porselana. Ang buhok nyang lampas na sa tainga na may silver stud. Lumapit ako at ipinatong ang aking ulo sa balikat n'ya.
Biglang nag freeze si Alex.

"I missed you." bulong ko sa kan'ya. "I missed you so much..."

Hindi s'ya sumagot.

"Hindi mo ba kami na miss?" tanong ko sa kan'ya, "Ang banda?"

"... syempre... na miss ko rin ang banda..." sagot n'ya.

"Eh, ako?" I trailed my finger down his neck. Bigla s'yang kinilig at humarap sa akin na namumula ang mukha at nanlalaki ang mga mata. Itinaas n'ya ang kamay n'ya at sinampal ako – pero nahuli ko ito bago pa tumama sa mukha ko.

Hinalikan ko ang mga daliri n'ya at pinanood ang mukha nyang lalong namula.

"Ikaw... ayan ka nanaman..." sabi n'ya.

"Namiss lang naman kita eh..." hinalikan ko uli ang kamay n'ya, sa palad, sa pulso, pababa papuntang siko... Bigla n'ya tong hinatak pabalik. Nangiti ako sa flustered na itsurang pinapakita n'ya. "Gusto kitang yakapin, kaya lang baka sapakin mo ko?" pabiro kong sinabi sa kan'ya.

"B-buti alam mo!" isinara na n'ya ang zipper ng bag n'ya at saka tumayo sa harapan ko. "Alika na, at mahirap nang sumakay mamaya."

PilakWhere stories live. Discover now